Chapter 44

21 5 0
                                    


Third Person.


Tatlong araw na ang nakalilipas mula nung nawala si Jen. Sila Elijah ay hanggang ngayon walang lead kung nasaan ang kapatid. Hindi niya magawang pumasok dahil alam niyang hindi siya makakapag focus sa pag aaral at hindi niya pwedeng iwan magulang niya. Nakapag report na sila sa pulis nung isang araw ng nawawala si Jen. Kahit pa kilala niya ang inutangan ng papa niya ay hindi pa din sila sigurado kung ito nga ba ang dumukot sa kapatid niya. 


"Danny Montenegro," bulong ni Elijah sa sarili. Hindi siya makapaniwala na maaaring ito ang may pakana kung bakit nawawala ang kapatid. Inalis niya muna iyon sa isipan saka lumapit sa mama niya.


Hindi alam ang gagawin ni Jennifer dahil sa hindi matapos-tapos na problema ng kanilang pamilya. Noong una ay si Eleazar o ang kanyang asawa lang ang problema nila pero ngayon ay ibang-iba na. Nawawala na rin ang kanilang bunso. Gusto niyang sisihin ang asawa pero alam niyang hindi rin nito kasalanan ang lahat. Oo may mga mali siya pero alam niyang hindi ito gagawin ng asawa kung alam niyang may mangyayaring masama sa pamiya niya.


"Ano na sabi ng mga pulis?" umaasang tanong niya sa anak. Nang umiling ito ay napapikit na lamang siya ng mariin. Buong akala nila ay kapag nalaman ito ng mga opisyal ay mahahanap nila agad ang anak ngunit wala pa din silang balita patungkol doon.


Ayaw niyang mawalan ng pag asa dahil buhay ng anak niya nakasalalay. Pero sa ilang araw na lumipas ay pinanghihinaan siya ng loob. 


Ano bang kasalanan namin at ganito ang nangyayari sa amin? Sabi niya sa isip. Niyakap na lamang niya ang anak at saka tumingin sa asawa na nasa isang kuwarto sa hospital at kasalukuyang nagpapa facial therapy. 


Ganoon na lamang ang hinagpis ni Eleazar nang malamang nawawala ang anak. Hindi niya ito maipakita sa kanyang mag ina dahil alam niyang lalong panghihinaan sila ng loob kapag nagpakita din ito ng kahinaan. Sa isip niya ay napakawalang kwenta niyang ama dahil habang nawawala ang anak ay narito siya nakaratay sa hospital at nagpapagaling. Ayaw pa nga niyang magpa therapy hangga't hindi nakikita ang anak pero hindi pumayag ang panganay niyang anak dahil kaya na daw niya asikasuhin yun kasama ang mga kaibigan.


Sa kabilang dako ay unting unti nagmulat si Jen ng kanyang mga mata. Ngunit madilim ang paligid kung kaya't parang hindi naman siya nagmulat ng mata. Hinintay niyang mag adjust ang mga mata sa dilim pero wala pa din pinagbago, sobrang dilim pa din kaya hindi niya malaman kung nasaan siya.


Inalala niya ang huling nangyari sa kanya at napahawak na lang siya sa likurang bahagi ng ulo at naramdaman niya ang sakit doon. Mayroon ding bukol siyang nararamdaman pero ang kinatatakot niya ay baka mas malala pa doon ang nangyari sa ulo niya. Napabalikwas siya at napaupo bigla ng mapansin niya ang kalambutan ng hinihigaan niya. Hindi man lang siya nakagapos at ang inaasahan niya ay nakaupo siya sa sahig o sa lumang upuan ngunit nagkamali siya dahil nakahiga siya sa isang malambot na kama.


"Nasaan ako?" mahinang sabi niya sa sarili. Tinignan niya ang paligid pero wala talaga siyang makita. Hindi niya alam kung umaga na ba o gabi, hindi rin niya alam kung ilang araw siya tulog o kanina lang nangyari ang lahat. 


Sinubukan niyang tumayo at kinapa ang paligid. Wala siyang mahawakan kahit anong wagyway ng kamay niya ay wala pa din. Lumakad pa rin siya padiretso hanggang sa mahawakan niya ang pader. Ininspeksyon niya kung mayroon bang bintana na malapit dito ngunit wala syang makapa. Nawalan siya ng pag asa kaya bumalik siya muli sa kama at naupo sa gilid.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now