Chapter 38

34 6 0
                                    


Jen.


The next day, di ko alam kung paano haharapin si Kiel. I don't want to see him right now shit! Hindi ako galit or naiinis pero nahihiya ako sa ikinilos ko kahapon. Kahit na di pa niya ineexplain yung side niya alam kong wala siyang kasalanan, base sa narinig ko kahapon.


Huwag na lang kaya ako pumasok? Pwede naman diba? Kunwari masama pakiramdam ko o kaya di natunawan! Tama! Papayag naman siguro si mama diba? Aish! Ano ba itong iniisip ko! Hindi dapat ako ganito! Ah! Iiwasan ko na lang siya! Tama. Tama.


Nag ayos na ko at bumaba na pagkatapos. Nakita kong nakaabang si kuya sa pinto kaya lumapit ako sa kanya. Makikisabay na lang ako kaysa mag commute ulit! Ayoko nang malate ulit no. Buti na lang at si Ms. Castro, adviser namin, ang teacher namin ngayong first period.


"Kuya! Pwede pasabay ako?" I pouted.


"Kaya nga nandito pa ko diba? Sakay na." Sagot niya.


Natuwa naman ako at patalon-talon akong pumunta sa passenger seat pero agad naman niya akong hinarangan. "Dun ka sa likod, susunduin ko pa si Bella. Ayaw kitang katabi no!" Asar niya sakin.


Hinayaan ko na lang at pumwesto sa likod. In fairness kay kuya ah? Ang sweet niya kay Bella kahit lagi silang nagbabangayan. Di ko nga alam kung ni minsan ba nag usap sila nang hindi nag sisigawan. Para laging may gyera eh.


"Wah bessy! Buti sumabay ka samin!" Sigaw ni Bella pagkapasok niya sa kotse. Mukhang di niya alam ang nangyari kahapon ah? Di pa siguro nasasabi ni kuya or kung may balak ba siyang sabihin. I don't want to be a burden to others as musch as possible kaya sana wala nang makaalam dun pwera samin, Kiel at Steven.


"Nagmakaawa, kaya sinabay ko na." Kuya teased.


"Sus! Kapal neto!" I glared at kuya. "Makipag break ka na nga diyan, Bella." Pagsususmbong ko.


"Sige bessy. Surprise ko siya later. Kunwari wala kang alam ah?" gatong ni Bella.


"Hoy! Pag yan ginawa niya talaga, bubugbugin kita," banta naman niya. Takot naman pala eh.


To give them privacy, nag earphones na lang ako sa buong byahe papuntang school. Di naman malayo yun samin kaya nakarating din kami agad. Makita ko pa lang ang school, kinakabahan na ko! What more kung nakita ko si Kiel diba? Ghad ang pangit din ng iyak ko kahapon mukha akong uhuging bata.


"Jen? Tara na!" sabi ni Bella pagkalabas na pagkalabas namin sa kotse.


I stood for a minute, iniisip kung pwede pa kong umuwi pero ayoko talagang umabsent! Hays! Bahala na si Barbie!


"Sige tara," I smiled at her.


Nauna kami ni Bella habang si kuya ay nasa likod. Bawal PDA sa school and thank goodness sumusunod sila haha! Kung hindi ipapatawag sila ng discipline namin tsk tsk!

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now