Chapter 36

33 6 0
                                    


Jen.


May utang si papa? Yan lang ang nasa isip ko pagkagising ko kinabukasan. Bakit di niya sinabi sakin? Though wala naman akong pera na maibibigay pero si mama meron! Tama kay mama ako manghihingi ng tulong, tutulungan naman siguro niya si papa no?


"Oh? Anong nangyari sayo?" bungad agad ni kuya nang makita ako.


"Kuya..." I whispered. "May nalaman ako tungkol kay papa, sa tingin mo matutulungan siya ni mama? May utang siya eh and ang mean nung lalaki kay papa!" nanlalaking mata na kwento ko.


"Di ko alam. Depende siguro sa laki ng halaga?" sagot niya. "Alam mo naming maliit lang business ni mama kumpara sa business nila noon na si papa na lang namamahala ngayon."


He got a point. Kaya nga di rin kami masyadong maluho dahil yun yung turo samin ni mama at nakita namin paghihirap ni mama nung nagsisimula pa lang siyang mag business. Pero asawa naman niya si papa diba? Baka sakaling tulungan niya kapag nalaman niya ginagawa nung inutangan ni papa.


"Sige iisip muna ako nang pwedeng itulong kay papa." Sabi ko kay kuya.


Tumango naman siya at dumiretso sa kusina. Sumunod ako sa kanya at nakita kong naghahain na si mama. I felt the urge to tell my mom about this pero pinigilan ko sarili ko. Baka nga di pa ito yung right time para malaman niya yung tungkol kay papa dahil alam kong may galit pa sa puso niya.


Naligo na ako pagkatapos kumain at saka ako bumaba ulit. Umupo ako sa sofa para maghintay ng sundo nang maalala ko na hindi na nga pala ako susunduin ni Kiel kaya umakyat ako ulit para tignan kung nandito pa si kuya pero nakaalis na siya hays. So pano na ko ngayon? Umalis na din si mama kaya di ako makakasabay sa kanila.


Di ako pwedeng umabsent kaya naisipan kong mag taxi na lang. At first, everything was smooth inside the taxi pero biglang ginilid ni manong kaya nagpanic agad ako. Napatingin ako ss gilid ko at naisipan ng bumaba at tumakbo pero nagsalita bigla si manong.


"Ma'am, pasensya na po pero naflat po gulong ko. Okay lang po ba maghintay kayo saglit?" Ani ni manong and gave me an apologetic smile.


"Ah hindi na po! Malalate po kase ako eh." Saka ko inabot yung bayad. Napakamalas nga naman!


Nakakita ako ng tricycle at dun ako sumakay. First time ko mag commute papasok pero di na to mauulit lalo na kung malalate lang ako. Jusko habang nasa loob ng tricycle ay hindi ko mapigilan sarili ko na tumingin sa relo ko kung late na ba talaga ako.


Nang makarating ako sa school ay kumaripas ako ng takbo papuntang room. I can't be late dahil masungit teacher namin ngayong umaga.


"It's too early for your second subject, Ms. Cruz," bungad sakin ni Ms. Quinto, the terror teacher.


"Sorry ma'am, naflat..." I reasoned out but she cut me off.


"I'll talk to you later but for now, I don't need lazy student here." Then she proceeded to the lesson I interrupted.


My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now