Chapter 43

21 5 0
                                    


Elijah.


Pasipol-sipol akong naglalakad sa hallway ng hospital. Natutuwa ako dahil nahatid ko pa din si Bella. Para kong tanga na tumatawa mag isa kaya tinigilan ko na ang pag iisip sa girlfriend ko at kumatok ng mahina sa pinto ng kwarto ni papa bago pumasok.


Nakita ko si mama at papa na nanonood. Nakaangat ang hospital bed ni papa para makaupo siya ng maayos. Napalingon naman sila sakin dahil sa pagtunog ng sapatos ko sa sahig kaya nginitian ko sila. Wala doon si Jen, malamang ay nasa CR iyon. Tsk!


"Oh anak, kumain ka na ba?" tanong agad ni mama at lumapit sa akin.


"Busog pa po ako dun sa merienda na binili ni Zeke," sabi ko habang nakahawak sa tiyan.


"Ang bait ng batang iyon, pati kami ay binigyan," nakangiting sabi ni mama kaya napangiti ako. "Aba eh nabusog din kami. Iyon nga dapat papakain ko sayo kung gutom ka dahil madami naman," sabi pa niya.


"Mabait po talaga yun si Zeke may pagkamasungit lang minsan," bulong ko at natawa naman siya.


Sabay kaming lumapit kay papa at nakatingin siya samin at ngumiti kahit hirap.


"Are you okay papa?" tanong ko sa kanya and nag thumbs up naman siya sakin kaya nginitian ko din siya.


Naupo muna ako sa sofa dito sa kwarto ni papa, tinext ko si Bella na nandito na nga ako pero sabi niya ay magpapahinga na daw siya dahil napagod daw siya. Hinayaan ko na lang at nagliwaliw muna ako. Naglaro ako ng ml pero dahil bobo mga kakampi ay tinigilan ko din agad.


"Naiihi na ko, tagal naman ni Jen sa banyo," sabi ko at dumiretso sa banyo saka kinatok iyon. "Jen? Matagal ka pa ba? Naiihi na ko." 


Walang sumagot kaya nilakasan ko pa ang katok ko. 


"Jen!" malakas na sabi ko dahilan ng pag tingin nila mama sakin.


"Anak, ano bang ginagawa mo? Wag kang maingay at magpapahinga na papa mo," malumanay na sabi niya.


"Eh naiihi na kase ako, ang tagal ni Jen sa banyo," pagdadahilan ko. "Mula nung dumating ako ay hindi na siya lumabas diyan."


"Anong? Wala si Jen diyan," takang taka na sabi niya at nangunot naman ang noo ko.


"Paanong? Paanong wala siya eh nauna siya dito ma," sabi ko na parang weird na weird ako sa pinagsasasabi niya.


"Wala pa siya dito, hindi pa umaakyat. Diba magkakasama kayo? Baka kasama pa si Bella sa baba, bakit nga ba nauna ka dito?" sabi niya at lalo akong nagtaka.


"Hindi ma, malabo ang sinasabi mo," litong-lito na sabi ko. "Nauna siya umakyat dito ma. Umalis na mga kaibigan namin at hinatid ko si Bella kaya mga 30 mins na siguro nakalilipas. Dapat ay nandito na siya kaya ang akala ko ay nasa banyo lang siya," sabi ko at pilit kinalma ang sarili. Sa ganitong sitwasyon namin ngayon ay hindi ko mapigilan mag isip ng kung ano-ano pero pilit kong inaalis dun ang aking isip.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now