~
"Kaya sa natitirang segundong kayakap ka, maari bang magkunwaring akin ka pa?"
~
Ruru
"Sophia?" halos di makapaniwalang tanong ko ng makita ko ang babaeng lumalakad papalapit sa akin.
"Hi" nakangiting bati niya at bineso ako "Mukhang gulat ka ata na makita ako dito"
"Hindi naman sa ganun, it's just that hindi kita ineexpect na pumunta dito" sambit ko at napatingin ako sa dinaanan ni Kylie "P..paano mo pala nalaman na nandito kami?"
"Si Kylie, sinabi niya sa akin"
Tumango na lang ako "Si Iv - - ?"
"Daddy!" narinig ko bago matapos pa matapos ang itatanong ko.
"Hey little man" sambit ko at kinarga siya "How's your trip?"
"It was great Dad! Grandpa even tour me in Universal Studios"
"That's great to hear at nag-enjoy ka sa vacation mo, bud" sambit ko habang ginugulo ang buhok niya.
Pero kaagad na nawala ang ngiti ni Ivan "But it would be better if kasama ka naming, at sila Ate Ziel at Kuya Kiel"
Nawala ang ngiti ko sa labi at tinignan si Sophia saglit "Next time, bud" sambit ko at tsaka tinignan ko "Nasa loob sila Ate Ziel mo natutulog pa ata, gisingin mo na lang" sambit ko at ibinababa ko siya at kaagad naman siyang tumakbo.
Ibinalin ko ang tingin ko kay Sophia "I thought next week pa uwi niyo?"
"Yun din akala ko eh, pero nagkaemergency sa hospital kaya rinebook naming ang flight naming ng mas maaga" sambit ni Sophia sabay ngiti sa akin at hinawakan niya ang sentido niya dahilan para kumunot ang noo ko.
She's lying.
Isa kasi sa mga habit ni Sophia na hahawakan niya ang sentido niya kapag nagsisinungaling siya at mukhang hindi niya napapansin yun.
Napabuga na lang ako ng hangin bago ko siya inaya sa loob.
Kanina ko pa napapansin na tinitignan ako ni Kylie ng palihim pero kapag tumitingin naman ako sa kanya ay kaagad niya kinakausap sila Sanya kundi ang mga bata. Wala naman sinabi ang mga kasama naming ng makita nila si Sophia at binati lang ito.
Natapos na kaming kumain ng nagpresenta na si Kylie na manghugas dahil nga last day namin dito ngayon gusto niya daw iienjoy muna yung iba ang island at susunod na lang siya.
"Tara, Daddy?" tanong sa akin ni Ivan.
Tumango ako "Teka lang Ivan" sambit ko at binitawan ang kamay niya "Sumunod ka na lang sa Mommy mo okay? May nakalimutan kasi si Daddy eh" pagsisinungaling ko at kaagad na pumasok sa loob ng bahay.
Napabuntong hininga na lang ako ng makita siya na nanghuhugas "Ahmm Kylie"
Nakita ko na nabitawan niya ang basong hinuhugasan niya at napatingin sa akin "Ru, wag mo naman akong gulatin ng ganyan. Tignan mo tuloy na basag ang baso" sambit niya sa akin at kinuha ang baso "Aray" sambit niya dahilan para malapitan ko siya.
"Anong nangyari?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya.
"Madulas ang baso, nasugatan ako"
Napabuntong hininga na lang ako ulit "Napakacareless mo kasi, tignan mo nagkasugat ka tuloy" sambit ko at tsaka binanlawan ng tubig ang kamay niya at sinisip ang dugo niya.
"R..Ru" nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.
"Ayan di na masyadong dumurogo, kuha lang ako ng first aid kit" sambit ko sa kanya at tsaka aalis n asana ako para kunin ang first aid kit na dala-dala ko kapag umaalis ako out of town.
BINABASA MO ANG
You're Still The One [COMPLETE]
Fanfiction"What our mind can't remember our heart never forgets". This is a story of a married couple Kylie and Ezekiel a.k.a Ruru. A couple who is inseparable but a tragic accident would change their life. Will it be a reason they would separate or would it...