Chapter 18

563 27 13
                                    


Ruru's POV:

"Nicole"

"Ezekiel" halata sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ako pagkalabas ko ng comfort room.

Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko na sinambit niya ang totong pangalan ko.

"Ahh nandito ka na pala, I guess I have to go" sambit ni Kylie sa akin at tsaka aalis na sana ng hawakan ko ang kamay niya.

Gulat siyang napatingin sa akin habang magkasulubong ang mga kilay niya.

"Can you just lend me a minute of your time? Can I ask you for a coffee?" tanong ko sa kanya.

Putragis! Saan ako kumuha ng lakas ng loob para yayain siya.

"Basta ba't bibitawan mo ang kamay ko" maawtoridad na sabi nito.

Kaagad ako napatingin sa kamay niya na hinahawakan ko pala "I'm sorry" sambit ko sa kanya at binitawan ang kamay niya.

Dinala ko siya sa malapit na cafe dito may coffee shop kasi across the hospital at yun lang ang alam kung coffee shop na pinakalapit dito.

Nakita ko nanlaki ang mga mata kaya napangiti ako.

"The usual ba?"

Hindi siya sumagot sa akin pero tumango siya at umalis siguro para maghanap ng upuan.

Pagkatapos kung mag-order ay hinanap ko siya at nakita ko siyang nakaupo sa may bintana.

Wala pa rin siyang pinagbago

Ibinigay ko sa kanya ang order niya.

"Talk" narinig kong sambit niya kaya napatingin ako sa kanya dahil hindi pa nga ako nakakaupo ay inutusan niya kaagad ako.

"Pwede ba munang umupo ako?"

Tumango lang siya.

"I just want to say-"

"I'm sorry? You don't have too, Ru. Yun lang ba ang sasabihin mo? Kasi kailangan ko nang umalis dahil kailangan ko pang magpaalam kay Ziel"

"Aalis ka ulit?"

"Babalik ako bukas, may kailangan lang akong asikasuhin"

Tumango ako "Sige, wala naman akong ibang sasabihin pa. I'm sorry if nasayang ko pa ang oras mo"

"Wag kang mag-alala sanay na ako" sambit niya bago siya umalis at alam kong may halong pait at sakit ang pagkakasabk niya nun.

Habang pinagmamasdan ko siyang palayo para akong bumalik sa nakaraan.

October 2026

Isang buwan na mula ng magising ako dahil sa aksidente at tila bumabalik naman ulit ang kakahayan ko gaya ng dati although nga lang may mga certain events silang sinasabi na hindi ko maalala.

Napangiti ako ng nakaramdam ako ng gumalaw ang katabi ko. Isang buwan mula ng magising ako naging mas extra siya mag-alaga.

"Sophia" I called her name at tsaka hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

I kiss her forehead, hahalikan ko na sana siya ulit nang maalala ko na late pala siya umuwi kagabi. Lately kasi late siya umuuwi dahil on call siya.

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon