Chapter 33

36 6 0
                                    

Jen.

Like the usual, hatid-sundo ako ni Kiel. Minsan napapaisip ako na hindi ba siya nalulugi? Mahal ang gas no! Imbis na dumiretso sa school eh dinadaanan pa niya ako. Masabi nga minsan na wag na niya ako sunduin, or better yet tatapusin ko lang yung deal namin tas kay kuya na ulit ako sasabay.

Speaking of kuya, pinagtakpan nga niya ako kay mama. Di niya sinabi na nagkikita kami ni papa. I really hope na maisipan na niyang kausapin si papa kase nagbago na talaga siya. Alam kong uunahin na niya kami kaysa sa trabaho niya. Kailangan lang mapatunayan yun ni papa.

"Ate Jen! Kwentuhan niyo naman po kami ni kuya Kiel. Please?" sabi ni Sofia. Bago lang siya dito dahil kalilipat lang daw nila dito sa malapit sabi ni teacher Tess pagkadating namin kaya nag aadjust pa siya samin kanina pero mabilis naging comfortable samin.

Nandito kami ngayon ni Kiel sa daycare na pinupuntahan ko. Akala ko nga di na siya sasama sakin pero nung sinabi ko na dito ako pupunta eh sinundo pa ko samin bago kami maglakad papunta dito. Ewan ko ba dito. Sabi niya wala daw siyang magawa. Sinama ko na din siya tutal magkasama din kami mamaya para sa dinner kasama family niya.

"Hoy, ikaw na magkwento diyan kumuha ka na lang libro dun oh." turo ko sa bookshelf na maliit.

Sumunod naman siya kaya tinuloy ko ang pagmomonitor sa mga nag kukulay na bata. Tinutulungan ko sila sa susunod na color na gagamitin nila at kung saan ito ilalagay. Tinignan ko si Kiel at natawa ako nang makita kong nakaupo sa balikat niya si Zoe tapos dumudungaw siya sa binabasa ni Kiel kaya gulo-gulo na buhok niya.

Napalingon siya sakin at sumimangot nang nakitang tumatawa ako kaya lalo ko lang siyang tinawanan. Mukha siyang inaabuso ng mga bata! Di na ko nakapag concentrate matapos yun pero buti na lang eh uwian na ng mga bata kaya umalis na din kami pagkatapos non.

"Mukhang na-eenjoy mo na yung pagtuturo ah?" I teased.

"Not really, pero gusto mo eh." sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"What do you mean?" tanong ko pero diretso lang siyang naglakad papuntang bahay namin.

Nakarating kami sa bahay at nakita kong malapit na pala mag lunch kaya naisipan kong magluto ng sinigang na baboy habang si Ezekiel naman ay nanonood sa sala. Wala si kuya ngayon kase may lakad ata di ko lang alam kung saan pupunta tapos si mama naman eh nasa trabaho, sunday lang siya laging nandito.

"What did you cooked?" biglang sulpot niya habang naghahain ako.

Aatakihin ata ako sa kanya sa pagsulpot-sulpot niyang yan! Muntik ko pang mabitawan yung baso. Tsk!

"Kagulat naman to! Sinigang ginawa ko. That's my favorite eh gusto ko ipatikim sayo." I smiled at him kaya inaya ko na siyang maupo.

"Masarap ba to? No poison?" maarteng tanong niya habang inaamoy yung sabaw sa kutsara niya.

"Arte-arte, tikman mo kaya no? Di yung puro ka tanong diyan!" pikon kong sabi at tinawanan niya lang ako bago tikman.

"Ano?" I nervously asked.

"It's good. I didn't know you can cook." sabi niya at kumuha nang maraming kanin.

Inaya ko ang nag iisang kasama naming sa bahay at nagsimula na din kaming kumain. Ate Linda do the laundry and the dishes, pero minsan nagwawalis-walis din siya pag walang magawa. Gusto kase ni mama matuto kami sa gawaing bahay kaya ang paglilinis at pagluluto ang nakatoka sa akin, minsan nakikitulong si kuya sa paglilinis pero mas madalas siya yung gumagawa sa mga nasisira dito sa bahay.

Hindi kami nakapag usap ni Kiel tungkol sa dinner mamaya at baka malaman pa ni ate yung pagpapanggap thing kaya pagkatapos kumain ay dumiretso kaming sala.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now