Chapter 28

37 6 0
                                    

Jen.

Ang bilis ng araw! Monday na agad hayss. Ayoko pa pumasok eh, saka omg!! Makikita ko si Ezekiel. Tapos awkward na naman pag nakita ko si Steven. Ewan ko ba, kahit na nagkaayos naman kami eh parang nakakailang pa din na makita ko siya. But don't get me wrong, napatawad ko na siya sadyang naiilang lang ako.

Papasok na ko ngayon at hinatid ulit ako ng driver namin kase iniwan ako ni kuya. Di ko na alam kung anong lagay ni kuya. Okay na kaya siya? Malamang hindi. Ganon din naman ako eh. Sino bang may gusto na lokohin ka diba? Di ko din nakita si mama kanina baka maaga pumasok. Kinakabahan pa rin ako dahil sa pag uusap namin ni papa.

"Jen, hindi kita masusundo mamaya ah? May iniutos kase sakin mama mo sakin eh." Sabi ni kuya Eddie ng makarating kami sa parking ng school.

"Sige po kuya. Sasabay na lang po ako kay kuya Elijah." sagot ko sa kanya. Nako good luck na lang sakin kung isasabay ako non. May toyo pa naman minsan yon hehehe peace kuya!

"Oh siya sige hija, mag iingat kayong dalawa." Tinanguan ko si kuya saka ako bumaba.

Naglakad na ko papasok ng campus. Buti may mga halaman sa gilid dito kaya nagtatago muna ko. Baka mamaya makita ko agad si Ezekiel eh jusko! Si Steven okay lang, kahit ngitian ko lang yon ayos na. Kaso si Ezekiel!!! Baka utusan ako, no way!

Wait ang haba talaga ng Ezekiel, kahit ako nahihirapan eh. I'll call him Kiel na nga lang. Ayoko ng Zeke kase parang ang common sa Ezekiel ang ganon.

"What are you doing?"

"AY PALAKA KABAYO!"

"Pft. You look stupid there." sabi ni Kiel. Oo siya nga po kausap ko. Halata naman at puro english na naman lumalabas sa bibig niya.

"Bakit ka ba nanggugulat ha? Kahapon ka pa ah?"

"It's because whenever I see you, you're doing stupid things."

"Nye nye nye. Bakit ka ba nandito ha? Sinusundan mo ba ko?"

"This is the way to our classroom. Why should I not be here?"

Oops tameme ako. Pang tanga pala yung tanong ko hays. Tama naman siya pero kainis naman! Kung sino iniiwasan ko, siya pa makikita ko.

Magsasalita na ko ng takpan niya bibig ko. Tinignan ko siya ng masama.

"What? You keep asking questions. You need to stop. That's my first order. Stop asking." Pagkatapos non hinila na niya ko. Hinayaan ko na lang siya. Yun lang pala eh.

Mukhang madali lang naman pala mga pagagawin sakin ng tao na to. Okay na ko! Nakahinga na ko ng maluwag.

Lumipas ang buong maghapon na di na niya ko inutusang muli. He doesn't even talk to me pagtapos non. Di ko rin naman ganong napansin dahil palagi akong dinadaldal ni Bella at sinasamahan niya din si Steven. Si kuya naman eh samin na sumasama kaya naririndi ako sa pag aaway nila ni Bella.

Pauwi na nga pala kami ng makita namin sina Cine, Niki, Steven at Kiel. Kinawayan ko sila saka lumapit kay Cine at Niki. Tagal ko na ulit di nakasama tong dalawang to! Masyadong busy eh.

"CINEEEE! NIKIIIII!" hinug ko pa sila niyan ah.

"Bessyyyy! Grabe ah di na tayo nag kita!" Ouch. Hinampas pa ko ni Niki amp.

"Kayo kase napaka busy niyo. Lumipat na kayo sa section namin." Pabiro kong sabi sa kanila.

"Kung pwede lang eh. Kaso mayayari kami. Alam mo na, grade conscious magulang." Pairap na sabi ni Cine.

Magsasalita na sana ko ng nagsalita si kuya.

"Jen kung kakausapin mo pa sila mauuna na ako. Magpahatid ka na lang sa kanila." Nalungkot ako sa sinabi ni kuya. Oo nga pala nakalimutan ko na di pa din sila ayos ni Steven.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now