Chapter 27

41 6 0
                                    


Jen.

Nandito ako ngayon sa sala namin. Sunday ngayon pero ako lang ang tao dito. Si kuya di ko alam kung saan nag pupupunta. Naging gala na yon pagkatapos nung nangyari sa kanila ni Dianne. Si mama naman nag grocery lang saglit dahil ipagluluto daw niya ako ng carbonara! *__*

"Bakit ba walang mapanood na maganda? Nabobored na ko!" sabi ko sa sarili ko at sumalampak sa sahig. Pinatay ko na lang yung tv at kinuha ko na lang yung phone ko imbis na kausapin ang sarili.

Habang tinitignan ko ang fb account ko, dumating na si mama. Dirediretso siya at parang di ako nakita. Sabagay nahaharangan ako nung sofa mula sa pinto kaya di niya talaga ako mapapansin. Teka, umiiyak ba siya?

Tumayo ako at pinuntahan si mama sa kusina. Dun ko napansin na may kausap pala siya sa phone! Sino kaya yon at napaiyak siya?

"Tigilan mo na kami! Bakit ka ba tumatawag ha? Dahil diyan? Hindi pwede! Hindi ako papayag! Paano mo naaatim na gawin yan? Hindi na magbabago desisyon ko! Tumigil ka na!" halos di ko maintindihan sinasabi ni mama. Pano di ko naman rinig yung sinasabi nung kausap niya pero halata sa boses ni mama na galit siya. Sino kaya yon?

Bago pa ako makita ni mama, umalis na ako at pumunta sa kwarto ko. Para pag nakita ako ni mama, maiisip niya na galing ako sa kwarto! Tama! Talino ko talaga hay!

Nag decide ako na maligo muna bago lumabas ulit. Habang naliligo ako, naisip ko yung sinabi ni mama. Sino kaya yon at bakit galit na galit siya? May atraso kaya siya kay mama? Pero ang alam ko wala namang kaaway si mama eh. Ang gulo aish!

"Jen anak. Nandiyan ka ba? Lumabas ka na at kakain na muna tayo ng tanghalian. Sa merienda na lang yung carbonara mo." rinig kong sabi ni mama habang nag bibihis ako.

"Opo ma! Pababa na 'ko!" binilisan ko yung pagbihis kase masamang pinaghihintay ang grasya.

Kumain lang kami ni mama at bumalik naman ako sa sala. Naiwan ko pala yung phone ko dun. Buti di napansin ni mama! Phew!

*ring*ring*ring*

"Huh? Unregistered number?" tinignan ko lang yon at hinayaang nag riring. Aba! Baka mamaya serial killer pala yon o kaya rapist! Pano na lang kinabukasan ko?!

Sa huli, sinagot ko rin yung tawag dahil naiirita na ko sa tunog. Naka ilang missed call na yon pero di pa rin tumitigil. Pinindot ko yung accept button at di muna ako nag salita.

(Hello?)

Lalaki?! San kaya niya nalaman number ko? Wait parang kilala ko yung boses niya ah? Saan ko nga ba narinig? W-wait. N-no way!

(Hello, Jen? Anak ikaw ba yan?)

"P-papa..."

(I-ikaw nga Jen. K-kamusta ka na?)

Naluha na lang ako dahil ang tagal na simula nung nagkausap kami ni papa.

"P-pa, bakit n-ngayon ka lang? Bakit ang tagal mong nawala, papa? Bakit pa?" Sabi ko habang tuloy-tuloy ang pag tulo ng luha ko.

(P-pasensya na anak pero ngayon ko lang kase kayo nahanap. Tinago kayo ng mama niyo sa akin mula nung umalis ako sa bahay natin dati.)

Hindi ako nakasagot agad dahil nahihirapan na akong huminga. Tinignan ko kung nasaan si mama at nakita kong papunta na siya dito sa sala kaya nag decide akong pumasok ulit sa kwarto ko.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now