- - - - - - -
Hanggang ngayon ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw lamang hanggang ngayon
- - - - - - -
Third:
"Ang ganda ng isla" nakangiting sabi ni Rhian habang pinagmamasdan ang malinis na karagatan at ang dalampasigan na pinapalibutan ng mapuputing buhangin.
"Sinabi mo pa, love" nakangiting sambit ni Glaiza, nakaone piece swimsuit at may suot na puting short habang suot-suot nito ang aviator shade at nakatali ang buhok nito "I wonder how Ruru bought this island, sa pagkakaalam ko mahirap daw amuhin ang dating may-ari nito"
"Maybe the price is right?"
"I doubt it" sambit ni Glaiza sa kanyang asawa at tinignan ito "Thousands of businessman offered the owner millions of their money pero kahit ni isa walang nakapatinag ng loob nito, except Ruru"
"Alam mo naman na may ibang charisma yang si Ezekiel eh" sambit ni Rhian sa asawa.
"Ibang charisma?" nanlaki ang mata ni Glaiza "Wag mong sabihin - -"
"Gaga ka rin minsan love eh! Suntok gusto mo?" natatawang biro ni Rhian sa asawa.
Natawa si Glaiza at yinakap niya si Rhian "Heto naman si love, nagbibiro lang alam ko naman kahit anong charisma pang ipakita ni Ezekiel ay hindi mahuhulog ang loob mo sa kanya?"
Napahawak si Rhian sa may baywang niya habang nakataas pa ang kilay nito "At bakit mo naman nasabi yun?"
"Because your eyes is just on me" nakangiting sambit ni Glaiza at tsaka kinindatan niya ang asawa niya.
Ang pagiging sweet sa isa't - isa nila Glaiza at Rhian ang eksenang nasaksihan ni Kylie pagkarating niya sa dalampasigan ng isla.
Napangiti si Kylie habang pinagmamasdan ang dalawa na naglolokohan at nagtatawanan wala pa ring pagbabago sa relasyon ng dalawang ito kahit na maraming taon na ang lumipas.
Madaling lumipas ang araw at ito ay naging gabi. Ilang minuto na lamang ang kanilang hinihintay para sumapit ang bagong taon.
At ngayon ay nasa dalampasigan ng isla ang lahat ng bisita ni Ruru kung saan doon sila nagtipon-tipon upang icelebrate ang bagong taon na magkakasama. Handa na ang lahat mula sa lamesa, sa silya, sa dekorasyon pati na rin ang mga pagkain.
Naglalaro ang mga bata habang abala ang mga kasamahan nila sa kwekwentuhan at maririnig mo ang malalakas na tawanan mula sa kanilang kinaroroonan.
Nakangiting pinagmasdan ni Ruru ang bawat eksena at pilit niyang inuukit sa kanyang isipan ang bawat tagpong kanyang nakikita.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETE]
Fanfiction"What our mind can't remember our heart never forgets". This is a story of a married couple Kylie and Ezekiel a.k.a Ruru. A couple who is inseparable but a tragic accident would change their life. Will it be a reason they would separate or would it...