Chapter 40

21 5 0
                                    


Elijah.


"Hoy tara dito!" Aya ko kay Steven at Zeke.


"Bakit naman dito? Psh." Takang tanong ni Steven.


"Yeah, why here? I thought you want car racing." Sino pa ba? Si Zeke yan malamang. Englishero ampucha!


"Eh dito nga tayo para may ticket." Sabi ko sa kanila.


Nandito kami sa isang game zone ngayon. Wala eh nag aya sila eh dito sinuggest ni Niki kaya dito kami pumunta. Inaya ko sila sa may basketball. Alam ko kasi na may ticket dito kaya dito ko sila inaya, may nakita akong my stuff toy nung bumili kami ng card kaya naisipan kong bigyan si piggy babe ko. Pero masyadong boring kung ako lang kaya inaya ko sila hehe.


Sinabi ko sa kanila yung naisip ko at sumang ayon naman sila. Hinintay muna namin matapos yung naglalaro. Saktong tatlo yung laruan ng basketball kaya pwedeng pwede samin. Nang matapos sila ay pumwesto agad kami at nag swipe ng card.


"Ano mga tol? Pataasan ng score oh!" Sabi ko sa kanila.


"Sige ba! Namiss ko maglaro ng basketball huhu," sagot ni Steven.


"Call," sabi naman ni Zeke at ngumisi samin.


Kung hindi niyo naitatanong, varsity kami sa dati naming school. Pero dahil lumipat kami eh hindi na kami nakapag tryout. And nalaman din namin na hindi pwedeng sumali transferee kaya di na kami nagpumilit kahit gusto namin.


Nagsimula na kaming maglaro at talagang sineryoso namin na akala mo nasa court talaga kami. Pare-parehas kaming may angking bilis at halos asintado lahat ng tira namin. Minsan lang kami sumablay. Kaya nung matapos ay nagulat pa kaming parehas lang ang score namin.


"Pucha dre! Mga wala tayong kupas ah!" manghang sabi ni Steven.


"Of course, it's in our blood eh," mayabang na sabi ni Zeke.


"Mga ulol, kailangan pataasan tayo no! Di pa tayo magaling niyan psh!" inis kunwaring sabi ko.


Hinayaan muna namin yung mga ticket sa lapag. Madami dami kaming ticket na nakuha kaya hindi muna namin binunot dahil maglalaro pa kami. Sa pangalawang pagkakataon, naglaro kami at sa hindi inaasahan, lamang silang dalawa sakin ng iilang points! Psh. Pero parehas sila ng score kaya hindi yun ibig sabihin natalo ako. Wala pang lumalamang.


"Siya nag aya tapos siya kulelat!" asar ni Steven.


"That really happens when you get old," gatong pa ni Zeke kaya binatukan ko sila pareho.


"Pinagbigyan ko lang kayo nga ugok!" asar ko sa kanila pero tinawanan lang nila ko.


"Wanna bet?" dagdag ni Zeke.


"Wag mo ko hinahamon at baka magsisi ka," banta ko ng pabiro.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now