11: Intruders

10 0 0
                                    













Lance's P.O.V.

"LANCE LET'S GO!? LATE NA TAYO SA KABAGALAN MONG KUMILOS!!?" sigaw sa akin ng Vera.

"Sino ba may sabi sa inyong hintayin ako?" nakalabas na ako ng pinto.

"Pinapadaan tayo ni HM sa opisina nya bago tayo pumasok."

"Ano naman? Pwede naman akong sumunod." nauna na akong maglakad.

"Ganyan ka naman. Sigurado akong magsisi ka na binagalan mo kapag nalaman mo na...." hindi nya itinuloy yung sinasabi nya dahil nasa harap na kami ng HM's office.

"Good morning HM!" bati ng mga babae. Syempre ano bang aasahan nyo?

"Good morning. I just reminding you on EMFW. May twist ngayon kasi nag-imbita din kami ng mga estudyante sa ibang academy para makilahok sa kompitisyon. At yung mga galing sa kani-kanilang pinanggalingan ay magiging part ng team nila. Katulad nyo, ang mga magiging kateam nyo ay ang mga lugar na pinagmulan nyo. At gusto ko, walang kai-kaibigan dito. Competition is still a competition." what? Paano?

"Paano po si Laira? Saan po sya magteteam?" tanong ni Rose.

"Unfortunately, we still don't know what her real main power. So it means, pwede syang hindi sumali pero kung gusto nya she's in my team." may pakindat pa. Tsk. Inirapan ko nga.

"Okay you may go. Kayo na ang bahalang magkalat sa sinabi ko." lumabas na kami.

This is disgusting!!? Makakalaban ko ang taong mahal ko? How ridiculous!? Kaya kong magpatalo para sa kanya, dahil ganun ko sya kamahal. Pero nakasalalay din dito ang karangalan ng kaharian namin. Paano na? Ayokong masaktan ang taong mahal ko pero ayoko rin naman na madisappoint ang mga magulang ko.

"Sorry sir we are late." mga babae yan. Nalate na kami sa klase namin dahil pinadaan pa kami ni HM sa opisina nya.

Nakaupo na kami nang may pumasok ulit na tatlong babae at sa likod nila ay isang dyosa. An epitome of beauty. The love of my dreams. My saviour in my nightmares. My future wife.

"Hi! Good morning..." napatigil naman sya sa pagsasalita ng may sumabat. "Good morning din Ms. Beautiful." nagsisimula ng uminit ang paligid dahil naiinis ako. Para sakin yun. Para sa akin ang good morning na yun!!!??

"Lance ano ba? Mainit oh? Ano bang problema mo?" sita sa akin ni Rose.

"I'm Laira Myth. Please take care of me." nagbow sya.

She's really different. Her attitude, she have her respect in all people around her. Kapag mabait ka sa kanya, mabait din sya sayo. Yun ang bagay na motto sa ugali nya.

"What is your power? May we know it?" magsasalita sana ang mahal ko nang biglang magsalita yung isang clown. Tapos ginatungan pa nang ibang babae.

"Baka weak kaya hindi nya sinabi."

"Sir hayaan nyo na baka wala namang kwenta ang powes nya."

"Sir huwag nyo nang ipasabi sa kanya. Mukha palang mukha nangmahina."

Alam nyo ba yung nakakatakot? Actually wala talaga sa bukabolaryo ko ang salitang 'takot'. But everytime I saw that grin, I found myself sweating and take note that I never felt it before.

"Shut the f*ck up!!? Baka kapag nalaman nyo ang kapangyarihan nya manginig kayo sa takot." napatingin naman ak—kami pala dahil sumigaw si Calista.

El Mahica Academy: Enchant SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon