15: Tree of Knowledge

7 0 0
                                    









Laira's P.O.V.

Nandito kami sa pinakasentro ng bayan kung saan naroroon ang napakatayog na puno. Kung titingnan ay ilang daan na itong nabububay sa mundo. Ngunit nasa mundo tayo ng mahika kaya naman ang sabi nila ay ilang bilyong taon na itong nabubuhay.

"Iyan ang Tree of Knowledge. Mas kilala sya sa tawag na ang sinaunang urakulo."
First Oracle pala hah?

"Tama! Kapag nagtanong ka sa kanya ay ibibigay nya sa iyo ang hinahanap mong sagot sa pamamagitan ng panaginip." O tapos?

"Bibiyayaan ka nya ng sagot kung mabuti ang hangarin mo sa mga gusto mong malaman."

"Nagbibigay din ito ng babala sa lahat kung may magaganap na delubyong darating."

O talaga?

"Oo tama... at sinabi nya rin sa akin na darating ka." napatingin naman ako sa matandang nagsalita.

"Pinuno!?" yumuko sila bilang paggalang. Syempre nagbow din ako.

"Hindi lang sya ang binigyan ng pangitain, pati kami." may dumating namang isang matandang smurf at isang matandang  troll.

"Councils!?" yumuko ulit sila kaya naman nagbow ulit ako. Hay... wala na bang katapusan ang ganito?

"Ipinakita sa amin na darating ka, pero hindi ipinakita kung kailan." -matandang midget.

"Ikaw ang nakatakdang magligtas ng buong sangkatauhan." -tandang smurf

"T-teka? Hindi ko po alam ang sinasabi nyo." I don't know.

"Malalaman mo rin sa pagdating nang araw. Ngunit sa ngayon... kailangan mo nang bumalik... hinahanap kana nila." naguguluhan ako?

"Ano pong 'sila'?" inemphasize ko yung sila.

"Ang dalwang kaharian ay hinahanap ka na. Ang isa ay para patayin ka at ang isa ay upang protektahan ka." tumalikod na sa akin ang punong midget.

"Ang mabuti pa ay bumalik kana sa kaharian kung saan ka galing." tumalikod na rin ang punong smurf.

Tumingin naman ako sa punong troll at tumaas-baba lang ang kanyang ulo, inshort tumango. Tamad nyang magsalita, eh no?

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa puno.

"Gusto kong malaman kung bakit ako iniwan ng mga magulang ko sa ampunan." naiiyak kong bulong. Hindi ko din alam kung bakit yan ang lumabas sa labi ko.

"Ah... Laira... Tara na, gumagabi na. Sa amin ka muna magpalipas ng gabi." marahang hinila ni Nubble ang laylayan ng damit ko na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Maraming salamat." ngumiti ako sa kanya at iniwas nya naman ang tingin nya na parang nahihiya. Namumula pa ang mukha nya.

"Tara na. Nakakapagod ang araw na to." may paghikab pa si Dozy.

"Ows talaga? Parang ang dami mong nagawa?" papiloso ni Dink.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon