Napangiti si Ruru habang pinagmamasdan ang tatlong bulilit na mahimbing na natutulog sa harapan at napatingin siya saglit sa babaeng nakaupo sa tabi niya."Salamat Kylie ha?"
Si Kylie na nakatingin sa bintana ay napatingin sa gawi ng katabi niya at nginitian ito "Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin Ru, kung tutuusin ako nga dapat ang magpasalamat kasi ngayon ko lang nakita si Bullet na ganoon kasaya"
"Basta thank you pa rin"
Nakangiting tumango si Kylie at tumingin ulit sa bintana ng sasakyan.
"Sige na matulog ka na, medyo malayo-layo pa tayo"
Napatingin ulit si Kylie kay Ruru na nakatuon ang atensyon sa pagdadrive "Kanina ko pa gusto itanong sa'yo kung saan tayo pupunta? Hindi naman kasi ito ang daan patungo sa bahay mo"
Nawala ang ngiti sa labi ni Ruru at malungkot na tinignan si Kylie "Basta may gusto akong ipakita sa inyo ng mga anak natin. Kaya nga matulog ka na at gigisingin na lang kita pagkarating natin doon"
"Pero papaano ka? Ru, pwede naman tayo magsalitan magdrive eh"
Nakangiting tumingin ulit si Ruru kay Kykie "Ang kulit mo talaga kahit kailan Kylie Nicole" sambit niya at kinurot ang ilong nito "Ititigil ko na lang ang kotse kapag nakaramdam ako ng antok"
"Pero - -"
"Sige na kulit, matulog ka na" nakangiting sabi ni Ruru.
"Kwentuhan na lang tayo para hindi ka antukin"
Nakangiting umiling si Ruru as usual natalo nanaman siya ng kakulitan ng asawa nga niya.
Asawa pa nga ba?
Malungkot na tinuon ni Ruru ang kanyang atensyon sa daan ng sumagi sa isipan niya ang annullment papers na pinirmahan niya.
Hindi niyo alam kung gaano niya pinagsisihan na pinili niyang iparaya si Kylie na asawa niya para sa iba. Bawat araw pinagsisihan niya ito at bawat araw pagkagising niya ay parati niyang sinisisi ang sarili niya at tinatanong ito kung bakit.
"How's the company going? Balita ko kay Glaiza ikaw na raw ang humalili kay Daddy sa pagaasikaso ng komoanya niyo kaya part time ka na lang daw ngayon sa showbiz"
"Minsan chikadora din tong si Glaiza" natatawang sambit ni Ruru at tsaka siya napakamot sa batok niya "Pero totoo ang sabi niya, ako naman talaga kasi ang magmamana ng business ni Dad eh since ako lang naman ang lalaki sa amin magkakapatid at ako ang panganay"
"I understand the panganay part pero ang di ko naiintindihan bakit pagdating sa business nagmamatter kung babae at lalaki ka? Its just so discrimanating on our part, porket babae ka hindi ka pwedeng magmana ng business"
"Kasi yan ang lalaki namamaintain yung apilyedo nila while the girls when they marry changes their family names kaya siguro ganun?"
"Ang unfair naman kung mahuhusgahan kami ng ganun, ladies can do the job or yet they are better than you guys"
"Oo na, Kylie Nicole, I got your point. Can we just change our subject? I think there's no point talking about people being sexist. Wala naman kasi akong magagawa kung ganoon talaga ang opinion nila. At baka humantong pa tayo sa pag-aaway dahil lang sa topic na yan"
Bumuntong hininga na lang si Kylie ng mapagtanto niya na tama ang sinabi ni Ruru. She was not so over about the stress she suffered when the people were doubting her when she had entered the business world, four years ago tapos ito pa na topic ni Ruru. Parang nagflashback lahat ng stress na naramdaman niya.
"Sorry for over reacting"
Nakangiting tinignan ni Ruru si Kylie "Hindi ka pa rin nagbabago, you're still cute when you're apologizing"
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETE]
Fanfiction"What our mind can't remember our heart never forgets". This is a story of a married couple Kylie and Ezekiel a.k.a Ruru. A couple who is inseparable but a tragic accident would change their life. Will it be a reason they would separate or would it...