Calista's P.O.V.
Hi sa inyo!? Nakapagpahinga na kami. Di ba nga kakagaling lang naman namin sa misyon...
Magmamall kami ngayon para makabili ng mga groceries para sa mga susunod na araw. Dumaan kami sa kwarto ni Laira kaso wala sya dun ang nandun lang ay ang mga pets nya. Nasan na kaya yun?
Palabas na kami ng dorm ng may makita kami ng babae na naglalakad papunta sa dorm namin. May aquamarine ang buhok at may highlights na pula.
"Oh hi guys!?" kumaway sya sa amin. Napakunot naman ang noo ko, naming lahat pala.
"L-Laira?" nakakapanibago talaga kasi kanina bago kami matulog pula pa yung buhok nya ngayon iba na.
"A-ah a-anong nangyari sa buhok mo?" tanong ni Frida.
"Ah yan ba? Wala lang nalaman ko na kasi yung main element ko. Ice." ngumiti pa sya abot tenga na lalong nagpaganda sa kanya. Wwaahh!! Inggit ako!!?
"Aaahh... tara sa mall mamimili tayo ng groceries." Inangkla ni Frida ang mga kamay nya sa kaliwang braso ni Laira.
"Lets go. Ayokong gabihin." nauna nang maglakad si Ate Calex. Kaya sumunod na rin kami.
"Calis si Warren oh!?" napatingin naman ako kay Frida tapos tinitingnan ko yung tinitingnan nya.
Napaiwas naman ako ng tingin ng tumingin sya dito. Nasa dorm na naman sya ng kaibigan nyang si Nick. Siguro nandyan ang lahat ng miyembro ng Light Knights. Sila ang miyembro ng pinakamalakas na lalaki sa buong akademya. Hindi lang sila pinakamalakas pinakagwapo pa.
At ang nakakuha ng puso ko nang hindi nya sinasadya ay si Warren Tardes. Nakuha nya ang puso ko nung freshman palang ako. Dahil lang sa isang panyo, na nasa akin parin hanggang ngayon.
Ni hindi ko nga alam kung natatandaan nya pa ba ako. O kung kilala nya ako o kung alam nya ang pangalan ko. Para lang akong hangin sa kanya. Yun ang tingin ko.
"Calis tara na!?" sigaw sa akin ni Ate. Tulala na pala ako hindi ko namalayan. Hehehe...
"Papunta na!" tumakbo na ako papalapit sa kanila.
"Hi Kuya Nicky!!?" sigaw naman ni Laira kaya napatingin kami sa tinitingnan nya.
"Hi Kuya Nicky!!!!?" sigaw ni Laira at pakaway-kaway pa.
Nicky? Sino naman yun?
"Nicky?! AHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!" nagulat naman ako ng tumawa ang lalaking lihim kong minamahal.
Nakita ko namang namula ang mukha ng kasama nya. Si Nickolas Coldoval. Ibig-sabihin sya yung Nicky!? Ppfftt... Whahahahahaha!!! Sa isip lang yang tawang yan kasi nakakahiya kapag nakita nya akong magwala kakatawa.
Nagulat nalang ako nang biglang lumitaw si Nick sa harapan ko. Nasa harapan ko kasi si Laira.
Tinakpan nya ang bibig ni Laira at sa isang kisap mata nawala silang pareho. Napagasp naman ang mga kasama ko sa nangyari.
"Kidnapping!!" sigaw ni Frida.
"What!? Where?!?" nalabas naman ang nasa loob ng dorm ni na Kuya Nick, Kuya Rod, at Kuya Camden. They are older than us. One year lang naman.
"Ate anong nangyari!?" tanong ni Ken ng makalapit sa amin.
"Si Prince Nick kinidnap si Laira?!" untag ko. I'm panicking!!?
"Ate relax, okay? Hindi naman mapapahamak si Laira. Relax..." pagpapahinahon sa akin ni Ken.
May humawak sa balikat ko at napatingin naman ako kung sino yun. S-si Warren... tinuro nya yung pintuan ng dorm at lumabas dun ang tumatakbong si Laira. Ilang sandali pa ay sinundan naman ito ni kuya Nick.
BINABASA MO ANG
El Mahica Academy: Enchant School
FantasyDalawang mundo. Mundo ng mga tao at mundo ng MAHIKA. Paano kung lumaki ka sa mundo ng mga tao pero ang kinabibilangan mong mundo ay mundo ng mahika pala. Ako si Laira Myth. Lumaki ako sa mortal world pero sa isang iglap napunta ako sa isang mundo na...