Chapter 19

44 7 0
                                    

Cine.

Yon! Nagkaroon na rin ako ng sariling POV! Papa-party na ko! Hahahaha.

So nandito kami kila Jen ngayon. Alam niyo ba? Feeling ko lagi akong huli sa balita. Feeling ko lang naman pero may nasesense ako ngayon. Tignan natin kung tama ba yung nasesense ko mamaya. Hmm.

"Goodmorning Jen! Nandiyan na ba sila Bella at Niki?" Bungad ko sa kanya ng pagbuksan niya ko ng gate.

Pumasok agad ako at nagtungo sa sala nila. Malaki bahay nila Jen. Pero di siya yung katulad ng iba na maraming kung ano ano sa bahay. Simple lang pero yun ang mas nagpaganda.

"Wala pa eh. Mamaya maya nandito na yon. Nag break fast ka na ba?" Tanong niya at sinabi ko namang tapos na ko. Nagpaalam siya na maliligo muna siya at manood muna ako ng tv.

Walang tao ngayon dito sa kanila kase balita ko nakikipag date si Elijah kay witch. Psh. Nabobored ako sa panonood kaya pinatay ko na lang yung tv at tinignan ko yung mga picture nila na nasa table sa tabi ng tv.

May mga cd na nakalagay sa ibaba tapos sa taas puro pics nila. Nakita ko rin yung pic ni Jen nung bata siya. Nakakatuwa na naitago pa nila to. Napatingin naman ako sa mga pics ni Elijah. Grabe tong taong to. Bata pa lang may itsura na. Natawa ako sa huli kase meron pang nakahubad na pic. Kinuha ko yung cp ko at pinicturan yon. Pang blackmail hehehe.

*ding*dong*ding*dong*

Oh. Nandito na ata sila. Lumabas ako agad kase baka mainit sa labas. Aba sabunutan pa ko. Pagbukas ko ng gate nakita ko si Niki. Aish di pa rin kumpleto.

"Hi! Sorry na late ako! Ako na lang ba hinihintay?" Tanong niya at pumasok na. Sinarado ko na ri yung gate at sumunod sa kanya.

"Hindi gaga. Ako pa nga lang nandito kanina eh. Buti dumating ka para masimulan na nating pagplanuhan yung pageant at surprise!" Sagot ko at napangiti naman siya. Pero halatang peke. Eto yung sinasabi ko sa inyong may napapansin ako.

"Malungkot ka ata?" Tanong ko na ikinabigla niya. May nakakagulat ba sa tanong ko?

"H-ha? H-hindi ah. H-hahaha!" Sabi niya kaya napangiwi ako. Ang pangit pakinggan eh.

"Gaga. Para kang tanga! You can lie but your eyes can't. Kitang kita sa mata mo na malungkot ka oh. Saka ako pa lokohin mo? Tagal na natin magkaibigan eh." Sabi ko kaya napangiti siya. A bitter smile.

"Kilala mo talaga ako. Hay nako buti ikaw pa lang nakakapansin." Sabi niya kaya binatukan ko. Parang gaga eh.

"Ano ba problema mo at ganyan itsura mo?"

"Kase di ko alam. Dapat ba na maging ganito ako? Oo alam ko na matagal kaming di nagkakita ni Pat pero ngayong nakita ko siya parang may something sa kanya na di ko maintindihan eh. Tapos yung sa surprise natin? Di ko alam kung magagawa ko ba ng tama yung part ko kase sa totoo lang, ayokong maging sila ni Jen. Nagiging possessive ako. At alam kong mali ito kase ano ba niya ko? Tulungan mo ko please!" Naiiyak niyang sabi. Omg! Sabi na may something sa kanila ni Steven eh. Hindi naman yung may secret affair pero siguro may past sila.

"Friend, baka naman kaya ayaw mong maging sila at nagiging possessive ka sa kanya kase baka ayaw mong maging kaagaw si Jen sa atensyon na ibibigay niya sayo? Kase alam naman natin na sabik kayo sa isa't isa ngayon kase matagal kayong di nagkita pero mahahati pa kase magiging si Jen na priority niya." Sabi ko at napatingin naman siya sakin.

"Oo b-baka nga ganun. Hay sorry ah? Nagdrama pa ko sayo." Sabi niya at natawa na lang kami.

"Hayaan mo na. Lilipas din yang problema mo. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami. Okay?" Tumango siya sa sinabi ko. May sasabihin pa sana ako kaya lang bumaba na si Jen.

"Guys! Kakatawag lang sakin ni Bella. Malapit na daw siya! Sunduin na natin sa gate?" Nakangiti niyang tanong at sinang ayunan naman namin ni Niki.

Napatigin ako kay Niki at wala ng bakas ng lungkot sa mukha niya. Sana magtuloy tuloy na yon. Dahil kung sakali ayokong magkasira silang dalawa ni Jen dahil kay Steven.

____

Jen.

Omg! Kinakabahan ako! Bukas na yung pageant!

Wala kaming pasok ngayon para daw mag prepare para bukas. Tamang tama din kase nandito yung mga girls, mapag uusapan namin yung sa pageant and yung 'surprise'.

"Jen! Ganito bukas ah? Maaga kang matulog ngayon para bukas maaga ka ring gumising dahil mag aayos pa tayo." Sabi ni Bella habang nag susulat. Dito sila matutulog kaya sila na mag preprepare.

"Yes girl! And I'll handle your hair style while Niki will handle your make up." Sabat ni Cine habang inaayos yung mga plantsa niya at pang kulot. Dinala niya yung kanya dahil wala naman ako non.

"Okay guys. Relax. Bukas pa naman yan. Mas kabado pa yata kayo sakin." Natatawang sabi ko.

"No we're not. We're just excited kase alam namin na ikaw ang mananalong Muse of the Year 20**!" Sabi naman ni Niki na nag aayos ng make up kit niya.

"Aww. Thank you guys. By the way, how about the surprise? Dun ako kinakabahan eh." Sa totoo lang dun talaga ako mas kinakabahan. Kase malay niyo sumablay! Ang gara non!

"Everything is on planned. Ayos na lahat. Nakausap ko na rin yung organizer." Sabi ni Bella sabay kindat. Natawa na lang kami sa kalokohan niya.

So this is it. Bukas na yung pageant and bukas ko na rin siya sasagutin. I'm excited and nervous at the same time. Pero walang urungan! Tomorrow will be the best day. I guess?

____

Third Person.

Lahat ng tao sa university ay abala dahil lahat ay naghahanda sa pageant. Ang mga girls ay nasa bahay pa dahil inaayusan pa si Jen samantalang yung mga lalaki naman ay kanina pa sila hinihintay sa room. Di lang sila. Lahat ng kaklase nila. Dahil sa pag aakalang di na aattend si Jen.

"Aish. Ang tagal nila. Bakit kase di mo hinintay Elijah?" Kamot ulong tanong ni Steven. Excited na siyang makita si Jen.

"Eh alam kong matagal pa sila kaya iniwan ko na. Baka maging driver pa ako ng wala sa oras. Wanna eat babe?" Sabi niya at kinausap si Dianne. Tumango naman si Dianne kaya umalis muna sila.

"Bro. Mag salita ka naman! Panis na laway mo niyan!" Biro ni Steven kay Ezekiel

"Tss. Don't mind me." Sabay suot ng earphones kaya lalong nabored si Steven.

Sa kabilang banda paalis na sila Jen sa bahay nila.

"Go anak! Kaya mo yan! Susunod ako mamaya. I'll just pack my things." Sabi ng mama niya dahil hindi talaga siya pumasok para lang mapanood ang unica hija niya.

"Sure mom. We'll go na po. Bye."

Dali dali silang sumakay sa kotse ni Cine dahil alam nilang late na sila. Pinaharurot na ni Cine para umabot sila sa time.

~~~~

"Jen! Buti nandito ka na! Kanina ka pa namin hinihintay!" Bungad sa kanila ng kaklase nila.

"Sorry. Nag ayos pa kami eh. Ayos na ba to? Pede na ba para sa pageant?" Tanong niya dahil hindi niya alam kung okay na ba ito sa paningin ng kaklase

"Oo naman! Ang ganda mo nga eh. Panalo na tayo nito!" Sabi ni Steven. Nandito na rin sila Elijah at nag thumbs up ito sa kanya.

"Okay guys! Yung prinactice natin ah?" Sabi ni Elijah sa kaklase nila at umoo naman ang lahat.

Nagtaka si Jen pero di na niya pinansin dahil tinawag na lahat ng candidates sa auditorium.

Excited na silang lahat. Pero iba ang pakiramdam ni Jen. Parang may mali. Bakit kaya?

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now