Chapter 35

33 6 0
                                    


Jen.


Nahihibang na siya! Ano ba? May gusto ba siya sakin? My gosh! Totoo ba to? Siya nagsabing mag pretend kami diba? Tapos gusto na niyang maging totoo? Ang labo naman!


Nandito ako sa sala at manonood sana ako pero na-space out na naman ako. Inisip ko pa rin sinabi niya kanina jusko. Di na naman ba ko papatulugin neto? Kainis na lalaking yun! Di porket pinapakabog niya dibdib ko eh hindi niya na rin ako patutulugin! Wala pa sila kuya at mama kaya ako na nagluto kaysa hintayin pa si mama, pagkatapos ay gumawa muna ako assignment ko.


Maya-maya pa dumating na si mama at kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya kaya laking pasasalamat ko na nagluto na ako para makapagpahinga siya saglit. Asan na nga ba si kuya? Kanina pa uwian namin ah? Nagugutom na ko eh, saka nauna pa talaga si mama sa kanya makauwi amp! Narinig ko ang pagbukas ng gate at ang tunog ng kotse kaya alam kong si kuya na yon kaya dali-dali akong pumunta sa pinto.


"Bakit ngayo--- Whoa, whoa! What's with the outfit?" I laughed. "Parang galing beach ah!" pang aasar ko.


"Tanga malamang dun ako galing!" sagot niya at pumasok sa loob. Sinundan ko naman siya paakyat.


"Ano namang ginawa mo dun aber?" takang tanong ko. "Parang wala tayong assignment ah! Pabeach-beach ka na lang."


"Hoy 'wag mo nga ko bwisitin. Daig mo pa si mama sa pag interrogate sakin eh! Pasalamat ka masaya ako ngayon kundi pepektusan kita." Saka niya sinarado pinto. Ay ang weird!


Pinabayaan ko siya at nag decide na maghain na lang. Tinulungan naman ako ni ate Linda, saka niya tinawag si kuya Eddie, driver ni mama na naging driver ko din minsan. Ako naman ay tinawag na si mama at kuya. Ganito kami lagi tuwing hapunan, sabay-sabay kami kakain saka uuwi si kuya Eddie kasabay si ate Linda tapos sabay din silang babalik dito kinabukasan. Magkalapit bahay kase sila.


"So how's school mga anak?" tanong ni mama.


"Okay lang po ma, pasado naman mga quizzes." Sabi ko. "Ewan ko lang sa iba diyan."


"Hoy! Pasado yun ah!" angal agad ni kuya sakin.


"I'm not saying anything kuya." Pang aasar ko pa lalo.


"Kayo talaga, lagi na lang nag-aasaran." Nakangiting sabi ni mama.


"Ah, ma may sasabihin nga pala ako sa inyo." Sabi ni kuya.


"Uh-oh, may nabuntis yan ma! Nako lagot!" I teased.


"Will you shut up?" Kuya glared. "As I was saying, ma, gusto kong ipaalam sa inyo na nililigawan ko na si Bella."


"WHAT?!" I exclaimed. "KAILAN PA?!"


Gulat na gulat ako! Aba di man lang ako na-inform na may gusto na si kuya kay Bella, tho alam ko naman kase halata pero it's just my assumption!Tinignan niya lang ako at hindi sinagot.

My Cruel Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now