Chapter 31

32 6 0
                                    


Jen.

"You're joking right? Papa?"

Tinignan ko si papa pero iniwas lang niya yung tingin niya sakin. Seryoso ba to? Bakit? Ano meron? Close friend siguro ni papa yung parents ni Kiel. But why the hell there is a marriage chuchu?

"Oh? She didn't know?" Tanong ni Mrs. Bernardo sabay tingin sakin na parang guilty siya.

"We're sorry. I think mas mabuting mag usap muna kayo ng anak mo. Aalis na kami." Sabi ni Mr. Bernardo bago tumingin sakin at ngumiti ng tipid.

Tinignan ko si Kiel pero wala akong mabasa sa mukha niya. Did he know about this? This is ridiculous! Ngayon ngayon lang nga kami naging close tapos ikakasal agad? Unbelievable!

Umalis na sila at naiwan kami ni papa. Nakayuko lang si papa at di tumitingin sakin. Di pa din ako makapaniwala sa sinabi ng parents ni Kiel. Matagal na ba silang kilala ni papa? Magkaibigan ba sila para magkaron ng arranged marriage tulad ng nababasa ko sa mga libro? Bakit naman pumayag si papa? Di ba mahalaga sa kanya opinyon ko para dito?

"I'm sorry anak." Malungkot na sabi ni papa. Nanatili siyang nakayuko.

"Are they your friends, papa? Kaya niyo kami ipapakasal? Is this some old promises when you were young na ikakasal niyo anak niyo for strengthen your friendship?" tanong ko. But instead of answering, niyakap ako ni papa and he keep saying sorry.

Napa isip tuloy ako habang yakap pa rin ni papa. Pwede na ba ko ikasal? I'm just 15! That cannot be done right? Saka ayoko maging batang ina, di ko pa naeenjoy buhay ko. Aish! Bakit ba eto iniisip ko? I should think on how to get rid of this!

Tama! Feeling ko naman ayaw din to ni Kiel eh. Malamang napipilitan lang yon eh jusko sa ugali ba naman niya na yon? Malamang eh hindi lang makatanggi yon, but I think we can help each other para di matuloy to. I just talk to him tomorrow, after all sabay naman kami lagi pumasok.

"Sorry anak. Sana mapatawad mo ko." Patuloy na sabi ni papa. Kumalas ako sa yakap niya.

"Okay lang, pa." sabi ko na lang. Alam kong di siya matitigil kapag di ko sinabing okay lang sa akin.

"What do you mean? Payag kang magpakasal sa kanya?" biglang lumiwanag ang mukha ni papa kaya napakunot noo ako. Big deal ba talaga para sa kanya to?

"Uhm, let me think about it." Sabi ko. I don't know pero yun yung sinagot ko kay papa. Parang all of a sudden eh napaisip ako. Hindi dahil sa gusto kong maikasal pero gusto kong malaman kung bakit ba nangyayari to. And also, baka sumama pa loob sakin ni papa kaya pag iisipan ko muna kunwari ang tungkol dito.

So una, magpanggap muna akong payag ako or I'll tell it to Kiel para di sumama loob ng parents niya as well as my papa. Next is to know the reason behind all of these! Alam kong may dahilan pero hindi ako nakukumbinsi na kaibigan ng parents niya si papa dahil yung batian nila kanina masyadong formal for an old friend, right?

Tuwang tuwa si papa sa sagot kong 'yon. Sabi niya pa eh kahit matagal kong pag isipan dahil matagal pa naman daw mangyayari yon. Hihintayin pa kong mag eighteenth birthday bago ang kasal. Argh. This is driving me nuts! I can't believe that I am in this situation. Ang dami naman atang nangyayari sa buhay ko ano? May dadagdag pa ba?

Pagkatapos ay kumain kami ng dinner tapos hinatid ako ni papa sa bahay. Hindi tumapat sa bahay naming ang kotse niya and I understand that. Di pa din sila ayos ni mama kaya wala akong magagawa kundi maglakad lang ng kaunti. I bid my goodbye to papa and kiss his cheek bago ako lumabas ng sasakyan niya.

Finally, nakauwi na din! Parang gumaan yung pakiramdam ko ng makita ko si kuyang naglalaro habang si mama eh nagbabasa ng libro. Feeling ko kase kanina pagod na pagod ako. Ang dami talagang nangyari kaya binati ko lang sila at umakyat agad sa kwarto para maligo at makapagpahinga na.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now