Chapter 33

548 26 11
                                    


Kylie

"Are you that happy?" nakangiting tanong sa akin ni Mama.

Umuwi kasi siya galing Australia para lang sa araw na ito.

"I am that happy, Mom"

"I know baby girl, I could see it in your eyes" sambit ni Mama sa akin at tsaka pinunasan ang mga nangingilid niyang luha "Ano ba to, naiiyak ako" sambit ni Mama at tumawa.

Wala akong sinabi kundi yinakap lang si Mama "Thank you for coming here Ma, you made this day even more complete"

"Tama na nga to, at baka magkaiyakan pa tayo dito at baka masira pa ang make up mo sa araw ng kasal mo" natatawang sabi ni Mama

Kakalas lang namin sa pagyayakapan namin ng may narinig kaming kumatok sa bintana ng kotse at nakangiting tinignan ako ni Mama.

"And that's our cue"  Mama said "Tayo na? For sure kanina ka pa hinihintay ni Ezekiel"

Natawa na lang rin ako sa sinabi ni Mama. I like his name Ezekiel kaya ng maging kami yan na ang tawag ko sa kanya paminsan-minsan pero mukhang hindi lang pala ako ang may gustong tawagin siya ng ganyan kaya halos buong pamilya ko imbes na Ruru ay Ezekiel ang tawag sa kanya.

Inhale. Exhale.

Yan ang ginawa ko bago ako lumabas ng bridal car.

My father and mother went beside me before the door opened which means it was my turn to walk down on the aisle.

While I was walking on the aisle, I can't help myself to smile most specially to the most beautiful human being that was created in this world for me.

"You look so beautiful, princess" I heard my Papa said when he walk down me on the aisle.

"Thanks Papa" I said "Alam mo ba kanina pa niya ako tinatanong kung bakit daw ang tagal mo? Mukhang kinakabahan siya at baka hindi mo siya siputin" nakangiting sambit ni Papa.

"Hindi nga ako nagkamali ng payagan ko siyang hingin ang kamay mo nakikita kong mahal na mahal ka niya, anak" nakangiting sambit ni Papa habang patuloy kami lumalakad sa aisle kasama si Mama.

Si Mama naman nakikinig lang at walang sinasabi pero nakangiti siya.

Just a few meters left and I saw him in front of the Altar, smiling while he was waiting for me.

Nang makarating kami sa harap ng altar ay lumapit siya at bineso si Mama at yinakap niya si Papa.

"Ikaw na ang bahala sa anak ko" sambit ni Papa kay Ruru at inabot sa kanya ang kamay ko.

"Wag po kayong mag-aalala Tito"

"Hep hindi ba sabi ko sa'yo na papa na itawag mo sa akin?"

"Ahh oo nga pala, Papa. Wag po kayong nag-aalala gagawin ko ang lahat para mapaligaya ang prinsesa niyo" nakangiting sambit ni Ruru at tinignan ako.

"You look so beautiful"

"Matagal na Mister, ngayon mo pa lang nahahalata?" natatawang biro ko sa kanya. Inalalayan niya ako patungo sa silya namin habang hindi naalis ang mga ngiti sa mga labi namin.

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon