Chapter 7

695 39 8
                                    

~ You have to love. You have to feel. It is the reason why you are here on earth. You are here to risks your heart ~

Kylie

Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko ni wala na nga akong naiintindihan sa binabasa ko dahil from time to time chineck ko ang phone ko.

It's been almost a week since I saw him.

A week since kinukulit ako ng loko at hindi ko inaakala na mamimiss ko rin pala ang kakulitan niya.

Sino ba ang hindi makakamiss sa taong araw-araw kang susuyuin? At halos araw-araw na may pakulo?

He's been busy taping some scenes dahil huli na sila sa schedule dahil nga sa nangyaring aksidente.

'I Miss You'

Nanlaki ang mga mata ko ng hindi ko man lang namalayan na nakatype na pala ako mabuti na lang at hindi ko ito sinend.

I can't. I just can't send it to him like that, not right now that I'm still unsure about my feelings towards him. Oo, nawawala na yung awkwardness ko sa kanya but still I'm still unsure, I still have some doubts about my feelings. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mahal ko siya kung hindi ko pa siya lubusan na kilala diba?

Ruru

'Where are you?'

Napangiti na lang ako ng mabasa ang text na nagmumula sa pinakamamahal ko.

God! I miss her so much kung pwede ko lang hatiin nag katawan ko eh gagawin ko para makasama ko lang siya araw-araw.

'Nasa taping ako, bakit namiss mo ko?'

'Hindi ah! Busy sila Mikee eh kaya naisipan kong itext ka dahil nga bored na ako rito kakahiga sa bahay. Gusto ko na nga tumulong sa mga kasambahay sa gawaing bahay eh di naman ako pinapayagan ni mommy at baka mapano daw ako. Hello? It's been almost two weeks since I was discharge from the hospital'

Nakangiting umiling ako habang binabasa ang message niya. Hinahanap-hanap na siguro ng katawan niya ang gawaing bahay dahil noon she's always on hands during our first year ni hindi nga siya nagpakuha ng katulong eh dahil mas gusto niya daw na maging on hands sa pagiging ilaw ng tahan but noong dumating sa buhay namin si Ziel ako na talaga ang nag-insist na kumuha ng tulong since medyo hectic rin ang schedule namin but she's really on hands taking care of us kahit gaano pa siya kapagod galing sa taping.

'So ganun? Second option mo na lang ako ngayon? :'( I understand Mama, she is just worried about you. Take your time resting, malay mo next week or next month pwede ka nang bumalik sa taping mo'

"Ang tagal pa nun Ru, ngayon pa lang bored na bored na ako ano pa kaya kung next week pa ako pwedeng bumalik sa taping worst if next month. Bakit ba kasi ang full pack ng mga schedule niyo?'

Natawa na lang ako.

"Kylie talaga"

'Oh sige ganito na lang, pagkatapos ng taping ko diretso ako diyan para may kasama ka tapos gala tayo'

'Ayaw, halos wala ka na ngang pahinga dahil full pack ang schedule mo tapos yung rest time mo ilalaan mo pa sa akin? A big NO, Ezekiel! A very big NO!'

'Awwts natouch naman ako. Concern ka pala sa akin? Pero bakit di mo masabi na miss mo na ako?'

'Of course, you're my husband Mr. Madrid, kahit hindi ko man maalala na kasal tayo, ako pa rin ang Misis mo, hindi nga lang halata. Hahaha. Hindi nga kita namimiss, bored lang ako at naghahanap ako ng kasamang gumala'

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon