Laira's P.O.V.
Panaginip lang pala. Totoo kaya yun?
"Dink, nanaginip ako kagabi. Sa tingin mo totoo kaya yun?" tanong ko sa kanya.
"Humiling ka ba sa tree of Knowledge?" tanong nya.
"O-oo."
"Ibinigay na sa iyo ang sagot na hinahanap mo. Ngayon... nakadipende na sayo kung ano ang gagawin mo." tumayo na sya mula sa pagkakaupo at nakisali na sa paghaharutan sa iba.
Naibigay na sa akin ang sagot na hinahanap ko. Mukhang kailangan ko ng bumalik. Pero gusto kong libutin ang mundo nila.
Dadaan muna ako sa Mt. Olympia bago umuwi. Dalawin ko naman daw si Gaia dun. Pinagbabawalan silang bumaba kaya hindi pwede. Kapag naman aakyat ka doon at makarating sa sa Olympus Castle ibig-sabihin lang nun ay may pahintulot ka kahit isa sa mga dyos o dyosa.
Tumayo na ako at sinimulan ko nang mag-empake ng gamit. Aalis na ako. Dahil mukhang mahabang paglalakbay pa ang gagawin ko.
Tapos na ako at binuhat na ang bag ko. Mukhang nakuha ko din naman yung atensyon nila.
"Aalis kana?" tanong nila.
"Oo eh. Ipinakita sa akin ng TK kung sino ang mga magulang ko. Kailangan ko nang bumalik. Pero pangako na kapag nagawa ko na ang dapat kong gawin ay iimbitahan ko na pumunta sa syudad para magawa nyo ang gustong gawin." nakangiti kong sambit.
"Mamimiss ka namin..." niyakap ako ng lahat. Kahit na si Dozy na tulog kanina ay nagising rin.
"Ikaw ang amin Snow White, Laira." nakakaiyak naman ang tagpong ito. Pero hindi ko parin magawang umiyak.
"Saan mo naman balak pupunta?" tanong ni Hefty.
"Ah... sa Mt. Olympia. Dadalawin ko lang yung kaibigan ko dun." hindi ko pwedeng sabihin sa iba na makikipag-usap ako sa isang dyosa at sasailalim sa isang pagsasanay. Magiging malaking gulo iyon sa mundong ito.
"Sige na. Mauna na ako." pagpapaalam ko at nagteleport na sa labasan nito. Katulad sa akademya hindi ka makakalabas ng diretsyo sa labas. Kailangan dumaan ka sa entrance nito o exit para makalabas.
Ngayon kailangan ko ng hanapin ang Mt. Olympia. Saan ko naman mahahanap yun?
Hay... lumabas na ako sa gubat at muling tinahak ang mahabang daan. Katulad ng narinig ko ng huling tinahak ko ang daan na ito ay may narinig na naman akong tunog ng tumatabong kabayo at kalesa. Mukhang ang grim reaper ata.
May kukuhanin na naman syang buhay.
Pumunta sa gitna ng daan upang harangan sya.
Palapit na sya ng palapit. Malapit na konti nalang.
Dahil sa gulat ng kalansay na kabayo ay napatalon ito. At nag-ingay. Muntik na ngang malaglag yung kotsero buti nalang nasalo ko.
"Hoy Mr. Grim reaper!" tawag ko sa nasa loob.
Grim Reaper's P.O.V.
Ano bang problema ng babaeng yan? Nakakaabala na sya.
Binuksan ko ang bintana ko at nakita ko sya. Sya na naman... ang babaeng nakakakita sa mga katulad ko.
"Ano bang kailangan mo binibini?" malamig kong tanong.
"Kailangan ko lang na masasakyan patungong Mt. Olympia." nakikiusap ba sya? Kasi parang hindi sa lamig ng boses nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/113091146-288-k28158.jpg)
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...