Chapter 28

687 30 40
                                    


"Nakangiti ako di dahil masaya ako. Ngumiti talaga ako para patunayan sa'yo na kahit nandyan ka man o wala itutuuloy ko ang buhay ko" - Kylie Nicole

Kylie

"Seryoso talaga si Rocco na may sakit si Ruru, Sans?"

Napalingon ako sa gawi nila Mikee at Sanya ng marinig ang tanong ni Mikee.

"Hindi ko alam, Mikes, parang may nililihim ang loko"

"Eh kasi tumawag ang mokong sa akin kanina, tinanong kung saan ako. He sounds so excited being in the party tapos ngayon malalaman ko umalis siya at hinatid lang ang mga bata dahil may sakit siya?"

"I got a call from him too"

Napatingin kami kay Direk Mark.

"He sounded happy when he called me that's why nga nagtataka ako ng hindi ko siya makita pagkarating ko dito"

"Rocco? Bakit parang namumutla ka dyan?" tanong ni Max, asawa ni Pancho.

Napatingin sa amin si Rocco "I just receive a call from Rere, si Ruru nasa hospital daw"

Napatayo ako sa kinauupuan ko "Bakit? Anong nangyari?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Pwede ba Ky, wag ka ng magpanggap na may pakialam ka dahil alam ko namang wala"

Natigilan ako sa sinabi ni Rocco sa akin.

"Rocco!" I heard Sanya's voice warning her husband.

"Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko, hindi niyo ba siya pupuntahan?" tanong niya sa kasamahan namin na tila natigilan "Ahh oo nga pala, sorry nakalimutan ko, ako na lang pala ang nag-aalala para kay Ruru sa grupong to" sambit ni Rocco at nakita ko siyang kinuha ang jacket niya bago umalis.

"Rocco, sandal sasama ako" sambit ko at nagmadaling sinundan siya.

Napalingon sa akin si Rocco "Para ano pa? Para pakiusapan siyang pirmahan ang annulment papers na ibinigay mo?" tila hindi makapaniwalang sabi ni Rocco sa akin "At tinuon mo pa talaga na matanggap niya bago magpasko" makikita ko talaga ang galit sa mga mata niya.

"I want to see if he's okay so I could talk to him, so please dalhin mo ko kung saan siya ngayon" I beg Rocco while trying to control my tears not to fall down.

He sighed in defeat "Fine"

He let me inside his car and began driving.

"Mikes, yes, nasa St. Luke na daw siya"

My hands were shaking while I was silently praying for his safety.

Napatingin ako kay Rocco "Ano bang nangyari? Bakit siya sinugod sa hospital?"

"Naaksidente daw ang sasakyan niya habang papunta sa rest house mo sa Batangas"

Para akong binuhusan ng malamig ng tubig dahil sa sinabi ni Rocco.

"Binenta - -"

"Binili niya ulit yun Ky dahil marami daw kayong memories doon, dahil ayaw niyang mawala ang bagay na magpapaalala sa'yo kung gaano kayo kasaya noon"

Napapikit ako habang pinipigilan na tumulo ang luha ko pero bigo ako unti-unting pumapatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan simula ng marinig ko na nasa hospital siya.

"He just wants you back"

"But he's in a relationship with Sophia kaya ko ibinigay sa kanya ang annulment para palayain siya sa kasal namin at makasama ang taong mahal niya"

"But your heart is saying another thing right? Mahal mo pa siya, right?"

It wasn't a question, it was a statement because I know Rocco knows the answer already. He was just wants me to confirm it.

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon