Chapter 30

35 6 0
                                    

Niki.

(Yesterday...)

Absent si Steven? Bakit kaya? Nako di na naman ako matahimik. Bakit kase di man lang nag text yon? Sabagay bakit nga ba magtetext yon? Sino ba ko? Hayss.

Tahimik lang ako buong maghapon and I think napansin yon ni Cine pero di naman siya nagsalita so hinayaan ko na lang din siya. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon eh ganito pa din ako sa kanya. May gusto nga kaya ako kay Steven? Hindi! Wala lang eto malamang. Syempre childhood friends kami kaya ganito ako mag care sa kanya. Oo tama yun lang yon.

Nadaanan ko si Ezekiel ng makalabas ako sa room. Malamang pauwi na rin siya at hindi ko malaman kung bakit tinanong ko siya kung saan ang bahay ni Stven. Hayst nababaliw na ata ako.

Nasa sasakyan na ako ngayon at pauwi na sa parents ko. Pareho kami ni Cine na uuwi sa parents ngayon hanggang weekends kaya di kami sabay ngayon. Di ko alam kung bakit sinabi ko kay manong na idaan muna ako kina Steven. Normal pa ba to? Shocks! Nang makarating kami doon ay di na ako nagpatumpik tumpik pa. Bumaba agad ako at dumiretso sa gate para mag doorbell.

*ding dong* *ding dong*

Hinintay ko may magbukas at sakto namang nanay ni Steven ang tumambad sakin at nagkagulatan pa kami.

"Tita! Long time no see!" sabi ko at niyakap siya agad.

"Oo nga hija! Buti napadalaw ka? Lalo ka atang gumanda ha?" sabi niya at yumakap pabalik sakin. Natawa ako sa sinabi ni tita. Maganda daw ako hihi.

"Nako tita nambola pa. Kayo kaya yun at parang di po kayo tumatanda!" natawa kaming dalawa sa pinagsasabi namin at pinapasok niya ako sa bahay nila.

"Something you want hija? Ipaghahanda kita ng merienda."

Mabilis akong umiling sa alok niya. "Naku tita nakakahiya naman po. Hindi na po. Dadalawin ko lang po sana si Steven kasi hindi po siya pumasok ngayon." Did I sound casual? It is right? Or not...

"He's upstairs, hija! You can go in his room while I'll prepare something for you." She burst into laughter and leave. Tila hindi narinig ang pag tanggi ko sa alok. Ano kayang nakakatawa? Ghad! Am I too weird?

May dumating na kasambahay nila galing sa kusina at sinamahan ako paakyat para ituro ang kwarto ni Steven. Inutusan siguro ni tita, sabagay di ko naman alam kung saan kwarto niya.

When we reached his room, umalis na siya at nagpasalamat naman ako. I was about to knock, nang saktong bumukas ito.

Damn it!

"H-Hi!" I awkwardly greeted him.

"N-Niki! What are you doing here? Oh wait!" Natataranta niyang sagot sabay sarado ulit ng pintuan.

Bumaba agad ako at naupo na sa couch nila. Damn that man. Ako din naman kase bat naman kase ako pupunta sa kwarto niya? Ke babae kong tao! Hay nako!

Nang makita ko siya pababa ay umayos ako ng upo. I instantly feel my cheeks heating up.

"Uhm sorry for what you see. It is totally normal kase nasa bahay naman ako. Di ko alam na dadating ka."

Nahihiyang yumuko ako at pumikit ng mariin! That's what you get, Niki! You embarrassed yourself!

"A-Ah okay lang naman. Kakamustahin lang sana kita dahil bigla kang umabsent. Dapat di ko na rin sinunod si tita na puntahan ka sa kwarto mo." Nahihiyang sabi ko.

"Si mama talaga." Sabi niya ng may paninisi at inis. Magsasalita na sana ko na wag sisihin si tita ng mag salita siya ulit. "Di ako nakapasok dahil masama pakiramdam ko mula kagabi, at buti umayos na ko ngayon kaya nakaligo ako at sakto sa pagdating mo ang pagbaba ko para kumain sana."

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now