Chapter 21

580 25 17
                                    




"Sometimes relationships need to end but not the love you feel for each other"


Kylie

"Bakit hindi mo subukan maging selfish Ky? Bakit hindi mo siya bawiin kay Sophia?"

Napangiti ako ng mapait.

Kung babawin ko ba siya.

Magpapabawi kaya siya?

Mababawi ko kaya siya?

Paano kung umasa lang ako para sa wala?

Mahirap na. Masasaktan nanaman ako at magiging talunan sa paningin ng iba.

Iniwas ko ang aking mga mata kay Glaiza at tsaka tinignan ang kalangitan "Masaya na siya Glai, okay na ako makita siyang masaya kasama si Sophia"

"Pero papaano ka? Papaano ang pamilyang binuo niyo? Akala ko ba ayaw mo maranasan ng mga anak mo ang isang broken family? Bakit ngayon sumusuko ka na kung alam natin pwede pang isalba ang relasyon ninyo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Glaiza.

Napangiti na lang ako ng mapait habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Wala ng dapat isalba sa relasyon naming Glai, kaya nga ako pumayag sa alok ni Sophia na bumalik ng Pilipinas hindi lang dahil kay Ziel kundi para asikasuhin na rin ang divorce papers namin"

"W...what? Di..Divorce papers? Sure ka na ba diyan sa desisyon mo?"

Tumango ako

"Gusto ko nang putulin ang nag-uugnay sa amin ni Ruru, Glai lalo na ang papeles na nagpapatunay na kasal kami"

........

Dalawang araw na kong pabalik-balik ng hospital at tinatiming ko talaga na wala si Ruru o si Sophia para makasama ko ng masarilinan ang anak ko. Laking papasalamat ko kay Glaiza at Rhian dahil sa pagtulong na ginawa nila sa amin lalo na ang salitan na pagbabantay nila kay Bullet pag pumupunta ako ng hospital.

"Mommy your phone is ringing"

Napatingin ako kay Ziel at nginitian "Hmm? May sinasabi ka ba anak?"

Napabuntong-hininga na lang siya

"I said that your phone is ringing, mom" pag-uulit niya sa sinabi niya at doon ko napagtanto na kanina pa pala nagvavibrate ang phone ko. Sinagot ko ito at inexuse ko ang sarili ko kay Ziel.

"Hello?"

"Hello is this Mrs. Kylie Madrid?"

"Ito nga po, sino po kayo?"

"I'm Attorney Enrique Saavedra, Ivan's friend. Nasabi niya kasi sa akin yung about sa kalagayan mo about gusto mo daw iannull ang marriage mo sa asawa mo, he ask me a favor if I could take the case. Ang gusto ko lang malaman kung sasangayon ka ba?"

Am I really ready to let him go?

Bumuntong hininga ako "Salamat, Atty. Enrique. Nasabi na nga sa akin ni Ivan na may kaibigan daw siya pupuntahan na sana kita kaso naging busy ako this past few days kaya sorry kung naabala kita"

"No worries, Mrs. Madrid – oh I'm sorry this is so insensitive of me. Should I call you Ms. Padilla instead?"

"Kylie will do" sagot ko "Thank you talaga, Atty."

"Sure no worries, Kylie. Kung di ka abala sa makalawa, I hope you wouldn't mind meeting me personally para madiscuss natin ang divorce mo"

"Sige, salamat ulit. Atty." sambit ko at bumalik sa loob ng kwarto.

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon