Chapter 14

84 8 3
                                    

Jen.

Dalawang buwan na ang nakalipas at August na ngayon. Isang buwan na rin simula nung nanligaw sa akin si Steven at napatunayan ko namang seryoso siya sakin. Kilala na din siya nila Cine at Niki. Naalala ko tuloy nung first time nilang magkakilala

"Frieeeend! Gosh! You didn't say to us that someone's courting you na!" Nagtatampong sigaw sakin ni Niki nang magkakita kami sa canteen.

"Oo nga! Di mo ba kami friend?" Sabi din ni Cine. Natawa kami ni Bella sa kanila kase ang oa nila.

"Mga luka! Pano ko masasabi sa inyo eh lagi kayong busy? Buti pa kaming section b chill chill lang." Sabi ko na natatawa pa rin sa kanila.

"Eh daliii naaa! Kwento ka na samin! Pretty please??" Nagpapacute na tanong niya kaya kinuwento ko na.

Medyo natagalan bago ako matapos magkwento dahil madami silang side comments like 'gwapo ba?' 'May abs?' 'Mabait?' and such!

"Grabe! I want to meet that guy huh? Baka mamaya manloloko lang yan!" Sabi ni Cine sakin at saktong nakita ko naman si Steven kaya tinawag ko na siya.

"Hey! Ayan na siya oh! STEVEN! Tara dito!" Sabi ko with matching kaway kaway pa kala mo nasa bundok!

"Omg!" Sabi ni Niki at natulala siya kay Steven. Natawa na lang ako kase halatang nagulat sila sa itsura ni Steven.

"Jen! Sorry ah? Pinatulong kase kami magbuhat ng bagong libro ni Ms. Estrella para sa library. Di tuloy kita nasamahan dito." Tuloy tuloy na sabi niya. Hindi niya ata napansin na may kasama ako.

"Okay lang no! Kasama ko naman sila eh. By the way, this is Niki Sullivan and Francine Menezco form section A. They're my friends!" Nakangiti kong sabi sa kanya at napatingin siya kila Cine at nagulat siya ng makita si Niki.

"B-bilog?! I-ikaw ba yan?!" Nauutal na tanong niya kay Niki at nagulat kami kase tinawag niyang 'bilog' si Niki.

"P-pat?" Kinakabahang tanong ni Niki.

"Oo nga ako to! Kamusta ka na!" Masayang pangungumusta ni Steven.

Nagkatinginan kaming tatlo Nila Bella at Cine. Okay something is going on here.

*ehem*

"Ayy sorry! Kati ng lalamunan ko eh! Do you two, know each other?" Tanong ni Cine.

"Yes! We're childhood friends." Sabi ni Niki. Pero may kakaiba sa kanya ngayon. Hmm.

"And you guys called each other as 'bilog' and 'pat'?" Pang uusisa ni Bella.

"Ah yun ba? Dati kase mataba si Niki kaya bilog tawag ko sa kanya tapos ako naman patpatin kaya pat tawag niya sakin." Nahihiyang sagot ni Steven. Natawa naman ako kase I never thought na magiging ganito ang mangyayari.

So ayon ang nangyari nung nagkakilala sila. Childhood friends pala yung dalawa. Kaya nagkaroon ng reunion tuloy don!

Nagdidiscuss ngayon si Ms. Castro. Di na nga ako masyadong nakakapakinig dahil iniisip ko kung ano na ba talaga nararamdaman ko para kay Steven. Baka kase mapagod siya kahihintay kaya gusto ko nang malaman yung sagot pero di ko naman mapipilit yon diba?

Mabait si Steven. Napakabait niya. Maalaga din siya tapos lagi pa niya akong inaalala. Ni hindi niya nakakalimutan ang mga sweet messages niya tuwing umaga o gabi. Sa totoo lang kinikilig na ako sa mga gestures niyang ganon. Kaso natatakot pa din ako eh.

"Class dismissed." Nang marinig ko yan agad akong tumayo at nag ayos ng bag.

"Ano gusto mong kainin? Treat ko!" Bungad sakin ni Steven. Nasa likod ko lang naman sila eh.

"Kahit ano. Ikaw na bahala!" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Uyy ako rin! Gusto ko lasagna!" Singit ni Bella pero tumakbo na si Steven papuntang canteen kaya hinabol siya ni Bella.

"Mga baliw talaga yon! Sige Jen una na kami ni Dianne ah?" Sabi ni kuya na halatang gusto sumama samin. Pero nandiyang yung mangkukulam kaya di siya makasama hahaha.

"Sige kuya!" Sagot ko. Umalis na sila at napansin ko na may kasama pa pala ako dito. Natutulog siya actually kaya siguro di niya alam na lunch na.

"Uhm. Excuse me?" Sabi ko sabay yugyog sa kanya. Muka namang nagising na siya kase sinigawan ako.

"Damn! I told you not to enter my room!" Singhal na sagot niya sabay tingin sakin.

"A-ah. I-i'm sorry. Lunch na kase eh. Maiiwan ka dito." Nahihiyang sabi ko kay Ezekiel. Oo si Ezekiel pala to.

"Y-yeah. Sorry, I thought you're my maid." Umiwas siya ng tingin sakin. Ako? MAID?

"Ha?! Pano mo naman ako naging maid?!" Nanlilisik na tanong ko sa kanya! Aba bastos to ah! Siya na nga ginigising eh!

"I just thought. I'm sorry okay? Wait, what's your name again?" Taka siyang tumingin sakin samantala ako nagulat! Lagi kaming magkasama ni Steven tas di niya ko natatandaan? The heck?

"D-di mo ko kilala?"

"Dapat ba kilala kita?" Nagulat ako kase marunong pala siyang mag tagalog. Gosh! Para tuloy akong nakakita ng alien.

"Ah hindi naman. I'm J-jen." Sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay.

"Okay. Better than maid though." Natawa siya sa sinabi niya samantala ako nainsulto hay!

"Ezekiel by the way. Come on! Hinihintay ka na siguro ni Steven." Sabi niya at nauna nang lumabas.

Weird. Di niya ko kilala pero alam niya na nanliligaw sakin si Steven? Gulo ng earth! Aish!

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now