28: God's Apprentices

9 0 0
                                    


"Ako si Nikolai ang apprentice ni Poseidon. Anong ginagawa nyo rito?" tanong ng bata.

"Narito kami dahil sa iyo." si kuya yan.

"Kailangan namin ang tulong mo." sya pa rin yan.

"Hah! Tulong? Bakit naman hihingi ng tulong ang mga taong katulad nyo?" nagpapatawa ba sya?

"Naging tao ka rin naman di ba?" ako yan malosopo lang.

"Tama ka naging tao rin ako. Pero ginusto ko ba? Nabuhay ako sa paghihirap at pag-aalispusta nyong mga tao." ah bumabanat na sya.

"Kung hindi dahil sa mga tao wala ka sa kinatatayuan mo ngayon." o di ba nakabawi ako.

"Ang dyos ko ang nagtakda sa akin kung nasaan ako ngayon." aba nakabawi sya.

"Pero ang mga tao tinutukoy ang naging instrumento ng dyos mo para mapunta ka sa kinalalagyan mo ngayon." BOOM! Hindi na sya nakaimik.

"Magaling ka babae pero hindi pa rin ako magtititwala sa mga tao. Umalis na kayo kung mahal nyo pa ang mga buhay nyo." alam kong natatakot na ang iba sa sinabi nya.

"Hindi kami aalis kung hindi ka sasama sa amin." pagmamatigas ko. Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko pero hindi ko na natuloy dahil napailag na ako. May pumana sa akin, pero hindi nya intensyon na tamaan ako kundi ang daplisan lang ako ngunit inilagan ko pa rin kasi bawal akong masugatan.

Pero hindi pa pala tapos ang pagpanang iyon.

"Ikaw na ang bahala dito." mabilis kong mensahe kay kuya. At nagteleport ako sa yate namin. Kinumpas ko ang kamay ko at gumawa ng isang napakalaking bloke ng yelo na poprotekta sa sa amin. Ilang segundo lang ay tumama na ang pana na papunta sa direksyon namin.

Nagkaroon ng malaking pagsabog na naging dahilan ng pagkawasak ng bloke na ginawa ko. Para namang nagkaroon ng nyebe sa kalagitnaan ng tag-init.

"The heck is that?" tanong ng ilan dahil sa nangyari.

"Stay Alert. We are under attacked." hindi na ako nag-abalang lingunin pa sila kasi hinahanap ko kung saan nanggaling ang pag-atakeng iyon.

Nakakasigurado ako na hindi tao iyon. Kahit nakatago ang kapangyarhan ng mga tao ay mararamdaman ko pa rin ito dahil sa prisensya ng buhay mula sa kanila. Kaya naman isa din itong God's apprentice kung hindi ako nagkakamali.

Tingnan mo nga naman kung hindi namin maisama ang isa ay may maisasama pa kaming isa.

Nagsimula na rin ang labanan sa pagitan ni kuya at ng apprentice ni Poseidon.

Sinummon ko ang aking weapon. Special ito dahil bigay ito sa akin ni Gaea. Gawa ito sa purong ginto, mga dyamante at iba pang mga element stones. Nagiging hikaw ito kapag hindi ko na ginagamit. Kaya rin nitong magform ng kahit anong weapon. Kung kaya't pinalabas ko na rin ang aking pana. Ang magiging palaso nito ay nakadipende kung anong elemento ang gagamitin ko. At dahil yelo ang napagdesisyunan kong gamitin ngayon ay yelo ang aking gagamit pero sa loob nito at golden fire kagaya ng palasong ginawa ko nung nagtraining ako para malaman ang weapon na angkop sa akin.

I aimed the arrow in the direction that I predicted were that freaking apprentice's location is. Everyone stop because of the huge explosion I made. It destroyed a 4ths of the island. Confusion scattered around, then fade away later on.

Nakakainis na mag-english, ha? Magtatagalog nalang ako.

At yun nga pagkatapos mawala ng usok ay may dalawang babae na nakatayo kung saan ko pinatama ang tira ko. Ang isa ay may hawak na pana at palaso tapos ang isa ay may hawak na espada at pananggalang. Pweh, ang lalim kainis. Delikado ito, limitado lang ang kaya kong gamitin na kapangyarihan para labanan sila, kapag ginamit ko pa ang natitira kong lakas maaari akong maglaho at bumalik na naman sa katawan ko.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon