Chapter 37

43 6 0
                                    


Jen.


"Bakit kasama niya si Kiel?" Tanong ko sa sarili ko. Pinasingkit ko mata ko para tignan kung si Kiel ba talaga yun at hindi nga ako nagkakamali!


Close ba sila? O baka naman nagkakita lang sila diyan? Pero hindi eh magkasama talaga sila. Pero bakit nga? Anong dahilan nila para magkita? Dahil kaya sakin? Omg! I need to know about it!


Dali-dali kong inubos yung kinakain ko at saka tinangay yung inumin. Hindi muna ako tumawid at nagtago muna ako sa may poste. Baka makita nila ako pag tumawid agad ako. They talked a little bago pumasok sa restaurant katapat ng Starbucks. It is a Chinese Restaurant. Shit pano ako makakapasok dun? Wala na kong pera, sakto na lang ito para sa pamasahe ko pauwi. Paano na ito?


Nag iisip ako ng paraan kung paano makakapasok nang makita ko si Steven na pasipol-sipol pa habang naglalakad. Nilapitan ko agad siya at hinatak sa gilid.


"Wah! Rape! Rape!" Hysterical na sigaw niya.


"Hoy bano! Si Jen to, hello?" I rolled my eyes.


"Uy Jen! Akala ko may mangrape na sakin eh." He casually said. "What's up?"


"Ah ano kase, may pera ka ba?" I asked.


"Huh?" Kinapa niya bulsa niya, "Meron naman bakit?"


"Tara!" Hinatak ko siya patawid at pumasok sa restaurant.


Luckily, pwedeng pumasok kahit hindi nagpareserve ng table. Naka casual attire na si Steven kaya malamang nakauwi na to at may pupuntahan lang. Malas lang niya at nakita ko siya. Kailangan ko lang kase talagang malaman kung bakit magkasama si Kiel at papa. May nag uudyok sakin eh.


"Hanep! Bibili lang ako ng kape, napunta na ko sa Chinese Restaurant!" Steven blurted.


"Shh! Wag kang maingay diyan! Dito tayo tara!" Lumapit kami kina Kiel dahil ang layo nung tinuro samin ng crew. Pinayagan naman kami kaya lumipat kami.


Pumwesto ako sa likod ni Kiel, di rin ako napansin ni papa dahil seryoso silang nag uusap don. Naupo na din si Steven sa harap ko pero ang loko, napaka ingay kasama! Mahuhuli kami neto eh tsk!


"Pucha! Ang mahal naman dito!" Reklamo ni Steven pag tingin niya sa menu. "Canton lang naman to ah?" Dagdag pa niya.


"Shh! Ano ba yan! Napaka ingay mo!" I hissed.


"Bakit ka ba bumubulong? May pinagtataguan ka ba?" Luminga linga siya sa paligid at namukhaan niya ata si Kiel sa likod ko. "Teka, si Zeke ba yan?"


Tatayo sana siya pero pinigilan ko ulit! Mukhang nagkamali ako na sinama ko siya. Sana nangutang na lang ako kaysa hatakin siya dito. Tsk!


"Oo siya yan! Wag kang magulo! Maupo ka lang diyan at manahimik." Sabi ko. Pinandilatan ko siya ng mata at buti naman sumunod siya sakin. "You see, he's with my papa kaya gusto ko malaman pinag uusapan nila okay? Umorder ka na lang diyan, kahit sayo lang."

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now