Chapter 11

709 38 31
                                    

Kylie

Napangiti ako ng mapait ng makita ko si Ruru na nakaratay sa kama ng hospital. Its been eight weeks since inalabas siya ng Emergency Room.

Naalala ko pa ang lahat ng nangyari ng araw na iyon.

Flashback

"What's taking them so long?" frustrated na sabi ni Mommy halata sa mukha niya ang pagod at pag-aalala niya para kay Ruru.

"Elizabeth! How's my son? How's Ezekiel? He's okay right?" narinig kong tanong ni Mommy sa babaeng doctor na kakalabas lang galing emergency room.

"Tita, I'm sorry but we did everything that we could do -"

"W..what do you mean?" garalgal na tanong naming lahat.

"I'm sorry but Zeke is in coma"

Parang nawalan ako ng lakas ng marinig ko yun. Naramdaman niyo na bang para bang nagslow mo ang paligid mo. Hindi dahil nakita mo na ang the one na para sa'yo kundi dahil parang naguho ang mundo mo.

Nakita ko si Mommy na umiiyak. Si Daddy naman alam kong kunti na lang ay iiyak na siya pero pinipigilan niya lang ang naiyak dahil kailangan niyang maging malakas para sa amin.

"Ililipat ko na lang siya sa isang private room"

"Y....You're lying" sambit ko at nakita ko na napatingin sa akin ang lahat.

"Ru's much stronger than this. Hindi..Hindi ito pwedeng mangyari sa kanya" umiiyak na sabi ko at nilapitan ko ang doctor na humarap sa amin para sabihin ang maling balita "Tell me that you're lying" sabi ko while shaking her shoulders "Tell me -"

"Ate stop it"  narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya napatingin ako sa nagsalita at pumigil sa akin saglit and I saw the young lady who talk to me two days ago.

Pero hindi ako nagpatinag "Please tell me doc that my husband is -"

Isang malutong na sampal ang natanggap ko kaya hindi ko na ituloy ang sasabihin ko.

"Jacq!" narinig ko ang boses ni Daddy na tinatawag ang pangalan ni Mommy.

Napatingin ako sa kinatatayuan ni Mommy at ngumiti ng mapait. Sa lakas ng pagsampal niya di na ako magtataka kung ibinuhos niya ang kanyang lakas at namumuong galit sa akin. And I think I deserve that slap because -

"What Bong? Pipigilan mo ko? Ipagtatangol mo yang hilaw mong daughter-in-law? In the first place Ruru wont be like that if she didn't take the kids away! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Sana namatay ka na lang -"

"Sana nga mom, sana namatay na lang ako para hindi ko nakikitang nagdurusa ang asawa ko. Sana namatay na lang ako para hindi ko maranasan ang pesteng amnesia na ito! Sa tingin mo ba mom hindi rin mahirap at masakit para sa akin dahil heto nga ako buhay at humihinga pero pagkagising ko palaging may kulang? Sorry mom, hindi ko naman gustong mawala ang alaala ko"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil nakita ko siyang nakatulala mukhang natigilan dahil hindi pa siguro nagsisink in sa kanya na sinagot ko siya.

"I'm sorry Mom, kung pwede lang palitan ko si Ruru diyan sa loob gagawin ko" umiiyak na sabi ko at tsaka tumalikod ako.

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon