Rodnel's P.O.V.
"Kidnapping!!"
Ano yun?! Sa labas nanggaling. Nagkatingin kaming lima. Wala kasi sina Nick at Warren naghahabulan sa labas.
Syempre agad kaming lumabas nagtatakbo sa labas. Naabutan naman si Warren at ang tatlong babae na myembro ng Aureole Legionnaires. Sila yung female version ng team namin na Light Knights. Cool namin noh?
"What!? Where?!?" tanong ko ng makalapit kami sa kanila.
"Ate anong nangyari!?" tanong ni Ken at lumapit sya sa kapatid nya na shexy. Magaganda naman silang tatlo pero masmaganda yung Laira. Asan na kaya yun? Ano kayang ginagawa nun? Nasa mabuti kaya syang kapagayan.
"Si Prince Nick kinidnap si Laira?!" napatingin naman ako sa kapatid ni Ken na pink ang buhok. S-si Laira?! Kilala nila!? K-kilala nila sa L-Laira. Kita mo nga naman ang pagkakataon. Sya na ang gumagawa ng paraan.
"Ate relax, okay? Hindi naman mapapahamak si Laira. Relax..." pagpakalma ni Ken sa Ate nya.
Hinawakan ni Warren ang balikat ni Calista. Style din nitong si bro. Napakatorpe. Tinuro nya yung pintuan ng dorm kaya napatingin kami. Ilang segundo pa ay lumabas dun ang tumatakbong si Laira, at sumunod din si Nick.
Parang bumagal ata ang oras at parang bumagal sya sa pagtakbo. Bakit ganun?!
"Hi!" masayang bati ni Laira sa amin ng makalapit sya.
Mahihimatay na ata ako. Nag'Hi,' sya sakin!!!
"Nasaktan ka ba? Okay ka lang may masakit ba sayo!? HOY Kuya Nick kapag may ginawa kang masama dito kay Laira sisiguraduhin kong magdudusa ka habang buhay!" OA na reaksyon ni Calista.
"Calis, easy ka lang, okay?! Nag-usap lang kami ni Kuya Nick." kumindat si Laira kay Calista. Tumibok ang puso ko sobrang bilis. Bro, I think I'm fallin'.
Bakit ganun!? Bumagal na ang paghalaw ng lahat. May super speed na ba ako?
"Pre nasa langit na ba ako?" tanong ni Renzo. Tol huwag ka nang umasa, sa iba tayo pupunta kasi mga playboy, chickboy, at certified heartbreakers tayo. Pero hindi kami pakboy. Nakalaan lang ito sa isang babae. Yun yung makakapagbigay sa akin ng happy ending.
"May anghel kasi sa harapan natin." napatawa naman si Laira sa dinagdag ni Renzo.
"Aawww... parang may kabayo sa puso ko ang bilis ng tibok!" si Samuel yan. Ano ba talagang nangyayari,?
"Okay tama na yan... Nasa ilalim lang kayo ng spell. Wag kayong ano dyan..." nagsnap sya parang napapikit ako. Nawala na yung spotlight na nakatutok sa kanya at naglalag-lagang sparkles. Patuloy parin sa mabilis na pagtibok ang puso ko.
Ano ba talaga ang nangyayari?
"Ang tawag dun 'Magic Imitation'. Kaya kong kopyahin ang kapangyarihan ng isang taong humawak sa akin. Kaso isang minuto ko lang magagamit yun dahil ngayon lang nasubukan." Si Calista ang humawak sa kanya. At isa pa Power of Love ang kapangyarihan ni Calista. Omo!?
"At tyaka trinay ko lang. Nabasa ko kasi yun nung dumaan ako sa library kanina... Lets go?" nabasa nya lang pero nagaw nya na agad!? Woah!? Ang cool!!?
Naglakad na sila palayo. Tapos kami naiwan dito nangnakatunganga.
"Guys. May gagawin ba tayo?" tanong ko.
"Huh bakit?" tanong nila.
"Wala lang... Baka gusto nyong lang samahan akong sundan sila." parang nawala na ako sa huwisyo ko at pinagsasabi ko to.
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...