Chapter 3

138 9 4
                                    


"Asan na yung bruha na yon ah?" sabi sakin ni Bella. Nakakatawa tong babaeng to. Nakita pala kami kanina pero di daw siya lumapit kase mukang kaya ko naman na daw yun pero tignan mo ngayon. HAHA.

"Gaga. Syempre wala na. Mapahiya ba naman siya at nasampal ko pa ng tatlong beses." para akong baliw dito. tuwang tuwang napahiya siya.

"Pero bes, baka mamaya iba iganti niyan sayo. Baka gamitin niya si Lance laban sayo. Pero kahit anong mangyari nandito lang ako ah?"

(T0T) Aww. Lab niya talaga ako. Niyakap ko na lang siya at bumulong ng thank you.

Natapos na yung klase namin at umuwi na ako ng bahay. Mayaman ba kami? Hindii naman pero sapat na yung isang kompanya ni Mama para saming dalawa ng kapatid ko para magkaron ng marangyang buhay.

"I'M HOMEEEE!" kailangan todo effort kang sumigaw dito. Bawal ang madrama sa bahay namin. Walang sumagot kaya dumiretso ako sa kusina kasi dito laging nakatambay si Mama. Mahilig kasi siyang magluto.

"Oh! Nakauwi ka na pala!"

"Di ma. Anino ko lang to." (^u^)V

"Baliw ka talaga. O siya magbihis ka na at tawagin mo na rin kuya mo sa taas para makakain na" sabi niya habang tnitikman yung niluto niiya. Tumango na lang ako at umakyat na sa taas.

Pagkatapos magbihis pumunta ako sa kwarto ni kuya. Gugulatin ko siya. BWAHAHA. Ayan na binubuksan ko na yung pinto ng dahan dahan.

"Ok babe. See you tom. Love you."

"MAY GIRLFRIEND KA NA?!?!" sigaw ko ng bongga.

"Shit-- Ano ba! Kay ingay naman! Wag ka ngang maingay!" iritadong sagot niya. HAHA buking ka na tol!

"HAH! Sasabihn ko yan kay Mama! MAMAAA---umphh!!" waaaaah! Baho ng kamay niya! Help me please. I'm going to die. T0T

"Sabi nang wag maingay eh. Papakilala ko siya sa inyo bukas at surprise yun kay mama kaya wag kang spoiler. Okay?" Tumango na lang ako kase mahiihimatay na ata ako sa amoy ng kamay niya.

"AY SHIT! Sorry Jen! Galing akong banyo. At di pa ako nakakapaghugaas ng kamay." (<u<)V

Paktay....

~~~~

"WEH?! Si Kuya Elijah may girlfriend?" Tanong ni Bella at talagang nagkatingin lahat ng tao samin. Nasa canteen kase kami katatapos lang ng klase namin at nakwento ko yung natuklasan ko kahapon.

"Oo! Nakakagulat nga eh. Pero sana naman mag seryoso na siya. Baka mamaya makarma siya sa mga ginawa niya sa mga babae nun." Well, si kuya kase playboy yan. Di ko nga alam kung ilan na naging kafling niyansa dami eh. At ngayon ay girlfriend. For the first time narinig ko sa kanya yun. Wala sa vocabulary niya yun dati eh.

"Ghad! Sayang. Type ko pa naman kuya mo. Hihi." (^u^)V

"Gagi! HAHA. Bagal mo kase eh. Sige na uwi na tayo papakilala daw ni kuya yung girlfriend niya ngayon."

"HA?! Ngayon na ba? Pedeng sumama? Gusto ko rin makilala yung gf niya. Please? *puppy eyes*"

"Jeez. Ang sagwa ah! Oo na. Magbibihis ka ba muna o diretso sa bahay?" Tanong ko pero saka ko lang narealize na may damit pala siya samin. Well I guess diretso na kami sa bahay.

Nakarating na kami sa bahay at wala pa sila kuya. Baka may klase pa siya. Magkaiba kami ng school ni kuya eh. Pinagbihis ko muna si Bella pagkaakyat namin sa kwarto.

"Uy. Tamlay mo ata?" Tanong ko sa kanya. Di pa kase siya nagsasalita mula kanina. Kahit papunta dito di siya nagsasalita. Parang may bumabagabag sa kanya.

"Ha? Ah hindi no. Sige bihis lang ako." At dali dali siya pumunta sa banyo. Ok. She's being weird again. Pinag kibit balikat ko na lang yun.

"Nak? Nandito na kuya mo bumaba na tayo at may surprise daw siya satin."

"Sige ma. Pababa na."

Bumaba na kami at nakita ko si kuya at yung babae. Nakatalikod sila sakin kaya di ko pa makita kung sino yun. Pero mukang maganda siya.

"Kuya! Is she your girlfriend?" Tanong ko nang makalapit kami sa kanila.

Humarap si kuya at tumango. Hinintay kong lumingon yung babae at pag lingon niya..

O__O

Shit.

"Dianne..."

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now