Chapter 23

51 6 0
                                    




Third Person.


Kinabukasan kalat na kalat sa buong campus ang nangyari kila Steven , Jen at Dianne. Di nila alam kung sino ang nagkalat o kung may nakakita man nito. Nung araw rin na iyon nalaman ni Bella ang nangyari kaya dali dali siyang umalis ng campus at pinuntahan sila Jen sa bahay nila. Alam niya kaseng parehong nasaktan ang magkapatid.


"Sabi na nga ba at di mapagkakatiwalaan yung ahas na yun eh!"


Habang papunta siya sa bahay nila Jen ay gulat na gulat naman ang dalawa pa nitong kaibigan lalong lalo na si Niki. Syempre kaibigan niya si Steven mula pagkabata kaya alam niyang di ito magagawa ni Steven.


"Gosh! Nakakaloka yon para kay Jen! Imagine within just a day sinagot niya si Steven at nakipag break din siya dito pagkatapos ng ilang oras." Di makapaniwalang sabi ni Cine.


"Hey. Are you ok? Bakit parang natulala ka ata diyan?" Tanong niya ng mapansin na di man lang kumikilos si Niki sa mga narinig.


Nasa isip lang ngayon ni Niki ay ang kagustuhang marinig kung ano ba talaga ang nangyari. Di siya naniniwala na magagawa ni Steven yon. Baka may gusto lang manira sa dalawa niyang kaibigan?


"C-cine. P-pupwede mo ba akong samahan kila Steven? I want to know everything." sabi niya na parang kinakabahan sa magiging reaksiyon ng kausap.


"Oo naman. Alam ko naman na di mo matanggap ang nangyari at wala naman sigurong masama kung aalamin natin ang storya both sides diba?" nakangiting sabi ni Francine at sinamahan ang kaibigan papunta kila Steven.


_____


"ANO?! ASAN NA YON AT PARA MASUGOD KO?!"


"H-huwag please! Hayaan mo na sila. Gusto ko lang munang ilabas lahat ng sakit na naranasan ko kahapon."


Humiga si Jen sa kama niya at doon tahimik na umiyak. Naikuwento na niya kay Bella ang nangyari kahapon though hindi kumpleto dahil di pa rin nila alam ang side ni Steven.


Inalo ni Bella ang kaibigan at yinakap ito. Awang awa siya sa nangyari dito dahil pangalawang beses na siyang pinagtaksilan. Di niya alam kung anong magagawa niya kay Dianne pag nagkaharap silang muli.


"Tahan na Jen please. Di mo deserve na ganyanin ka nila. They don't even deserve your tears kaya wag kang magpakahina! Nandito kami para sayo at kung ano man ang magiging desisyon mo ay susuportahan ka namin." sabi niya dito at naramdaman niyang tumigil na sa pag iyak ang kaibigan at maya maya lang ay nakatulog na ito.


Dahan dahan siyang tumayo at iniwan muna ang kaibigan. Nagtungo siya sa kwarto ni Elijah. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito dahil sabi ng mga kasama nila sa bahay at ang mismong mama nila ay hindi lumalabas ng kwarto ang magkapatid mula kagabi. Nag aalala siya na baka kung anong ginawa ni Elijah sa sarili.


Nakaratign na siya sa kwarto ni Elijah. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang Elijah na tulog na tulog sa sahig habang madaming basag na bote sa paligid. Agad tumulo ang kanyang luha dahil sa sinapit nito. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi kumawala ang hikbi niya dahil baka magising niya ito. Bumaba siya at kumuha ng walis at dust pan dahil gusto niyang linisin ang kwarto bago magkamalay si Elijah.


Habang naglilinis ay di niya maiwasang mapatingin kay Elijah. Lumapit siya dito at tinitigan ang mukha. Bakas ang mga natuyong luha sa kanyang mukha. Lalo siyang napaiyak dahil alam niyang di deserve ni Elijah ito. At dahil na rin sa ayaw niyang makitang nasasaktan ang mahal niya. Nag decide siya na ilipat muna si Elijah sa kama ng sa gayon ay malinis niya ng maayos ang mga bubog sa lapag. Nagpatulong siya kay kuya Eddie at nagpahanda ng makakain para kung sakaling magising ang magkapatid ay may makakain na sila.


"D-dianne."


Napatingin siya dito at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Mukang nag ha-hallucinate pa ito dahil sa alak. Lumapit siya dito ng sa pag aakalang gising na ito subalit hinatak siya nito papunta sa kama kaya napahiga siya sa tabi ito. Mahigpit siyang yinakap ni Elijah habang umiiyak.


"D-don't leave me p-please." pakiusap niya dito.


"Hinding dindi kita iiwan Elijah." nakangiting sabi niya kahit di naman siya nito nakikita at niyakap rin ang lalaki.


"Don't l-leave me. D-dianne."


______


"That girl! Aish! Panira talaga ng buhay yung Dianne na yon eh!"


Galit na galit si Francine ng marinig niya ang buong kwento. Lahat ng pagdududa kay Steven ay nawala sa isip niya dahil alam niyang malinis ang intensiyon sa kanyang kaibigan at di naman talaga siya dapat sisihin.


Samantala, nakahinga naman ng maluwag si Niki sa narinig. Alam niyang di totoo na kayang lokohin ni Steven ang kaibigan.


"Puwede niyo ba akong tulungan?" alanganing tanong ni Steven.


"Saan naman?" takang tanong ni Francine at napatingin kay Niki.


"Ngayong alam niyo na yung katotohanan puwede niyo ba akong tulungan kay Jen magpaliwanag? Kase alam kong hindi naman niya ako pakikinggan sa nangyari pero kayo pinagkakatiwalaan niya kayo kaya please tulungan niyo ko." nagmamakaawang sabi niya sa dalawa. Nagkatinginan sila Francine at Niki. Pareho silang naawa kay Steven.


"Puwede ka naming tulungan pero tandaan mo na kung anong maging desisyon ni Jen sa huli doon kami, ok?" sabi ni Niki at napatango naman si Francine sa kanya. Alam kase nila na wala naman silang magagawa kung ano man ang desisyon na gagawin ni Jen. Di naman nila puwedeng pilitin ito kung ayaw talaga. Kaya dapat ay tanggapin din ni Steven ang magiging desisyon ni Jen.


"Huwag kayong mag alala. Pagkatapos kong magpaliwanag at kung ano ma ang maging resulta noon ay tatanggapin ko ng buong buo." mapait na ngumiti sa kanila si Steven.


"Hayaan mo, kapag di ka binalikan ni Jen hahuntingin nating tatlo si Dianne at ipapapatay!" galit na wika ni Francine at natawa naman yung dalawa.


~~~~~~~

A.N.: Kung gusto niyo pong i-dedicate ko sa inyo ang mga chapters at sa mga susunod na chapters pa or nagustuhan niyo mismo ang chapter na 'to, please FOLLOW, VOTE, and COMMENT!!!


P.S.: Thank you sa support ng mga dating readers ko at dun sa mga bago! SUPER THANK YOU! Lovelots!


-jubelb

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now