Chapter 32

31 6 0
                                    

Jen.

WHATT??

Anong kalokohan naman 'to? Mag date kami? As in kami? Hindi ba parang ang pangit tignan non? Technically, naging kami pa din ni Steven and magkaibigan sila for Pete's sake! Mukhang tinuhog ko ang magkaibigan.

Di na ako nakapag react kasi nag bell na kaya hinatak na niya ako papasok ng room. Pero ako, di na ako nakapakinig nang mabuti sa nagtuturo sa harap. Di ko alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa utak neto at naisip niya yon. Malabo naming may gusto na siya sakin eh no? Argh, nevermind. Baka bumagsak pa ko kaya pinilit kong makinig sa lesson.

"Abno ka ba?" tanong ko pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse niya.

Pauwi na kami at naisipan kong tanungin siya tungkol sa sinabi niya kanina. Tinignan niya ako at saka pinaandar yung kotse. Hinintay kong sagutin niya ko pero mukhang wala siyang balak sumagot kaya hinampas ko yung braso niya.

"Sumagot ka kaya? I'm asking here, oh." Pairap kong sabi sa kanya.

"What? You expect me to answer that question? Is that even a question?" he sarcastically said.

"Eh kase naman kung ano ano sinabi mo kanina no! Anong date? Di kita type no!" dire-diretso kong sabi sa kanya.

I heard him chuckle kaya tumingin ako ng matalim sa kanya. "Oh geez, I don't like you either. It's part of the plan, you idiot."

Lalong lumakas ang halakhak niya nang nakita niyang namumula ako sa kahihiyan. Di naman ako umasa don sa sinabi niya no! Nahihiya lang ako sa paraan ng pagtawa niya. I think iniinsulto na ko ng tawa niya. Yun lang yon!

"At pano naman nagging parte yon ha?"

"Isipin mo, if they know we're dating, they will not think about the wedding suspicious. Pero pag bigla nilang nalaman na ikakasal tayo, it'll be weird for them, right?" sabi niya at namangha na naman ako sa pagtatagalog niya pero medyo nasasanay na din ako kase lagi naman na siya nagtatagalog pag magkausap kami.

"Eh kaso diba ang gara naman non? Kaibigan mo si Steven eh, magmumukhang pumatol ako sa magkaibigan no." page explain ko sa kanya.

"Don't worry, he won't mind it." Sabi niya. Sasabat pa sana ako pero naunahan na niya ako. "And don't think about others, they know nothing."

Hinayaan ko na lang siya sa plano niyang iyon, Mukhang tama naman ang sinabi niya at makatutulong naman siguro iyon kaya gora lang ako! Sana lang di malaman ni papa 'to. Baka mahalata niya eh tanga pa naman akong umacting! Pero balak ko, sabihin kahit kay kuya man lang na nagkikita kami ni papa. Ayaw ko kasing magsinungaling sa kanila kaso alam kong di papaya si mama kaya kay kuya ko na lang muna sasabihin.

"Bukas pag sinundo mo ko, mag text ka agad. 'Di yung tatawag kang galit na galit sa paghihintay mong one minute." Sabi ko sa kanya ng may halong pang aasar.

"Psh. Okay then, see you tomorrow." He said kaya napatingin ako sa labas. Di ko namalayan na nandito na pala kami samin.

"Okay, see you!" sabi ko at bumaba na.

**********

The next day, nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Ghad! Anong oras na ba? Napuyat ako sa mga assignments kagabi eh. Tinignan ko yung wall clock sa gilid at nakita kong 5:30 na. Late na ako ng 30 minutes sa usual gising ko. Binalingan ko yung phone ko at nagtaka ako ng makitang si Kiel yon kaya napabalikwas ako sa kama.

Teka? Maaga ba usapan namin? Nandiyan na ba siya sa labas? Bakit napaka agad naman, damn! Di pa ko kumakain at naliligo ghad! Napapikit ako ng mariin at kinakabahan kong sinagot yung tawag.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now