Third Person's P.O.V.
At El Mahica Academy...
Ang lahat ay naghahanda na para sa gaganaping EMFW sa susunod na linggo. Ganun ang iba pang mga akademya sa buong mundo ng Mahika. May mga dadalo sa Apoy dela Akademya ng Fyro kingdom, Hangin la Eskuwela ng Airo kingdom, Elementum de Eskuwela ng Forestina kingdom, Aquaria de Akademya ng Aquarsia Kingdom, Friosan dela Eskuwela ng Frostia kingdom, Darkum la Akademya ng Darken kingdom. Lahat ng gustong makilahok sa pagtitipon na ito ay maaaring sumali kahit ang kalabang kampo ay inanyayahan din na makilahok. Ang paanyayang ito ay panlahatan. Kung may balak mang masama ang kalabang kampo. Anim na kaharian ang makakalaban nito.
Samantala nagnagpapahinga na ang mga naatasang maghanap sa naggagalang prinsesa.
Ito din ang oras na lumabas si Laira sa portal nang Small town.
Unang nagising si Prince Rodnel para maglabas nang excretion. Pumunta sya sa hangganan ng barrier. Sa silangang bahagi.
Nakita nya na may kumaluskos sa bandang unahan nya.
"Laira!!!!?" sigaw nito.
"Hoy Laira!!! Laira, tumingin ka dito!!! HUY!!!!!?" sigaw nito at kinakalampag na ang barrier.
Ngunit tila walang naririnig si Laira at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit ka ba sumusigaw, nakakabulabog ka?" kusot-matang tanong ni Samuel.
"S-si Laira!! Ayun oh!!!" tinuro ko si Laira naikinalaki ng mata nya.
"Oo nga!!! LAIRA!!!!!" kinalampog na rin ni Samuel ang barrier. Ngunit tila wala paring nairirnig si Laira kahit gaano pa kalakas ang kanilang sigaw.
"Ano ba ang ingay bakit ba kayo nagsisigawan dyan?" gising na ang karamihan sa kanila at ang iba naman ay tulog parin.
Hinarap naman ng dalawa ang anim. Napagasp naman ang mga babae at napatalikod.
"Bakit anong problema?" tanong ni Rodnel.
"Ayan o?" tinuro ni Warren ang ari ni Rodnel.
Napalaki naman mata ni Rodnel dahil nakalimutan nya pala na umiihi sya ng makita nya si Laira. Agad naman nya itong sinarado.
"So ano nga ang dahilan bakit kayo nagsigaw?" tanong ni Warren. Nakatalikod parin ang mga babae at tumango.
"Nakita namin si Laira dun." sabay turo sa babaeng naglalakad na may puting buhok. Masyado na itong malayo kaya nilapitan nila ang kanilang paningin at nagulantang.
"O MY GOSH!!! LAIRA!!!" sigaw ni Rose.
"LAIRA!!!!!" sigaw ni Vera.
"HEY LAIRA!!!"
"ATE LAIRA!!!!"
"LAIRA!!!"
Sigaw nang lahat. Ngunit tila walang marinig si Laira.
"HOY BITCH TUMINGIN KA DITO KANINA KA PA NAMIN TINATAWAG!!!!" napatigil naman ang lahat ng sumigaw si Teriza. Teriza Barbra, isang witch. Ang nanay nya ay isang good witch. At ang ama naman nya ay bad witch. Mabait naman sya may pagkataray lang. Naiinsecure sya sa mga masmaganda sa kanya.
"Guys gisingin na natin si Reana. Kailangan na nating mahabol si Laira." lahat ay tarantang bumalik sa gitna kung saan natutulog ang mga taong tulog-mantika.
![](https://img.wattpad.com/cover/113091146-288-k28158.jpg)
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...