Someone's P.O.V.
Ang anak ko! Nararamdaman ko na sya. Nandito na sya sa mundo namin!! Makikita ko na sya... May lovely daughter...
"Heneral pinapatawag po kayo ng hari." nilingon ko ang kawal na nagsabi nun at nagpasalamat ako.
Nagteleport ako papunta sa office ng hari.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na hari?" bulalas ko ng makarating ako. Rinig parin ang boses ko kahit nakamaskara ako.
"May balita na ba tungkol sa nawawala kong asawa't anak?" tanong nito. Hindi parin ito nakatingin sa akin at na natiling nakatingin sa bintana.
"Sa ngayon po. Nandito na po ang anak nyo mahal na hari." nandito na ang anak natin.
"Nasaan sya gusto ko syang makita!!?" tumingin na sya sa akin.
"Sa ngayon hindi pa po kami sigurado kung nasaan ito. Ang sigurado palang po kami ay nadala na sya sa mundo natin." bulalas ko.
"Gusto kong gawin nyo ang lahat para mahanap ang mag-ina ko!" napataas na sya ng boses.
"Masusunod po, mahal na hari..." nagbow na ako.
"Malapit ko na kayong makasama Alana at Alaira... malapit na. Nasasabik na ako sa inyo." yan ang huling nabasa ko sa utak nya. Miss narin kita asawa ko.... Pero bago yun kailangan ko munang mahanap ang anak natin sa katauhan ng iba.
Laira's P.O.V.
Nagsimula na kaming kwentuhan, magkulitan, mag-asaran ng mga kaibigan ni Lance. They are a good friends and a good entertainer.
Si Yosen makulit at sya lagi yung gumagawa ng mga kakaibang gestures sa katawan. Si Timothy naman palakwento, ng kung ano-ano. Yung dalwang babae naman tawa ng tawa na wala ng bukas kaya mahilig silang asarin ng mga lalaki. Eto namang katabi ko pangiti-ngiti lang. Ako? Nakikisabay lang sa kakulitan nila. Hindi naman ako KJ.
Napatigil kami at napatingin sa pinto ng may iniluwa itong tatlong naggagandahang mga babae.
"Nakakapagod talaga!! Gusto ko nang humig—Royalties!!?" napatigil sa pag-uunat yung may pink na buhok, malulusog na boobs at baling kinitan ang katawan pero medyo maliit mga 5.1 lang ang tangkad.
"Kuya what are you doing here?" gulat na tanong ng babaeng may intense blue na buhok. Sino bang kapatid nya dito? Ang kamukha nya lang naman ay si L-Lance...
"We are here to visit my soon to be girlfriend, Laira." binulong nya lang yung my soon to be girlfriend pero rinig ko parin.
"Sya ba yung sinasabi ni Headmistress na bagong dorm mate namin?" tumango lang sila.
"Be good to her. Or else..." nagpalagutok ang lima. Hindi lang lumagutok yung kay Vera. Nasaktan pa sya sa ginawa nya.
"A-ahehehehe... syempre... hindi naman kami pinalaki ng walang manners eh." napakamot si pink hair sa buhok nya.
"Mauna na kami. Have a good time. Bye Laira, see you..." si Rose yan at nagtayuan na sila. Ang naiwang nakaupo nalang ay ako at itong kulupong na ito.
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...