Chapter 42

26 5 0
                                    


Jen.


Mag alas kuatro na nang makarating dito sila Kiel. Kasama niya si Bella, Steven at Niki. Nagkamustahan muna bago kami lumabas ng kwarto ni papa para magkuwentuhan. Baka maistorbo si papa eh. Pumunta muna kami sa canteen ng hospital.


"Buti nagpakita kayo ano?" asar ko kina Steven at Niki.


"Oo nga bessy! Kala ko di na sila a-attend ng class after break eh," gatong ni Bella.


"Oh eh bakit ba kayo nawala kanina ha?" tanong ko sa kanila.


"Eh kasi Cine is a little bit distant this few days like umuuwi siya sa bahay namin pero laging magkukulong and I'm worried about her," pagkukuwento niya. "Kanina she called me na hindi siya uuwi for a month kaya nagtaka ako and pumunta sa bahay. Steven was with me that time kaya pinag drive niya ko pauwi and ayun naabutan namin si Cine na paalis na at may dalang malaking maleta."


"Bakit daw siya hindi uuwi? I'm sure papasok pa naman siya diba?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.


"Dahil nga naabutan namin siya ay nakapag usap pa kami. Hindi rin daw siya papasok for a month or who knows kung hanggang kailan dahil kilala ko siya, hindi niya ipagpapalit ang pag-aaral sa kahit na ano, pwera na lang kung iyon ang utos ng nanay niya," napabuntong hininga kami sa kuwento ni Niki. Mukhang may problema nga si Cine ah? I'm sorry friend, di kita matulungan dahil meron din akong problema hays.


Nagkuwentuhan pa kami at napag usapan din namin ang tungkol sa problema ko. Ayoko silang idamay doon kaya iniba ko din ang topic. Alam nilang may pumunta dito kanina dahil narinig ni Bella iyon at malamang nasabi niya kina Steven pero hindi nila alam na nagbabanta ito sa amin at ayaw ko ding ipaalam na sa kanila iyon.


"Bella," tawag ko sa kanya at napalingon naman siya sakin. "Pasensya nga pala kanina, naiwan ka tuloy mag isa sa canteen."


"Ano ka ba! Okay lang yun no, buti ayos lang si tito ano?" sabi niya.


"Oo," pagsang-ayon ko sa kanya. "May complications lang pero ipapatherapy namin siya para maagapan yung face paralysis niya. Kailangan din ng tiyaga na paglagay ng eye drop sa kanya dahil hindi ganong nasasara mata niya, baka daw ma-dry sabi ng doctor," pagkukwento ko sa kanya at hindi ko alam na nakikinig na pala silang lahat sakin.


"If you don't mind, ano ba naging sakit niya at nagkaroon siya ng face paralysis?" tanong ni Steven.


"Acoustic neuroma," sabi ko at inexplain sa kanila kung ano ba iyon. Nag search din kase ako about doon at tama ngang maaaring maapektuhan ang facial nerve ng taong merong ganon kaya nagka-facial paralysis si papa.


"Ah yun pala yun, buti at hindi rin yun cancerous," sagot ni Bella.


"Buti nga eh," sabi naman ni kuya. "Hindi ko ata kakayanin pag nawalan pa ko ng tatay sa ikalawang pagkakataon," malungkot na aniya.


My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now