Chapter 1

292 9 1
                                    


Is love do exist? Syempre hindi! Haha! Sinong maniniwala dun? Apaka hirap hanapin ang loyal sa mundo! Ni aso nga minsan naghahanap pa ng ibang amo eh. Tao pa kaya?

Bitter ko talaga. Pero masisisi niyo ba ako? Broken family. Nagkaroon ng taksil na boyfriend. Mayroong ahas na kaibigan. Sa tingin mo maniniwala pa ako dun? HAHA! No way! Di ko kailangan ng family, love at frien--

"Hoy! Mukha kang loka loka jan! Kanina pa kita tinatawag! Pasalamat ka kaibigan kita kundi nako!" Ow-kay. Buking. Hehe. Well, I do have a FRIEND. Isa lang. Pinalayas ko na yung isa. Ahas eh.

"To naman! Inaalala ko lang naman yung mga 'happy' memories ko."

"Oh really? You mean yung mga MASASAKIT na nangyari sa buhay mo?" To talaga! Pinag diinan pa. Panira talaga. Ginawa ko na ngang happy eh.

"Tsk. Oo na. Yun nga. Pero anong oras na ba at naka tambay pa tayo dito? Di pa ba time?" Tanong ko sa kanya. Well nasa labas pa kami ng university kase nga may dumaan na ahas at taksil sa harap ko kanina kaya na space out ako.

"AYY! Gaga ka! KANINA PA NAG BELL! Halika na! Ikaw kase eh! Drama mo!" Sabi niya saka ako kinaladkad. Tungunu. Ako pa sinisi? Well kasalanan ko rin naman. So pumunta na kami ng classroom at hinayaan ko na lang na kaladkarin niya ako.

~~~

WHAT THE HELL?!

Pag minamalas ka nga naman! Kaklase ko pa yung ahas at taksil! Kabwiset! At ang maganda pa dun, sa harap ko pa talaga pumwesto. Well kung gusto niyo silang makilala mamaya na pag dating ng teacher.

"Goodmorning class." Speaking. Haha. Mukhang excited si Author na makilala niyo sila eh. So nagpakilala nga kami isa isa. Well syempre di pa kami tapos kase di niyo ko makikilala. Hihi.

"My name is Dianne Montenegro. 15 years old. My hobby is playing badminton. And I hate cry babies." Ahem. So siya yung AHAS. Kaibigan ko siya actually but take note DATI. Nag simula akong magalit sa kanya nung inagaw niya ang boyfriend ko. Psh. Desperada eh.

"My name is Lance Garcia. 16 years old. My hobby is playing basketball and I hate deperate people." Mga patama ata tong mga hate nila ah?! Pero ok lang. Di naman ako cry baby at mas lalong di ako desperada!

So siya yung boyfriend ko. Imagine kakasagot ko lang sa kanya pero malipas ang one week makikita kong naglalampungan silang dalawa ni Dianne! What the heck diba? Pero tanga ako nun kaya di ko pinaniwalaan ang nakita ko. Nag bulag bulagan ako. Pero nung isang araw...

(Flashback)

2 months ago.....

From: Hon <3
Hon! Punta ka sa may condo ko. May surprise ako sayo.

Ihh! Kilig ako! Tinext ako ni hon. One week pa lang kami ngayon. So weeksary ba tawag dito? Basta ayun! Surprise daw! Hihi.

Naligo ako ng mabilisan tapos kinulot ko ang buhok ko at naghanap ng pinakamaganda kong damit. Nag heels na rin ako kase malay mo mag dinner kami sa restaurant diba?

Last look tapos lumabas na ako. Tinawag ko na si kuya Eddie na driver namin. Di pa ako sanay mag drive eh. Habang nasa kotse ay nag retouch ako pero konting make up lang nilagay ko kanina! Ayokong maging clown.

Natanaw ko na yung condo niya kaya nagpaalam ako kay kuya at sabi ko na wag na niya akong sunduin mamaya. Syempre hahatid ako ni Lance pauwi. Hihi. So dumiretso agad ako sa elevator.

Habang naglalakad papunta sa condo unit niya parang kinabahan ako. Siguro dahil sa surprise niya? Tama! Yun nga yun! Excited na rin ako. Nilabas ko na yung susi ng condo niya at pumasok.

"Hon?" Walang sumagot kaya tiningnan ko muna siya sa kusina. Pero wala rin siya dun. Surprise nga talaga ito! Nag tatago eh! Haha!

"Hon? Asan ka?" Dumiretso ako sa kwarto kase wala sa sala, sa kusina, sa dining. So kwarto na lang. Di ko na sisilipin yung banyo!

Habang papalapit ako may narrinig akong ingay. Lumapit muna ako sa pinto para pakinggan.

"Hmm." U-Ungol? Shit! Dalidali kong binuksan ang pinto. At dun na nag exist si Ahas at Taksil.

(End of flashback)

Nakakatuwa diba? At alam niyo nakita ko?

Si Lance na boyfriend ko at si Dianne na bestfriend ko naghahalikan......

......ng nakahubad.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now