Chapter 31

514 22 10
                                    


"There are two sides of a story and the truth usually lies in the middle"

Sophia

"Good Afternoon, Doc" nakangiting bati ng mga nurse sa akin habang papalakad ako patungo sa hospital room kung saan nakaconfine si Zeke.

Nginitian ko na lang ang lahat ng bumati sa akin. Halos lakad takbo ang ginawa ko para mapadali ang pagrating ko sa hospital room ni Zeke.

"How is he?" humahangos na tanong ko kay Lucas, ang attending physician ni Ruru.

"He's fine" sambit ni Lucas sa akin at tinignan ako "Pwede ba kita makausap?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango.

"Sa office ko sana? May nais akong ipakita"

Natigilan ako saglit ng mahimigan ko na may hindi tama sa kinikilos ni Lucas. Bago siya lumakad papalayo sa akin ay nahawakan ko ang kamay niya para tigilan siya sa paglakad "Bakit Lucas? May problema ba kay Ezekiel?"

"Sa office na lang tayo mag-usap dahil may nais akong ipakita sa'yo" sambit niya at maglalakad ulit ng hinawakan ko ng mas mahigpit ang kamay niya.

"Lucas please tell me if there's something wrong"

Bumuntong-hininga siya at tinignan ako ng diretso "Soph"

"Sana mali ang kutob ko. Sana mali ang kutob ko" sambit ko sa isipan ko habang hinhintay siyang matapos magsalita.

"I'm sorry" he said as he bows his head.

"So..sorry?" tanong ko at tinignan siya "Bakit ka nagsosorry Lucas?"

"Alam kong galing ka pa sa flight mo from New York at marami ka pang problemang hinaharap at ayaw ko na sanang idagdag to but you are his guardian – -"

"Pwede ba Lucas tigilan mo nay an pagligoy-ligoy mo at diretsahin mo ko sa gusto mong sabihin" pagcut ko sa sasabihin pa ni Lucas.

"I'm sorry Sophia"

"Lucas, ano ba yan sinosorry mo? Pwede bang diretsahin mo na lang ako?"

"I'm sorry Sophia, but I didn't expect that his condition is getting worse as of this moment"

"W...what do you mean?"

"He has stage 2 leukemia"

Muntik na akong matumba ng marinig ko yun galing kay Lucas mabuti na lang at maagap siya at nasalo ako.

"Are you okay?"

I nod and said "Thank you" as I look at Ezekiel who was peacefully sleeping in his hospital bed. I bit my lips and look at Lucas "Thank you for informing me Lucas, dahil kung hindi alam kung hindi niya to sasabihin sa akin"

"Hindi mo ba talaga siya mapipilit magpachemo? May ibang option rin naman beside sa chemo ah? Why don't you try that?"

Umiling ako "Alam mong buo na ang desisyon niya, Lucas at wala akong magagawa dahil alam mong labag sa mga doctor ang manghimasok sa pribadong buhay o desiyon ng pasyente"

"Ngunit iba ka Sophia, girlfriend ka niya siguro kahit papaano ay makikinig siya sa'yo"

Umiling ako "Hindi siya makikinig sa akin Lucas, sinubukan ko na pero ayaw niya na talaga" sambit ko at napangiti ng mapait "Ngunit alam kong makikinig siya sa kanya"

"Sa kanya?" nakakunot noong tanong ni Lucas "Sino ang tinutukoy mo"

"Ang asawa niya"

"You don't say - -"

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon