Chapter 10

732 36 42
                                    


Third Person's Point of View:

"Ru, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala" sambit ni Rocco ng mahanap niya si Ruru sa isa sa mga dressing room ng mga co-stars nila sa Sunday Pinasaya.

"Sorry minemorize ko lang ang script para sa susunod na segment"

"Minememorize ang script? May nagmememorize bang nakatulala? Hahaha Ru funny" Rocco said as he rolled her eyes "Tell me ilang tawa ang gusto mo?"

"Rocco please wag muna ngayon" pakiusap na sambit ni Ruru at tumayo at tsaka aalis na sana.

"Ganyan, aalis ka nanaman. Diyan ka naman magaling eh sa pagwalk out tuwing gusto ka naming makausap sa problema mo"

Natigilan si Ruru sa sinabi ni Rocco kaya siya napatigil sa paglakad at napaharap dito "Bakit? Kung sasabihin ko ba masosolusyonan mo?"

Hindi nagsalita si Rocco kaya napangiti ng mapait si Ruru.

"Tignan mo, ang hilig mong makialam ngunit wala ka namang maisagot sa problema ko" walang buhay na sabi ni Ruru at umalis.

"Pasensya Rocco...Pasensya... May pinagdadaanan ang tao" sambit ni Rocco upang pakalmahin ang sarili.

"Daddy!"

Napalingon si Ruru ng may narinig siyang maliit na boses kaya napalingon siya at ngumiti ito ng matipid ng makita si Elmo habang karga-karga ang isang batang babae.

Tumango si Elmo kay Ruru kaya tumango rin ito at nginitian ang prinsesang karga ni Elmo.

"Hi Tito Ruru!" the little girl waved and then yawned.

Winave lang ni Ruru ang kamay niya sa bata at pinagmasdan habang lumalakad sila Elmo at ang batang karga-karga nito papalayo sa kinatatayuan niya.

Isang tahimik at madilim na paligid ang sumalubong sa kanya pagkarating niya sa bahay galing sa mall show.

"Siguro dapat na nga akong masanay na wala na ang mangugulo sa bahay" sabi ni Ruru at ion ang switch ng ilaw.

Bago pa kumuwala ang mga namumuong luha sa mga mata ni Ruru ay kaagad niyang pinunasan ang nangingilid na luha at pumasok sa kitchen para kumuha ng beer.

Dalawang linggo na simula ng waalang  maayos na tulog, kain, pahinga si Ruru at tanging alak na lang ang kasangga niya sa pangngulila sa mga bata.

Dalawang linggo na simula ng malaman ni Kylie ang totoo ay doon nagsimula ang pagbago ng ikot ng mga mundo nilang dalawa. Kinuha ni Kylie ang mga bata at walang nagawa si Ruru kundi magparaya.

Ipinatong ni Ruru ang dalawang bote ng tequila sa lamesa at ion ang tv at ipinatong niya rin ang kanyang paa sa lamesa.

Alak iyan ang panlaban niya sa pangungulila sa kanyang pamilya. Napangiti na lang siya habang umiiling ng itinaas ang ikalawang bote ng tequila na malapit niya ng maubos.

"Daddy, umiinom ka nanaman po" nakahawak sa bewang na sabi ni Nicoziel sa kanya.

"Ziel"

Sa pagtawag niya ay siya rin ang pagkawala ng imahe sa bata na nasa kanyang harapan.

"Bakit ko ba nakikita si Ziel? Eh wala nga sila dito"  natatawang sabi niya sa sarili "Damn! Wala na pala ang mga bata dito" sambit niya at tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina pa gustong kumuwala sa mga mata niya.

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon