Chapter 24

72 6 0
                                    




Jennelle.


Nagising ako nung may kumatok sa pinto. Bumangon ako para tignan kung sino ba iyon. Natutulog pa ko eh! Di ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari nung nakaraan. Monday na nga pala ngayon at naisipan ko ng pumasok dahil one week na kong di nagpapakita kung kanino man.


"Oh kuya bakit? Malelate na ba tayo? Sandali di pa ako naliligo!" sabi ko sa kanya pagbukas ko ng pinto at dali daling kumuha ng tuwalya.


"Hindi no! Ang aga pa kaya. Gusto lang kitang tanungin kung kaya mo na ba talagang pumasok kase nung pumasok ako last week alam pala nilang lahat yung nangyari. Handa ka bang harapin mga tanong nila?" nag aalala niyang tanong sakin. Napangiti lang ako kase di ko alam isasagot ko. Handa na nga ba ako?


"Siguro kuya pero di ko naman pwedeng iwasan na lang yung problema. Tanong lang naman yon kaya I'll answer it honestly. Saka marami akong narealize last week no!" napatango siya sa sinabi ko. Okay lang kaya siya? Last week kase pumasok na siya at sinabing di daw siya papaapekto pero di ko alam kung totoo ba yon.


"Ok ka na ba kuya?" naiilang na tinanong ko sa kanya iyon. Kahit naman kase magkapatid kami di namin pinapakielamanan ang isa't isa sa privacy namin. Pero di na ko nakatiis ngayon.


"Syempre hindi. Kase sino ba namang matutuwa na niloko ka lang? Pero di ko na masyadong iniisip dahil alam ko namang di ko deserve si Dianne kung gagantuhin niya lang ako." mapait na sabi niya.


"Alam mo kuya? Hanga nga ako sayo eh. Kase nakuha mo ng harapin sila. Ako di ko alam kung kakayanin ko ba pero dahil sa inyo susubukan ko." sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya at niyakap ako.


"Wag ka na nga mag drama baby girl! Be happy! Makakahanap din tayo ng para satin." sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.


_______


School...


"JEEEEEN! You're back na! Aymsohappeh!"


Bungad sakin yan ni Bella. Loka loka talaga to. Kasama rin niya sila Francine at Niki, mukhang masaya rin sa pagbabalik ko.


"We're glad na ok ka na! Makakahinga na kami ng maluwag dahil di ka na nagmumukmok sa kwarto mo!" sabi ni Niki kaya natawa ako kase parang namomroblema talaga siya na baka mag suicide ako.


"Gaga! Ayos lang naman ako kase di pa naman masyadong malalim yung nararamdaman ko para kay Steven. Oo minahal ko siya pero I think di masyadong masakit yung nangyari dahil wala pa naman kaming 'pinagsamahan' ng matagal" nakangiti kong sabi at nakita kong nagkatinginan sila Francine at Niki.


Totoo naman eh. Isa yan sa narealize ko nung nagkukulong lang ako sa kwarto ko. I loved him but it didn't go to the point na magmumukmok ako ng napakatagal at kailangang magdrama pa. Kaya siguro ganon ang reaction ko dahil pinagkatiwalaan ko na siya pero nagawa pa niya yon. Hays. Good vibes na nga!


"Teh? Ano tutunganga? Bell na hoy!" pasigaw na sabi ni Francine. Ay sorry! Nadala ako haha.


"Eto na. Mamaya ah? Libre niyo ko ng lunch huehue. Thank you love you!" saka ako tumakbo papuntang room! Iniwan ko pa sila kahit na same room lang kami ni Bella at sa kabila lang sila Niki. Hayaan mo sila hahaha.


_____


Nandito kami ngayon sa canteen. Grabe nilibre nga nila ako at ang dami! *__*


"Uyy salamt ah! Parang gusto ko na laging magmukmok kung ganito sasalubong sakin pagkatapos!" sabi ko sa kanila kaso binatukan nila ako! Child abuse!


My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now