1: Power Determined

32 0 0
                                    

Ako si Laira Myth. 15 years old. 5.5 ang taas. Balingkinitan ang katawan. Sobrang puti. At higit sa lahat sobrang ganda.... Woshuuuu... Lakas ng hangin... Lipad kayo... Hahahaha^O^

Mayroon akong itim na itim na buhok at itim na itim na mga mata. Yelo kung maituturing ang pag-uugali ko. Kasing tigas ng bakal ang puso ko. Wala na akong mga magulang at nakikitira lang ako sa orphanage, scholar lang ako sa school na pinapasukan ko. Working student din ako para matustusan ang pag-aaral ko. Para hindi na mapilitang gumastos ang orphanage para sa pag-aaral ko. Ilan lang yan sa mga kwento ko sa buhay pero sa ngayon iyan muna.










"Ate Laira!!!!" lumingon ako dahil sa may tumawag sa aking batang lalaki.

"Why?" tumigil ako sa paglakad
Tinanggal ko ang headset ko at isinukbit sa leeg ko.

"Huh!? Narinig mo pa ako? Eh ang layo ko sayo at nakaheadphone ka pa?" huh!? E ano naman?

"What do you need?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy dahil gusto ko straight to the point.

"Ahehehe... oo nga pala! May meeting daw po mamaya sa club dahil sa darating na intramurals." oo nga.. kaya pala sya pamilyar. First year. Sya yung first year na bagong sali sa amin.

Hindi pa ako nagsalita at kinunot ang noo ko. I'm waiting for another info.

"After class. At eto nga po pala may nagpapabigay..." may kinuha sya sa bulsa nya at ibinigay sa akin.

"What's this?" walang gana kong tanong. Tsk. Another love letters from admirer. Haaayyy... ang hirap talagang maging maganda 'di ba? Tsk. Tsk. Tsk. Laging napupuno ang bag ko o locker ko ng mga love letters kapag pinababayaan ko.

"Dunno. Ibinigay lang yan sa aking nung lalaking yun. Ang sabi ibigay ko daw sayo at wag kong sasabihin kung sino sya." good boy talaga tong lalaking to.

Tiningnan ko yung tinuturo nya at ang nakita ko lang ay anim na lalaki na nagkakasiyahan. Tsk. Nakita ko na naman ang nakakairita nyang mukha.

"Sige na ate, una na ako?" tumango lang ako at ibinalik ang headphone ko.

I love listening to music. Music lang ang nag-iisang paraan para matakasan ang bawat sakit na dinaranas ko. At pati yung mga masasamang sinasabi ng mga babae tungkol sa akin. Pero hindi ko parin ito maiwasan kasi kahit anong lakas ng tunog ng kanta naririnig ko parin ang mga bulong nila at higit pa dun. Nababasa ko rin ang iniisip ng iba. Weird right?! Hindi naman ako nagtataka kasi may nabasa akong nagkakaroon daw talaga ng supernatural powers ang mga taong matataas ang I.Q., pero bakit pati makarinig ng mga ayokong marinig naririnig ko at nalalaman ko kung kanino galing yun. Kahit na sobrang layo ko sa kanila, kaya ko ring palapitin o makita kung ano mismo ang ginagawa nila. And also I can sense danger and everything.

"Freak. Hay nako!? Papansin na naman... nakakasira talaga ng araw kapag nakikita ko ang mukha ng babaitang yan."

"Mukha namang kulugo."

"Ilusyonada. Bitch!"

"Hampas lupa."

"Tsk. Makaalis na nga! Nasira lang ang araw ko."

"Ambisyosa kasi."

Hindi ko na pinansin ang mga naririnig ko. Dahil wala akong panahon para sa mga ganyan. Dumiretsyo lang ako sa locker ko at kinuha ang P.E. uniform at rubber shoes ko. May training ako ngayon. At excuse naman ako sa mga klase ko kasi alam ko na yung pag-aaralan.

Nagtake ako ng advanced quizzes sa mga teacher ko. Gusto nilang malaman kung alam ko nga ang mga ituturo palang nila. Nag-aadvance reading ako para makasagot ako sa mga recitations. Nung naperfect ko lahat ng mga pinasasagutan nila pinayagan nila akong magskip ng classes basta siguraduhin lang na training ang gagawin ko.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon