Chapter 22

53 7 0
                                    




Third Person.


Buong magdamag umiiyak si Jen. Hindi niya matanggap na lahat na lang ng mamahalin niya ay nagpapatukso kay Dianne.


"Pangit ba ako para ipagpalit niya?"

"Mas masarap ba siyang humalik kaysa sa akin?"

"May mali ba sa akin?"


Ilan lamang yan sa mga tumatakbo sa isip niya. Wala siyang gana para kumain kaya naisipan niyang umiyak hanggang sa makatulog.


Sa kabilang banda ay nandun pa rin si Steven at Dianne sa parking lot ng campus. Labis silang nasaktan physical pero mas umiigtang kay Steven ang emotional. Hindi lamang sakit ang nararamdaman niya ngayon dahil sa pakikipag break ng girlfriend niya na halos kasasagot lamang sa kanya. May matindi siyang galit na nararamdaman lalo na sa babaeng kasama niya ngayon. Gusto niya itong saktan ngunit mas pinili niyang palamigin muna ang ulo dahil babae pa rin ito.


"Come on Steven. Smile! You don't deserve her." Sabi ni Dianne habang pinupulot ang damit niyang tinapon kanina ni Jen. Tila lahat ng pagpipigil ni Steven ay napawi at lumapit sa babae ng may masamang tingin na tila kakainin nito sabay marahas na hinawakan ang kanyang braso.


"And what makes you think na di ko siya deserve?! Ikaw ba dapat magsasabi non?! Kakasagot lang niya sakin pero ng dahil sayo nagkanda leche na lahat! Sinasabi ko sayo na kapag di ako napatawad ni Jen dahil sa karantaduhan mo, malalagot ka sakin."


Pagkasabi niya non ay tinalikuran na niya ang takot na takot na babae at sumakay sa kotse. Doon nya lang nalaman na wala pa siyang damit pang ibaba kaya dali dali niyang sinuot ito at dumiretso sa bahay nila Jen. Gusto niyang magpaliwanag dito dahil wala naman talaga siyang kasalanan! Si Dianne lang ang gumawa ng lahat ng iyon dahil nawalan na siya ng malay sa kanyang lagnat ngunit di siya siguradong matatanggap ni Jen ang kanyang paliwanag pero di niya kayang mawala ito sa buhay niya kaya susubukan pa rin niya kahit magkamatayan na,


______

Steven.


Shit! What the hell happened? Kanina lang ay masaya pa ako dahil sinagot na ako ni Jen pero di ko naman alam na ilang oras lang yon! Tarantado kase yung Dianne na yon! Pag talaga di ako nakapag timpi sa kanya at di ako napatawad ni Jen, sisiguraduhin kong masasaktan din siya at maghihirap!


Papunta ako ngayon kila Jen at pilit na kinukumbinsi ang sarili na mapapatawad niya ako. Sana mapatawad pa niya ako dahil kung hindi ay mapapatulan ko si Dianne! Nag dadrive ako ng biglang sumakit ang ulo ko! Langya! Sumasabay pa lagnat ko!


Nandito na ako sa bahy nila Jen at nag doorbell ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring lumalabas kaya kinalabog ko na yung gate nila.


"JEN! BUKSAN MO YUNG GATE PLEASE! MAG USAP TAYO! MAGPAPALIWANAG AKO!" Sigaw ko na para akong sira ulo sa labas. Kinalampag ko yung gate nila at nagulat ako ng bumukas iyon at bigla akong napahiga. Nalasahan ko ang dugo mula sa aking bibig.


"Can you shut the fuck up?! Alam mo ba kung anong oras na at nanggugulo ka pa dito?" Galit na galit na sigaw ni Elijah. Di ko siya masisisi dahil alam kong mahal na mahal niya si Dianne. Napakalaking tanga ko rin kase eh! Kay lalaki kong tao tas di ko man lang naitulak si Dianne kanina!


"Bro! Nandito ako para magpaliwana kaya please palabasin mo si Jen. Kakausapin ko kayong dalawa. JEN LUMABAS KA DIYAN!" pagmamakaawa ko sa kanya at naiiyak na ako.


"Bro your face! Wala akong pakielam diyan sa paliwanag mo. Maski sadya man yon o hindi, kasalanan pa rin yon! Bakit di ka umilag ha?! Nasarapan ka rin ba? HA?!" kinuwelyuhan niya ako at di naman ako pumalag ng sinuntok niya ulit ako. Siguro nga may kasalanan din ako pero dapat pa rin nilang marinig ang paliwanag ko lalong lalo na si Jen!


"Elijah please nagmamakaawa ako! Ipakausap mo na sakin si Jen. P-please." tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa. Tumingin siya sakin at binigyan ako ng ngisi. Isang nakakatakot na ngisi.


"Cut the drama! Tulog na siya kaiiyak sa walang kwentang tulad mo! Dapat pala hindi ako naniwalang kaya mong magbago. You're still the jerk and playboy we know. Kaya mula ngayon wag na wag ka ng lalapit sa kapatid ko! Naiinitindihan mo?! " Sabi niya at iniwan ako.


Hindi na tumigil sa pag agos ang mainit na likido mula sa aking mata. Hindi ko matanggap na ganito lang pala mangyayari. Tumayo na ako at nagpunas ng luha. Wala namang mangyayari kung iiyak lang ako sa isang sulok diba? Kaya ipagsasabukas ko na lang ako pakikipag usap kay Jen at sisiguraduhin kong magkakabalikan kami.


Bukas ay ipapakita ko sa kanya na malinis ang intensiyon ko at ipapaliwanag na wala talaga akong kasalanan. Just wait for me my princess.


I'll win you back.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now