Chapter 45

28 5 0
                                    


Jen.


Nagising ako sa paglangitngit ng pinto. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog at nagsisi agad ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Masyado na akong nasanay sa kadiliman kung kaya't nanibago ang mga mata ko nang matapatan ng liwanag. Nakailang kurap ako saka tumingin sa lalaking kaharap ko ngayon.


"Kumain ka muna, tatlong araw kang tulog. Napalakas ata palo ng bata ko sayo," tatawa-tawa niyang sabi at binaba ang pagkaing dala niya sa parang table ata iyon. Hindi ko makita ng buo ang paligid sapagkat liwanag mula sa labas lang ang tumutulong sakin para makita ang taong nasa harap ko.


Napuno agad ako ng galit at tumayo sa kinahihigaan ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob pero sinugod ko siya. Pero hindi pa man din ako nakakalapit ng husto ay mabilis siyang umiwas sa harap ko at napunta bigla sa likod. Hindi ko napigilang mapasigaw ng hablutin niya ang buhok ko mula sa likod. Hinawakan ko kamay niya para tanggaling iyon sa buhok ko pero masyado siyang malakas. Napaluha na lang ako at pilit pa ring kumakalas sa hawak niya.


"Masyadong malakas ang loob mo bata. Baka hindi ka na maabutan ng pamilya mo bukas kapag pingpatuloy mo yan," bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko na talaga namang nakakapanindig balahibo. Iniwas ko ang aking mukha at tuluyan ng naluha nang marinig ang katagang 'pamilya'.


"Hayop ka," mahinang sabi ko. "Hayop kayo, 'wag niyong idadamay pamilya ko," umiiyak kong bulalas. 


Natawa siya at hinawakan ng madiin ang panga ko saka ako pilit pinalingon sa kanya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Wala na kayong kawala lalo na ang tatay mo!" sabi niya at sinampal ako ng malakas. 


Sa sobrang lakas ay tumama ako sa table kung saan niya nilagay ang pagkain saka bumagsak. Ramdam ko ang hapdi sa aking kaliwang pisngi at ang sakit dulot ng pagkakatama ko sa table. Braso ang tinukod ko sa table at sa pagkakabagsak ko sa sahig kaya't napakasakit nito. Hiniling ko na makisama muna ang katawan ko dahil feeling ko nung time na yun ay mamamaga ang anumang parte ng katawan ko sa sobrang pagod kahit ayon sa lalaki ay tatlong araw ako nakatulog.


"Kumain ka na, malilintikan ka sakin pag hindi mo ginalaw ang pagkain mo," sabi niya at tinalikuran ako. Pumunta siya sa pinto at nakita kong may pinindot siya sa labas para magkaroon ng ilaw sa loob. 


Napalingon ako agad sa paligid ko at kung hindi lang ganito ang sitwasyon ay namangha ako sa kinalalagyan ko ngayon. Maaliwalas ang kwarto, malaki at mukhang mayaman talaga ang may kagagawan nito dahil kumpleto sa gamit. Malaki ang kama na natitiyak kong queen size ito, may ottoman pa sa dulo ng kama. Mayroon ding mini sofa at may marble center table pa na alam kong doon ako tumama dahil nasa table na iyon ang pagkain. May nakita din akong bintana at gaya ng inaasahan ay may kung anong nakatakip doon mula sa labas kung kaya't kahit umaga o kung ano mang oras ngayon ay walang pumapasok na liwanag sa loob.


Isasarado na dapat nung lalaki ang pinto pero hindi ko napigilan magtanong.


"Sino ka? Bakit ganito ang lugar na pinagdalhan mo sakin? Ikaw ba ang pinagkakautangan ni papa?" sunod-sunod na tanong ko.


My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now