Chapter 20

541 25 4
                                    

Kylie's Point Of View:

"Baka nakakalimutan mo, Kylie Nicole na hindi si Bullet ang dinala mo sa loob na anim na taon"

Kanina pa pabalik-balik sa isipan ko ang sinabi ni Glaiza sa akin. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang maliliit na kamay na mahigpit na yumakap sa akin kaya napangiti ako ng mapagtanto kung sino ang may nagmamay-ari ng mga maliliit na kamay na yun.

I turned to look at him. Gumalaw siya ng kunti at mas hinipitan ang pagkakayakap niya sa akin.

Tinignan ko siya at sinimulan na minemorize ang buong mukha niya. I can't help myself but to pinch his cheeks lightly. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na pangigilan ang matambok niyang pisngi. He's so adorable when he's asleep.

Hinaplos ko ang pagmumukha niya at hinalikan ko ang noo niya "I love you, Bullet. I love you so much" I whispered.

Bullet, he's my baby.

They may consider him as a replacement of my baby.

But he's not.

He's my son.

He may not come out from me, but he's my son.

He's not just my son but also my savior.

He was the one who fixed the shattered part of me.

He was the one who brought me back to life.

My darkness days was ended when I held him on my arms as I saw him smile at me.

He is my son no matter what other people say.

"I love you son, no matter what other people will say" I said as I look at his face.

Gumalaw siya kaya unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin.

Inalis ko ang kamay niya sa akin at nilagyan ng unan para dantayan niya.

Lumabas ako ng kwarto para magpahangin.

Pumunta ako sa balcony dahil doon ko naisipan magpahangin. Napaupo ako sa bakanteng upuan at ninanam ang hangin hanggang sa napatingin ako sa madilim na kalangitan kung saan tanging buwan lang at mga bituin nag nagbibigay liwanag.

March 2017

"Nandito ka lang pala" sambit ng isang palapit na boses.

Nagmadali kong pinunasan ang mga luha ko bago pa ako maabutan kung sino ba tong tao na nagsalita sa likuran ko.

"Kylie?"

Napatingin ako sa kanya para tignan kung tama nga ba ang hinala ko.

"Ru"

Tama nga ang hinala ko na siya ang nagmamay-ari ng boses.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?" tanong niya at bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"Wag mo lang akong pansinin Ru" nakangiting sabi ko habang pinupunasan ko pa nag kumakawalang luha sa dalawang mata ko.

"Anong wag pansinin? Umiiyak ka sa harapan ko, Ky, tapos di kita papansinin? Napakawalang kwenta ko namang kaibigan niyan" halos di makapaniwalang sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya at napangiti dahil sa sinabi niya.

"Salamat Ru"

"Si AJ nanaman ba? Nagseselos nanaman ba siya sa mga scenes natin?"

Tumango ako "Minsan hindi ko na kaya yung pagseselos niya, ilang beses ko na pinapaintindi sa kanya na trabaho lang tong ginagawa natin"

"Gusto mo ba na ako na ang kumausap sa kanya?"

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon