Chapter 41

24 5 0
                                    


Jen.


Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari bigla. Talagang hindi ko inaasahan na nung gabing nagkausap kaming matino ng aming pamilya ay saka pa nagkaganoon si papa.


Tatlong araw na ang nakalipas mula nung pumunta sa bahay si papa at ganoon na rin katagal siyang nasa ospital. Naiwan si mama doon ngayon dahil pinilit niya kaming pumasok ni kuya. Gusto naming magpaiwan pero wala kaming magawa.


(FLASHBACK)


Sa sobrang taranta ay di ako sure kung nasara ko ba ng maayos yung gate pero mapapansin naman yun ni ate Linda. Maya-maya lang din ay nasa hospital na kami at inalert ang mga nurse para maidala agad siya sa emergency room gamit ang stretcher. Chineck ang vital signs ni papa at may kung ano pa silang ginawa na hindi ko naintinihan. 


Nasa isang sulok lang kami ni mama at magkayakap habang nakatingin kay papa. Si kuya ay nakahalukipkip at tahimik na nakatingin din kay papa pero kita mo sa mukha niya na nag-aalala siya. Naghintay pa kami ng ilang saglit nang sinabi na maaari na kaming pumunta kay papa. Wala pa din siyang malay at maya-maya ay may lumapit saming doktor.


"Are you the relative of this patient?" malumanay na tanong ng babaeng doktor.


"Yes, I'm his w-wife," sagot ni mama.


"I'm doctor Victoria, an otorhinolaryngologist or an ENT doctor." pakilala niya samin. Owtow--what? Di ko alam yun ah? "Mr. Cruz is my patient before, di ko alam na hindi siya nag pa surgery," iiling-iling na sabi niya.


"Po? Ano pong s-surgery?" tanong ko.


"Oh? You didn't know?" she sighed. "He has acoustic neuroma. If you don't know what it is, it is a type of tumor that is not cancerous. The tumor then presses on the hearing and balance nerve in the inner ear. Pumunta na siya dito noon because of having symptoms like ringing in the ear and hearing loss on one side. Pero hindi na siya bumalik dito ulit ng sabihin kong kailangan niyang magpa surgery," pagpapaliwanag niya.


Kaya pala bago siya tumumba ay napahawak pa siya sa kanyang tenga! Oh my, please help my father.


"I would highly suggest na ipa-surgery na siya, even if it's a noncancerous tumor, it is dangerous for him kung di tatanggalin," sabi niya at tumingin samin. "You're his family and you have the right to decide if we'll proceed to the surgery."


(END OF FLASHBACK)


We decided na ipa-surgery na siya. Naisip namin na baka lalong lumala ang nararamdaman niya, kahit pa sinabi ng doktor na hindi ito cancerous. Nagsalitan kami sa pagbabantay nung weekend at ngayon si mama ang naiwan dun dahil pumasok nga kami ni kuya.


The operation was successful but the doctor said that papa may have facial paralysis on the affected side. Binalaan din niya kami na pwede iyon maging temporary or permanent na. Kaya din siguro hindi tinuloy noon ni papa ang pagpapa-opera dahil doon. He woke up na raw sabi ni mama kanina kaya I want to see him badly.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now