Dwen's P.O.V.
"Kuya! Huy!" napamulat ako ng mata nang may tumatawag sa akin.
"Oh andito ka na pala? Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Ngayon lang ako nakabalik. Salamat sa pag-iintay." ngumiti sya na parang normal lang ang lahat at parang walang nangyari.
"Tara na, baka hinahanap na nila tayo." inalalayan nya akong tumayo.
"Gabi na pala." napatingin ako sa paligid dahil madilim na.
"Ahaha... oo eh. Nahirapan akong hanapin ang itong lugar na ito kais hindi ko alam kung saan pupunta." napabuntong hininga nalang ako.
Habang naglalakad kami ay tahimik lang ako at inoobserbahan ang bawat galaw ni Alaira. Baka kasi ibang Alaira na ang kasama ko ngayon. She seems to be normal. Pero ang clingy nya ngayon. Usually ayaw nyang hinahawakan ko sya. Pero ngayon sya na ang humahawak sa akin.
"Magteleport tayo sa kwarto mo para hindi sila makahalata na nawala tayo." tumango nalang ako at ginawa ang sinabi nya.
"Kuya labas ka muna." napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Magbibihis lang ako." inabot nang ilang segundo bago ko magets ang sinabi nya. Doon ko lang na pagtanto na iba na pala ang suot nya ngayon.
Pang-Greek mythology ang suot nya. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mount Olympia sya ngayon kasama ang mga Dyos. Hindi ko maiwasan na mainggit sa kanya.
"Lumabas ka muna sabi." tinutulak-tulak na pala ako ni Alaira papalabas ng kwarto ko. Tingnan mo itong babaeng ito, kwarto ko yan, ha. Palayasin ba naman ako? Aba, nilabagan pa ako ng pinto.
"Kuya, yung bag ko nasan?" sa telepathy nalang kami nag-uusap ngayon.
"Oo nga pala nasa meeting room pa nga pala yung mga gamit natin. Saglit lang, kukuhanin ko lang." nagsimula na akong maglakad at wala na akong narinig mula sa kanya.
This is strange. Parang may nagbago.
"Oh it's Dwen! You are here? How is she?" sinalubong ako ni Rico pagpasok na pagpasok ko sa meeting room.
"She fine. Kakagising lang nya." sagot ko habang nagpapalingon-lingon ako hinahanap ang mga gamit namin.
"Talaga? Can we visit her?" masiglang tanong ni Elizabeth. Umiling ako bilang sagot.
"Pababa na sya. Kailangan nya lang magpalit ng damit." Umalis na ako dala ang mga gamit namin.
"Here." I gave her bag.
"Thanks." she mouthed then locked the door.
"Tss. Nag-lock pa, e kaya ko namang magteleport papunta sa loob." napailing nalang ako tapos umupo sa sahig.
"Bro, It's dinner, I think you go down."
"HAAAH!" sigaw ko ng biglang lumitaw sa tabi ko si Miguel. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Inlab na ba ako? Jowk lang.
"Bro, kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot. Sya yung taong madalang sumagot, ano bang aasahan ko.
"We should go down."
"Paulit-ulit lang? Mamaya na, intayin na natin yung nasa loob." napairap nalang sya sa sinabi ko.
"Kasama ang mahal na hari at ang reyna. At hindi daw magsisimula ang hapunan hanggat wala kayo." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ang mga King and Queen ang palasyong ito ay sasabay sa aming pagkain? First time yun, ah?
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasiaDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...