Chapter 8

96 9 4
                                    


"Kuyaaaa! Halika na late na tayo!" Sabi ko sabay subo ng hotdog. Ang tagal magbihis ni kuya. Daig pa ako.

"Eto na! Pagbalot mo ko ng sandwich para habang nagdadrive makakain ako! Thank youuuu!" Sigaw niya mula sa taas.

Aish. So ginawa ko yung pinapagawa niya sakin at ako na nag start ng kotse para malamig. Gusto ko nang mag drive!

***

"Kuya! Anong feeling ng first day of school ulit?" Tanong ko sa kanya habang nag dadrive siya papuntang university.

Magkaklase kami ni kuya. Iba kase trip niya eh. Tumigil siya sa pag aaral para tulungan si mama sa business namin kaya ayun. Grade 10 pa rin siya kahit 18 years old na siya.

"Syempre wala! May kasama naman akong lumipat eh. Yung mga kaibigan ko. So hindi nanako kinakabahan. Cool lang dude!" At talagang all smiles pa siyang sinasabi yan ah.

"Yeah yeah, whatever. Pakilala mo ko sa kaibigan mo. Baka may gwapo." Sabi ko tapos tumawa siya ng malakas.

"Dude! Gwapo nga kaming magkakaibigan pero walang papatol sayo! Pangit ka eh."

"Tadyakan kita jan eh! Di lang ako nag aayos pero tignan mo! Gaganda rin ako!" Sabi ko sa kanya at lumabas na ng kotse niya. Nasa tapat na ng university eh.

"Bellaaaaa! Nakita mo na ba si Kuya? Lumipat na siya dito." Bungad ko kaagad kay Bella.

"Talaga?! Asan na siya? Kaklase ba natin siya?!" Ay? Excited ang lola mo!

"Oo kaklase natin siya. Nasaan siya? Idk. Baka magkasama si Dianne. You know. Labidabs niya." Sabi ko sa kanya. "Ok ka lang?" Tanog ko kase bigla siya natigilan at naiiyak na naman.

"Ah. Oo naman." Tapos ngumiti siya ng pilit. May problema talaga to. Matanong nga minsan.

"Ok class. May transferees tayo kaya be friendly to them ha? So please come in."

Saka pumasok sila kuya saka dalawang lalaki.

"Waaaah! Ang gwapo nila!"

"Oo nga! Akin isa diyan!"

"No way! Akin lahat yan!"

"Class! Quiet! Ok please introduce yourselves."

"My name is Elijah Cruz. 18 years old."

"I'm Steven Montereal. 16. *winks* " Sabi nung lalaking matangkas na medyo malandi. HAHAHA.

"Ezekiel. 16." Woah. Woah. Sungit alert. Sungit alert.

Pagkatapos nun ay umupo na sila sa likod namin. Nagtama pa nga yung tingin namin ni Ezekiel eh. Ang gwapo niya.

Whaaaat? Na-uh! Di pedeng mainlove! Agad agad?! Aish! Mag aral na nga lang ako!


"Class dismissed."

Tumayo na ako at nag ayos na ng bag. Gutom na ako! Aalis na sana ako ng may nakalimutan ako! Yung mga kaibigan ko. =__=

"Hoy! Bilisan niyo naman! Nagugutom na ako!" Sabi ko kay Dianne at Bella.

"Mauna na kayo. Papakilala daw muna ako ni Babe dun sa kaibigan niya eh." Ani ni Dianne bago umalis.

"Halika na! Gutom na rin ako eh. Tinext ko na rin sila Niki at Cine sabi ko pumunta sila don.

OMO! Mas lalo akong na excite nung sabihin niya yun. Di kase kami magkaklase nila Niki kase matatalino sila kaya section A sila samantalang kami ni Bella section B lang. PERO MATALINO DIN KAMI.

Nagpunta na kami sa canteen at umorder na si Bella. Ako naman naghanap ng upuan para saming lahat. Habang hinihintay ko si Bella naka receive ako ng message.

From: Cine
            Mga bebs! Di kami pwede ni Niki ngayon eh. Something came up. Next time na lang siguro! Kwentuhan niyo kami 'bout sa mga gwapong transferees sa inyo ah! Hihihi

Ay sayang! Di sila makakapunta. Excited pa man din ako kase makikita ko kung pano mag twinkle mga mata nila HAHAHAHA

"Na receive mo na yung text ni Cine? Di daw sila makakapunta eh sayang." Bungad ni Bella at nilapag ang pagkain namin.

"Oo nga eh. Gusto ko pa man din makita mga reaksyon nila!" Natatawang sagot ko sa kanya.

Kumakain lang kami nung dumating sila kuya at Dianne kasama yung dalawang kaibigan niya.

"Uy! Kuya dito!" Sabi ko tapos lumapit naman sila.

"Hi! You must be Elijah's sister?" Nakangiting sabi nung medyo flirt. Ano nga ulit pangalan non?

"A-ah yes! I'm Jen and this is my friend Bella." Sabi ko at turo kay Bella na tahimik lang na namumula don.

"Oo tol! Kapatid ko yang pangit na yan. By the way, this is Steven and Ezekiel." Sabi ni kuya pero pinawalang bahala ko na lang yung panglalait niya sakin.

Nakipagkamay sakin yung Steven samantalang tumango lang sakin si Ezekiel. Mukang walang pakielam sa mundo! Di ko nga alam kung natandaan niya pangalan ko eh hays.

Umorder na rin sila at nagsimula na silang kumain. Habang nag kukwentuhan napansin kong kanina pa tingin ng tingin sakin si Steven. Di naman sa assuming pero yaan mo na nga. Baka nagtataka lang kung bat ganon itsura ko hahaha.

"Baboy! Tara dito! Bakit mo kinain yung pizza ko?" Singhal ni kuya kay Bella.

"Eh nagpaalam naman ako ah? Gutom pa ko eh! Pakielam mo bang pangit ka?" Tuloy tuloy na sigaw ni Bella kahit punong puno yung bibig niya. Maya maya pa nabulunan na siya.

"HAHAHAHA! Buti nga sayo! Ayan tubig! Katakawan kase tsk tsk." Sabi ni kuya sabay abot ng mineral bottle. Kunwari pa si kuya eh! Concern naman

Napansin ko na nakatingin ng masama si Dianne kay Bella at kuya. Nag seselos kaya siya?

Hmm. I'm being observant again.

~~~~~~~
A.N: Guys! I want to dedicate my story to my readers. Kaya po mag vote and comment lang po para maidedicate ko sa inyo next chap!

Kamsahamnida! ^__^

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now