Chapter 20

50 7 0
                                    

Jen.

Eto na. Nasa back stage kaming lahat at nung nakita ko yung kalaban ko parang gusto ko ng mag back out! Ang gaganda nila T__T

"Hello Ladies and Gentlemen! We are here to see our candidates for Muse of the Year 20**!" Sabi nung emcee. Omg. Start na agad? Pedeng pause?

"So please welcome, the beautiful camdidates!" Sabi niya at naghanda na kami. Dahil start na ng rampahan.

Isa isa kaming rumampa at nagpakilala. Syempre may kasamang pose! Pak ganern! Omg! Turn ko na. Hingang malalim. And smile.

*ramp*

Teka? Bakit parang nabibingi ako?

*ramp*

Ang daming nag chicheer sakin! Yung section B kitang kita ko sila. Lalo na si kuya at mama! Kaiyak huhu

*ramp*

*ram--

"Ay palaka ka!" Nasabi ko na lang ng madapa ako. Hala! Nabibingi pa rin ako pero dahil sa katahimikan na. Nakakahiya!

Okay. Kaya mo to Jen! Tayo! And smile again.

"Wow! That's the spirit!" Sabi ng emcee.

Nagsimula ulit akong maglakad kahit na masakit yung paa ko. Nag hiyawan ulit yung mga tao na pinamumunuan ng section b. Dumiretso ako sa harap at

"Jennelle Cruz. 15. And I believe that the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams. " Sabi ko at nagpalakpakan na naman sila. At nakita ko yung judges na tinignan yung suot kong jersey. Paktay. Nagtataka lang talaga ko kung bakit ako natalisod kahit na naka rubber shoes lang ako.

Pumunta na kong back stage para mag retouch. Nandun sila Niki para sila mag ayos. Q and A na omg!

"You girl! Kala namin kung ano namgyare sayo! Buti na lang tumayo ka kagad!" Sabi ni Niki habang inaayos niya muka ko.

"Oo nga girl. Kaloka ka." Sabi ni Bella habang inaayos damit ko and si Cine naman sa buhok ko.

"Sorry! Di ko alam na may butas ata dun. Ewan ko. Pero gagalingan ko dito sa q and a." Sabi ko kaya napatawa sila kase masyado daw akong nag woworry.

"Okay. Let's proceed in question and answer. Let's start with candidate number one." Sabi nung emcee kaya umalis na sila para makapanood.

Nag ready muna ako kase pang 11 pa naman ako. 3 candidates kase every level. So kalaban ko sa kabatch ko ay section A at C. Magaganda din sila hays. Wala na kong panama

"Let's now hear candidate number eleven!" Hala ako na agad? Kaya pumunta na ko doon at ngumiti.

"Hello Ms. 11. Here's your question." Tapos bumunot siya sa fish bowl na hawak nung babae.

"What do you think the attitude that Muse of the Year must have?" Tanong niya kaya napangiti ako.

"For me being entitled Muse of the Year is not easy. And entitled by that doesn't mean beauty. Hindi lahat ay makukuha natin sa ganda. Minsan kailangan din natin gamitin ang ating loob hindi puro labas lang. Dahil sa oras na wala na ang iyong kagandahan, mawawala rin sayo lahat kung hindi mo gagamitin ang iyong kabutihang loob. And lastly beauty is when you can appreciate yourself. When you love yourself, that's when you're most beautiful. Thank you."

_____

Third Person.

Lahat ng tao ay kinakabahan sa magiging resulta. Lahat ng tao sa back stage na kanina'y maingay ngayon ay sobrang tahimik dahil sa announcement of winners.

"Goodluck na lang sayo. I'm sure di matatapos ang araw na to na hindi ka umiiyak. Hahaha." Sabi ni Dianne sa isip niya. Well sino pa ba ang tinutukoy niya kung hindi si Jen.

"Times up. Please come here judges para kayo ang magbigay sa winners ng kanilang mapapanalunan." Nag sitayuan ang judges at nagsimula na ring dumoble ang kaba ni Jen.

"Are you ready guys? Let's proceed for the 3rd runner up." Nagsimulang maghiyawan ang mga tao. Kanya kanyang sigawan ng mga numbers.

"Our 3rd runner up is candidate number 4!" Nagpalakpakan ang mga tao at pumunta na yung grade 8 na winner.

"For our 2nd runner up is candidate number 2" ang daming nag cheer sa grade 7 na to. Pumalakpak naman silang lahat.

"Wala na to. Sorry section b T__T" sa isip ni Jen dahil mag first runner up na pero di pa rin siya natatawag.

"Woah. Daming taga cheer ni Ms. 2. Next is the 1st runner up! Our 1st runner up goes to candidate number 9!"

Nagpalakpakan lahat at tumayo naman yung grade 9. Saka lang niya napansin na by year may nanalo na pwera sa grade 10. Kinabahan ulit siya.

"Wag kang mag assume Jen! Mas maganda sila sayo."

"And lastly, our Muse of the Year 20** is no other than....."





"... Candidate number 11."

Napangiti si Jen saka cinongrats yung katabi niya. Saka lang niya napansin na siya pala yung 11 kaya napatayo siya na wala sa oras.

"Omg! Ako ba talaga nanalo? Tama ba rinig ko ate?" Tanong niya sa katabi niya at natatawa itong tumango.

Umakyat na siya ng stage at nakita niya ang section b na tuwang tuwa sa kanya kasama na ang mama niya.

"KAPATID KO YAN!" Sigaw ni Elijah kaya natawa ang lahat sa kanya.

"Thank you ladies. You may now go. Now let's have 15 mins break then proceed to the performers of the night." Nagtinginan ang mga girls at umakyat na sila sa stage at inayos ang surprise nila for Steven.

_____

Dianne.

Kainis. Siya pa nanalo? Baka binayaran niya yung judges. How pathetic. Don't worry. May surprise kayo? Meron din ako.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now