Chapter 26

59 7 0
                                    


Jen.






Nandito ako ngayon sa day care malapit sa bahay namin. Nasa may park yon dito sa village namin. Simula nung nag break kami ni Lance, naisipan kong mag volunteer dito as a teacher kahit weekends lang o kaya sabado lang kapag masyadong busy. Hindi ko sila nadalaw nung mga nakaraang linggo dahil sa nangyari naman samin ni Steven pero ngayon, okay na ako though nanghihinayang lang.


Kasama ko ngayon si Ezekiel at pinilit ko siyang samahan ako dito pero may kapalit. Akalain mo yon? Kay laking tao takot sa mga bata? Pero I'm sure naman na hindi ako magiging maid neto kase mababait yung mga bata at talagang mag eenjoy siya.


"TEACHER JEN!" Sigaw ng mga bata ng makita nila ako. Nagsitakbuhan sila palapit sakin at niyakap nila akong lahat. Napatingin ako kay Ezekiel at natawa ako ng makitang namumutla siya! Pati kase siya niyakap nung mga bata.


"Huy! Usong gumalaw!" Natatawang sambit ko pero tinignan niya lang ako ng masama.


"Teacher? Sino po siya?" Tanong ni Mika sakin. Siya yung pinakabata sa kanila pero ang cute cute niya kase mataba yung pisngi niya at malambing pa.


"Siya si kuya Ezekiel. Magiging teacher niyo rin siya ngayon!" Masiglang sabi ko at naramdaman kong siniko ako ni Ezekiel kay nginitian ko lang siya.


"Teacher  haba naman ngalan niya! Hirap sabihin!" Sabi naman ni Zoe. Natawa ako ng mahina kase medyo bulol pa siya.


"Ok sige tawagin niyo na lang siya na kuya Kiel. Siguro naman madali na yan diba?" Tumango sila at nagpasya na kaming pumasok sa loob.


"What Kiel are you saying? Sounds like a dog!" inis na sabi niya habang papasok kami sa loob.


"Eh nahihirapan nga silang banggitin yung Ezekiel eh. Ano gusto mo? Ek? Yuck pangit pang enchanted kingdom!" sarcastic na sabi ko pero di na niya ako pinansin. Di ko na rin siya pinansin at tinutukan na ang mga bata.


Una naming gagawin ay magbabasa kami ng kwento para sa kanila. Nakita kong naiilang pa rin si Ezekiel sa kanila pero sumusunod siya samin. Naghanap kami ng libro at napag pasyahan namin basahin ang Cinderella.


"Fantasy, huh? Don't you think that they are more likely to expect that life is so easy by reading that story?" Takang tanong niya sakin na kinaliit ng mata ko.


"Eh ano gusto mong gawin ko? Basahan sila ng real life story at mamulat agad sila sa problema ng Pilipinas sa murang edad?" Pagtataray ko sa kanya.


Nagulat ako sa sinabi ko pero tama naman diba? They are to young to face problems that's why we have story books that can give them fantasizing yet unrealistic world.


"Okay okay. Just saying my opinion. Its up to you of course if you want to obey me."


Inirapan ko na lang siya at nag simulang mag basa sa mga bata. Manghang mangha ang mga bata, lalo na ang babae, sa storyang binasa ko. Kesyo sana daw may prince charming silang mahanap at sabi naman ng lalaki ay sisiguraduhin daw nila na sila yung prince charming ng babaeng mamahalin nila. Pero one of them caught my attention.


"Psh. Teacher, bakit po ganyan yung story? Ang panget naman po!" sabi ni Dave sakin. Pangit ba yon? Favorite ko nga to nung bata ako eh.


"Ha? Di mo nagustuhan? Bakit sila nagustuhan nila?" takang tanong ko at napatingin ako kay Ezekiel na tumatawa sa likod. Sinamaan ko siya ng tingin pero lalo pang nilakasan ang tawa.


"It's because he face the reality. not that stupid story." pagkatapos ay humalakhak siya. Di ko siya pinansin at hinintay ang isasagot nung bata pero di na ito sumagot.


Sunod naming ginawa ay naglaro. At syempre dahil may kasama akong asungot a.k.a Ezekiel, puro sid comments ang ginawa niya. Mukhang di talaga siya nag eenjoy. Nakakainis pa nung nag laro kami ng habulan, pinatid ako! Ayun nangudngod ako sa putikan at hindi ko alam kung saan galing yon dahil tirik na tirik ang araw.


"Aray! Ang ilong ko!" naiiyak kong sabi habang nakahawak sa ilong ko. Mukha tuloy akong baboy dito.


Nagtawanan yung mga bata at pinamumunuan yon ni Ezekiel. Tinignan ko sila ng masama at tumigil yung mga bata pero si Ezekiel tuloy pa rin.


"Hoy impakto kang lalaki! Tawa tawa ka pa diyan! Nakakainis ka talaga! Bakit ba kita sinama dito?" sabi ko habang tumatayo. Tinignan ko ang damit ko at nagsisisi akong naka puti pa akong polo ngayon.


"You look stupid!" humahalakhak na sabi niya. "I didn't know that you look better when you have mud all over your body."


Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Dahan dahang napalitan ng ngiti ang kaninang galit kong mukha.


"Oh really? I think it suits me well too." plastik na sabi ko habang lumalapit sa kanya. Nag kunwari akong abala sa pagpag ng putik sa damit ko pero ang totoo ay iniipon ko ito sa kamay ko.


"You think? Well, thanks to me." aba't?! Kinindatan pa ko. Wait 'till you see!


Nang malapit na ako sa kanya ay nag kunwari akong nadapa at sakto ang isa kong kamay sa mukha niya samantalang yung isa sa damit niya.


Sabay kaming nag tumba sa damuhan pero tinulak niya kaagad ako para tanggalin ang putik sa mukha niya. Natatawa ako habang tinitignan siya. Halatang inis na inis siya, or should I say galit? Uh-oh.


"Shit! You clumsy girl! What an idiot!" tuloy lang siyang nag pupunas sa mukha niya samantalang nagpupunas naman ako ng luha sa katatawa! Laugh trip yung itsura niya!


"Ay jusko kayong bata kayo! Bakit ganyan mga itsura niyo? Halika't magpalit kayo dito. Papapasukin ko lang yung bata sa loob." biglang sumulpot yung isang teacher. Pinapasok na niya yung bata na kanina pa pala kami pinagtatawanan.


"Di na po! Dito lang rin naman po bahay namin. Salamat na lang po!" magalang kong sabi saka ako tumayo.


Tumayo din si Ezekiel at nakita ko ang galit sa mata niya. Uh-oh. Mukhang nakikita ko na si kamatayan. Help me!


"Get ready you idiot girl. You'll pay for this." tinignan niya pa ako ng masamang tingin bago maunang umalis.


Napalunok na lang ako ng laway ko. What should I do? Nagalit ko ata siya? Pero kasalanan naman niya eh! Siya nag umpisa! Nag enjoy naman siya diba? Kase tumawa siya kanina. Diba?


"Oh ghad! Help me. I don't want to be a maid! T___T"







~~~~~~

A.N: If you like this chapter and want some dedication please FOLLOW, VOTE and COMMENT!!!

P.S.: Thank you po sa support! Dami niyong nagbabasa kahit mabagal ako mag ud! Nakakaiyak! Charot! Thank you po ulit! Lovelots!!


-jubelb

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now