Chapter 16

81 5 0
                                    

Jen.

Nandito kami ngayon sa clinic. Nag text kasi sakin si Steven na di daw niya ko malilibre kase nandun daw sila ni Niki sa clinic. Kaya pumunta kaming lahat dun excluding kuya syempre. Kasama niya yung evil witch eh.

"Ok hija. Ipagpahinga mo muna yung mga paa mo pag uwi sa bahay ah? Tapos icontinue mo lang yung sinabi ko sayo gagaling agad yan." Sabi nung nurse. Grabe ang laki ng pasa sa tuhod niya at take note! Parehas pa ng tuhod niya ang meron!

"Di kase nag iingat ayan! Tsk tsk." Pailing iling na sabi ni Cine at umupo dun sa kabilang kama.

"No. It's actually my fault. Tumatakbo kase ako non at di ko nakita na nandun siya kaya nabangga ko siya tapos ayan nagkapasa siya." Nakayukong sabi ni Steven.

"Hey. No need to explain nakwento ko na kanina yung nangyari." Sabi ni Bella at tinapik tapik siya sa likod. Muka namang nabuhayan siya ng loob dahil napangiti siya.

"Oh pano ba yan? Di ka na makakapag shorts kase muka kang lumuhod sa uling." Sabit io at natawa naman silang lahat.

"Ayos lang yon! Hahaha. Sige kumain na kayo, maiwan na ko dito. Medyo masakit pa rin kase eh." Sabi niya at napangiwi nung napatingin siya sa tuhod niya

"Sige dalhan ka na lang namin ng pagkain dito. Baka abutan na kami ng time eh. Byeee." Sabi ni Bella kaya umalis na kami doon.

Pagkatapos namin kumain ay dinalhan nga nami siya ng pagkain dahil baka nagugutom na rin siya. Matapos non ay nagpunta na kami sa classroom namin at nagpaalam kay Cine dahil sa kabila siyang classroom.

Maya maya lang din nag decide na kami umuwi. Si Bella sinundo siya ng family driver nila ganon din si Cine. Si kuya naman hinatid pauwi si Dianne tapos isasabay naman namin si Niki pauwi. Di pa rin siya makalakad ng maayos. Busy naman daw mga driver nila.

"Okay lang talaga ako. Nakakahiya naman sa inyo. Naging third wheel pa ko." Nahihiyang sabi ni Niki habang inaalalayan namin siyang maglakad.

"Luka! Di ka nga makalakad mag isa eh! Okay lang yon no! Si Steven naman mag drive eh."

"Oo okay lang naman. Parang di magkaibigan!" Natatawang sabi ni Steven at inalalayan niya pumasok sa back seat si Niki. Pumwesto naman na ko sa passenger's seat.

"Eh pano yon? Malalayo pa kayo. Mas mauuna bahay ni Jen kaysa samin." Nag aalalang tanong niya.

"Okay lang yon no. Ako na unang bababa! Hayaan ko muna kayong mag catch up!" Nakangiting sabi ko at natawa naman sila.

Maya maya lang natanaw ko na yung bahay namin. Kaya bumaba ako agad at nagpaalam. Di ko na pinababa si Steven dahil baka gabihin na sila. Tumango nalang sakin si Steven haban kumaway kaway si Niki sa likod.

"Mag ingat kayo! Byee!" Sabi ko at pumasok na sa loob.

Hay! It was a long day.

_____

Niki.

Tahimik lang kaming dalawa ni Steven nung umalis si Jen. I don't know kung bakit ang awkward! Shocks! Help me.

"Uhm. Dun pa rin ba kayo nakatira?" Nagulat ako nang nagsalita siya. Tinignan ko siya sa rear mirror pero di naman siya nakatingin sakin.

"O-oo dun pa din kami." Napayuko ako nung mapansin kong napatingin siya sakin. Gosh kinakabahan ako. I don't know why! T__T

"A-ahm. About kanina, thank you nga pala." Sabi ko sa kanya. Di naman ako makatingin sa mata niya kase nahihiya ako.

"Ayos lang. Pero ang bigat mo ah? Di ka pa rin nagbabago bilog." Natatawa niyang sagot kaya napatingin ako sa kanya! Omg! Nararamdaman kong nag iinit ang muka ko dahil sa kahihiyan.

"O-oy! Di ako mabigat ako! Sexy na kaya ako!" Sigaw ko sa kanya at natawa na lang kami parehas.

"Sorry pala dati ah?" Sabi niya sakin. Napatingin ako sa kanya at napangiti.

"Okay lang. Tinupad mo naman sinabi mo na babalik ka eh."

"Nako nag drama ka pa! Andito na tayo. Ikamusta mo ako kay tita ah?" Sabi niya at tama nga siya nandito na kami sa labas ng bahay namin. Di ko man lang napansin?

"Oo sige. Sabihin ko ganon ka pa rin! Hahaha." Sabi ko kaya natawa siya.

"Kaya mo na ba o hatid pa kita sa loob?" Tanong niya at akma na siyang lalabas pero pinigilan ko agad.

"Okay lang ano ka ba! Sige see you tom! Salamat Pat!" Nakangiti kong sabi saka lumabas.

Nung isasarado ko na yung pito narinig ko na may sinabi pa siya.

"Okay bilog. Take care." Ngumiti na lang ako at saka sinarado ng tuluyan ang pinto ng kotse niya.

Dumiretso agad ako papasok. Para makapag pahinga ako. Bukas na lang ako magpapakita kila mom baka maraming tanong an ibato nila sakin hays.

_____

[KINABUKASAN]

Steven. 

Nasa labas na ako ng bahay nila Jen. Syempre, susunduin ko prinsesa ko. Haha.

Nag door bell na ako para di ako mag mukhang tanga sa labas. Malaki ang bahay nila. Pero hindi siya yung malaki talaga. Simple lang pero maayos naman,

"Wait!"

Tapos niluwa ng gate si Elijah.

"Bro! Aga natin ah!" Sabi niya sabay fist bump.

"Syempre bro. Susunduin ko si Jen eh."

"Sige pasok ka muna. Natutulog pa yung pangit na yun."

Pinapasok niya ako at pinaupo sa sofa nila. Gigisingin daw muna niya si Jen.

"Oh hijo, ang aga mo ata?" Nagulat ako nung sumulpot si tita Jennifer sa harap ko. Galing pala siyang kusina.

"Ay, good morning po tita. Susunduin ko po si Jen eh. Bakit po nandito pa kayo? Wala pong pasok?" Sabi ko para may mapag kwentuhan naman kami. Kailangan kong magpakitang gilas. Hahaha.

"Ay nako hijo, late na nga ako eh. Buti napaalala mo. Nag luto lang ako ng breakfast nila. Sige aalis na ako. Ingatan mo bunso ko ah?" Sabi niya at syempre umoo naman ako!

Nag beso lang kami at umalis na siya. Maganda si tita kahit may edad na. Pero hindi masyadong kamukha ni Jen. Siguro sa tatay niya nagmana, si Elijah kase kamukha ni tita eh.

"Steven! Aga mo! Wait kakain lang muna ako!" Sabi ni Jen at dali daling bumaba. Natawa naman ako.

"Sige. Kumain ka ng marami ah?" Sabi ko sa kanya.

"Kumain ka na ba? Halika dito! Kumain ka muna." Kumain na ako samin pero gusto ko siyang sabayan kaya nag punta ako sa dining nila.

"Si Elijah?" Tanong ko habang naghahain siya.

"Bakit bro? Miss mo ko?" Sumulpot siya bigla sa gilid ko.

"Ulol! Akala ko umalis ka na!" Sabi ko at natawa na lang kaming dalawa.

Kumain na muna kami at naunang natapos ni Jen. Maliligo pa daw kase siya. Maaga pa naman kaya wala namang problema. Nahihiya lang talaga siya sakin. Haha.

"Bro? Wag mong sasaktan kapatid ko ah? Pag ikaw talaga! Sinaktan mo yan, malalagot ka." Masama ang tingin sakin ni Elijah habang sinasabi niya yan.

Natakot naman ako pero sumagot pa rin ako.

"Oo naman bro. Masaktan na lahat wag lang siya."

"Siguraduhin mo lang."

"Opo boss!"

"Steven! Halika na!"

Napaayos kami ng upo ni Elijah. Parehas kaming nagulat kay Jen eh.

Nakakatakot pala si Elijah. Pero isa lang masisiguro ko. Di ko sasaktan si Jen kahit anong mangyari.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now