Chapter 16

558 27 24
                                    

"Ladies and Gentlemen welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 5:15 in the morning and the temperature is 27 c. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. On behalf of Eva Air Taiwan and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"

Napabuntong-hininga si Kylie pagkararinig niya sa huling sinabi ng announcement sa loob ng eroplano "Nandito na nga ako" sambit ni Kylie habang nakatingin siya sa bintana.

"Baby? Wake up na we are here already" sambit niya sa kanyang anak habang yinuyugyug ito ng bahagya para magising na ito.

"Mommy" sambit nito at nagmulat ng mga mata "Are we here?"

"Yes, baby boy, we're here"

Kaagad na tumayo si Bullet "Yes we're finally here! I can see Lolo Robin again"

"Bullet stop misbehaving" Kylie warned "Just stay here okay? I'll just get our baggage"

"Yes mommy" sambit ni Bullet.

Tumayo si Kylie para kunin ang mga bagahe nila habang palit-palit ang tingin niya sa pagkuha ng bagahe niya at kay Bullet na nakaupo sa silya niya kanina dahil pinapanood nito ang view sa bintana.

"Anak, let's go? We need to get off the plane"

Tumango si Bullet at tsaka hinawakan ang kamay ni Kylie.

Unang bumababa si Bullet sa eroplano habang masaya itong tumatakbo "Bullet! Bullet! Stop running!"

Natigil lang sa pagtakbo si Bullet ng madapa siya na kaagad naman nilapitan ni Kylie "Yan kasi, sabi ko sa'yo to stop running tignan mo nagkagalos ka tuloy"

"I'm sorry mommy" umiiyak na sabi ni Bullet.

"Stop crying na, akala ko ba you want to meet Lolo Robin with a smile? Stop crying na okay? Ayaw mo mapagalitan ni Lolo Robin diba?"

Tumango-tango si Bullet at tsaka hinawakan ang kamay ni Kylie habang dala-dala nito sa isang kamay ang bagahe nilang mag-ina.

"Ky!"

"Glaiza!" nakangiting tawag ni Kylie ng makita ang isa sa matalik nilang kaibigan at yinakap ito.

"Namiss kita, Kakai"

"Namiss rin kita, Glai!"

"Ako rin po mommy, I want to hug nangnang Glaiza"

Naputol ang pagyayakapan nilang dalawa at napatingin sa batang nagsalita "Of course, you could always hug nangnang" sambit ni Glaiza at yumuko at yinakap si Glaiza.

"How about me?" tanong ng kakarating na si Rhian.

"Tita Ninang" nakangiting sambit ni Bullet at kumalas sa pagkakayap niya kay Glaiza at medaling pinuntahan si Rhian at yinakap ito.

"Iba rin talaga, ang charisma mo sa mga bata love, ano?"

Napangiti lang si Rhian kay Glaiza habang pinipisil ang cheeks ni Bullet.

"Tignan mo tong asawa mo, ang anak ko nanaman ang pinagkakainteresan"

"Hayaan mo na alam mo naman na the best pamangkin niya si Bullet eh"

Tumango naman si Kylie at nang matapos na magyakapan at magkulitan si Bullet at Rhian ay lumapit si Rhian sa kanya at yinakap.

"It's good to see you back here, Ky"

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon